Peb 27, 2003

Do not ars-longa-vita-brevis me! What will I have if I have you encased in the canvas of my words? What wages will I owe the eternal lines if I engrave your unending beauty in them? No, not today. There must be a limit to what the verb can move. May I live forever inferior as artist but never held back as man. Between ars and vita, let me always recall the nobler cause. Let me always distinguish the means from the ends.

I thank you for your final lesson dear strangers. My weakness prevails such that I can only know them now as mere lessons. I will keep what I have from you in the hope that someday I may gather from it the truly profound. Something worthy of you, though never to be worth anything to you. What would be the value of a shadow?

I still reel from our brief touching. Exactly the why or the how I cannot understand. Allow me please to keep the what that happened. For now, I succumb to words because I fail before them. Was it because of the first failure? Yes, maybe. We failed to save you! No long-winding art can ever cover that!

In pace recquiescat, dear young ones.

Peb 24, 2003

Sounding the Horn

In Northern Somalia, a Filipina is carving her meaningful niche. Ibalik's roving eye never ceases to amaze me! Now, dekarabaw's unga is definitely richer with Yvette's voice. Here, consider:

The voices of the orphans, children victims of war, were enough to make everyone listen intently. I was seated beside a Somali woman from Berbera who was nice enough to translate the songs. The children sang about inter-clan fighting, war and how it affected the young, how they were thrown in the streets, how they were orphaned because their parents were killed or were missing. The children reminded the old that amidst the hostilities it is the young that get most affected.


I hope you get to visit her, send her my regards, and tell me what you think.

Peb 18, 2003

Lungsod, Mula sa Tuktok, Isang Gabi

Nuong unang linggo ng Disyembre, napadpad ako sa tuktok ng Antipolo. Mula ruon, matatanaw ang mga ilaw ng Maynila sa pagkagat ang dilim. Kita ruon ang Cainta, Cubao, Libis, EDSA, Skyway, at mga karatig-lugar. Iba't iba ang kulay ng ilaw. Namamayani ang mga dilaw at kahel ng mga kalye pero naruon rin ang ilang puti at syempre pula sa tuktok ng mga gusali. Para sa mga eroplano, sakaling mapababa ang lipad. Kapara ng aking titig nuong gabi, pababa, dumadapo.

Sa kabuuan, interesanteng tingnan ang bista. Pakiwari ko rito'y isang nahulog na sanga ng isang mekanikal, maliwanag, at selestyal na Christmas Tree. Nasa pagitan ng aking tuktok at ng mga lungsod ang mga puno ng Rizal. Nasa kaliwa naman, tila nakasawsaw ang isang dulo ng syudad sa Laguna de Bay.

Kung saan-saan ako dinala ng aking pagmumuni nuong mga gabing iyon. Kahit babad sa tsaa at kape ang utak nuong umaga at serbesa nuong gabi, walang humpay ang pakikipagbuno ko sa bista.

Diyan ako iniluwal sa baba. Diyan sa nagpapakalangit na lupa kung saan nakapirmi sa mga poste't gusali ang ilaw ng mga bituin. Diyan sa lungsod na pinagkakaisa ng aspalto at semento ng sari-saring kalsada. Mula ruon sa aking kinatayuan, mga kubling lubid ang mga kalsada, makikilala lamang dahil sa gulugod ng mga ilaw at hilera ng mga gusali. Lahat, gapos ang mga ugat. Wala akong nakikitang tao mula sa ganuong layo. Pero alam kong naruon sila, kung hindi nakasilid sa bahay, nasa labas at nakahapit sa kurba ng mga kalsada, sa sulok ng mga kabit na pader, sa bingit ng mga pinto. Naruon sila, sa kanilang mga nakakahong buhay. Diyan ako iniluwal.

Napakatipikal naman para sa akin nuon. Porke't napalayo lamang nang konti, akala mo kung sino nang nasa itaas. Aba, dala-dala ko ang lahat ng mga estruktura ng lungsod na iyan! Mismong mga mata ko, nakapadron sa hubog ng mga bintana at salamin ng syudad, hindi ba? Ang ilaw na tinatanggap ng mga ito, panay artipisyal. Kung may araw man o buwan, may mantsa at marka na ng usok ng lungsod bago ko makilala ang liwanag ng mga ito. Nakadamit pa rin ako sa imahe ng lungsod. Nakahawi ang aking buhok, nagpapaka-intelektwal ang pungay ng mga mata, nakatikom ang bibig, nakasakop ang dila.

Itinuturing ko pa rin ang sarili ko na sibilisado. Ibig sabihin, pagmamay-ari ng lungsod. Bawat tibok at muwestra ng aking pagkatao, mula at akma sa lungsod at orden ng mga tao. Sibilisado. Ibig sabihin, pakatandaan ang etimolohiya, nakapader. Kaya ano't inatake ng burgis na pagkahambog?

Dito, manipis ang ulap. Parang nasa ibabaw na rin ako niyang maitim na alapaap na bumabalot sa syudad, iwinawaksi ang ilaw ng langit. Halata ang kapal nito, kahit sa karimlan ng gabi. Dito, sa tuktok, masarap ang simoy, nakakabuhay ng loob kahit ang lamig, at higit sa lahat, tahimik ang paligid.

Ngunit wala ako sa ibabaw ng anuman, anuman ang aking palagay. Hindi gaanong malayo ang itim na ulap kahit saan man ako tumayo. Nasa loob na iyan, tumiim nang husto sa kaila-ilaliman ng aking utak at baga.

Dala ko ang tulin ng mga pedikab, dyip, bus, at tsedeng sa aking pulso. Dala ko ang abo ng langit sa aking pawis. Nasa aking mga galamay, kalamnan, dibdib, at mismong labi ang peligro ng syudad. At sa aking isip, umakyat man ako sa itaas o sumisid sa kung anong ilalim, may bagay na kailanman hindi ko maaring itatwa.

Saan pa ako dumayo o mapadpad, hindi ko mapipinid ang panloob na tenga ng aking utak. Saan man ako naruruon, dala ko sa ulo ang ingay ng lungsod.

Peb 17, 2003

Heto ang huling paghahain ng mga ideya mula sa lektyur na "Rethinking Southeast Asian Cities: The Peculiar Case of Manila" ni Dr. Trevor Hogan ng La Trobe University sa Australia. Muli, pinakamahalaga sa akin ang pananaw ng mambabasa. Sakaling nakilahok, hayag man o hindi, tanggapin sana ang aking pasasalamat.

Bago magkomento, nais ko lang ipaalala sa mahal kong mambabasa na libre ang mangarap, huwag sanang magtipid. Maaring magbigay ng pag-analisa at edukadong ispekulasyon pero aba! walang pumipigil sa nais managinip! Minsan ang pumipigil o nag-iiba sa
'siguradong-magiging...' ay isang simpleng 'sana...'

Heto ang huli at siguro pinakamahalagang tanong:


ANO NA NGAYON, MAYNILA?
Kontrol, Kahulugan, at Kinabukasan ng Kabisera


Espesyal ang Maynila sa Pilipinas. Walang anumang lugar sa Pilipinas ang nakadugtong sa sarisaring paraan sa iba't ibang lugar sa daigdig. Isang kabisera ang Maynila at lulan nito ang mga sentro ng kapangyarihan at kalakal. Dito isinasagawa ang pinakamahahalagang aksyong pulitikal na nakaaapekto sa bansa-estado.

Sa kabilang banda, nasa Maynila rin ang mahahalagang espasyong relihiyoso at kultural. Kung tutuusin, ayon kay Hogan, ang kabisera ang teatro ng bansa para sa pagsisiwalat sa ibang bahagi ng Pilipinas at sa ibang bansa. Dito ipinoprodus at muli't muling ipinoprodus ang mga simbolo at kaugnay na kahulugan ng pagkabansa, ng pagkaPilipinas ng Pilipinas. Para kay Hogan, sa ganitong pagtingin, sa Maynila binubuo ang bansa mismo. Sa isang pagtingin, sa Maynila nanggagaling ang bansa.

Maynila ang sentro, hindi lamang ng ekonomikong kapital. Narito rin ang mga sentro ng edukasyon at kaalaman. Kung gayon, dito rin nakakonsentreyt ang kultural at simbolikong kapital ng bansa.

Ayon kay Hogan, nasasalamin sa mga katangian, aktibidad, at pagsasaalang-alang na ito ang dobleng pagkagapos ng mga Manilenyo. Nakokomit ang tagalungsod sa dalawang pangangailangan: ang 'teknolohikal' sa isang banda at 'hermeneutical' (o historikal) sa kabila. Habang pilit tayong nagtataguyod ng kontrol, naghahanap rin tayo ng kahulugan.

Huling paanyaya ni Hogan na muling romantisahin ang Maynila, ang mga daluyan at katawan ng tubig nito bilang lungsod-daungan, ang mga pampublikong espasyo, at ang nakaikid na kasaysayan at kwento sa mga ito. Inaanyayahan tayong muling tangkilikin ang ating lungsod, balikan ito sa halip na lisanin, kaunin ang kolektibong alaalang nakaimpok sa syudad, at maghabi ng mga bagong salaysay at saysay rito.

Ayon kay Hogan, mainam na talikuran ang pagtanaw sa Maynila bilang suliranin. Bilang panimula, tingnan sana ang Maynila bilang lungsod na may kultura, kasaysayan, at halaga. Dahil nagtapos rin siya sa tono ng pag-asa, ipinapamalas rin sa atin ang isang Maynilang may hinaharap.

May hinaharap pa nga ba ang Maynila? Ayon kay Hogan, malaki ang pag-unlad ng Maynila kumpara sa estado nito 14 taon ang nakalipas. Laluna kung ikokonsidera ang mabilis na pagdami ng mga residente nito!

Ano nga kaya ang Maynila lima o sampung taon mula ngayon?

Peb 14, 2003

Pupuntiryahin ko na naman ang paghain ng mga sipi mula sa lektyur ng Australyanong iskolar na si Dr. Trevor Hogan tungkol sa Maynila. Sa aking palagay, mas delikado (sa kambal-kahulugang 'peligroso' at 'delicate') ang presentasyong ito para sa kanya dahil tao na ang pinag-uusapan rito. Sinasabi niya sa akin, ako bilang isang taga-Maynilang nakikinig, ang tungkol mismo sa akin!

Gayumpaman, inaatras ko ang pansariling reaksyon pabor sa interes kong maghatid ng pamukaw-isip at tumanggap ng feedback. At sa puntong ito, daghang pasasalamat ang nais kong ihatid sa lahat ng lumalahok sa ating munting piyesta ng pagsasapantaha. Maaring patulan ang mga nakalipas na ideya o tanong o di kaya'y sunggaban na mismo ang mga tanong ni Hogan sa ibaba.

Tama kaya ang sinasabi niya tungkol sa mga Manilenyo? Mismong nakatikim na maging Manilenyo ang makakatugon, hindi ba?


ANG MANILENYO
Isang Paghimay sa Tagalungsod


Nagpanukala ng dalawang ideya si Hogan tungkol at naukol sa mga kaharap na nakikinig sa lektyur. Nagsasalita siya sa harap ng mga Manilenyo-de-Ateneo at batid niya na panay maykaya ang kanyang manunuod. Heto ang kanyang kambal-katanungan:

Paano kung hindi ang mabababang uri ang problema?

Kaugnay nito, paano kung hindi ang matataas at gitnang uri ang solusyon, at baka pa kaugnay rin sa problema?


Pinuna ni Hogan ang ating produksyon ng yaman at ang estilo ng pamumuhay na binuo natin kaugnay nito. Ayon sa kanya, kapansin-pansin ang pag-etsapwera ng mga nakatataas at gitnang uri sa dumi, peligro, at kaguluhan ng lungsod. Para pahupain ang epekto ng mga problema, isinasaisantabi ito, iniilagan, o itinatapon sa labas. Nagiging tanggap na pagtugon ang pagtapat ng mga pribadong solusyon sa mga pampublikong problema.

Halimbawa nito ang paglisan mula sa lungsod. Kung hindi man tumuloy-tuloy na sa ibang bansa, sumusunod sa daloy ng suburbanisasyon palabas ng lungsod. At kung hindi man palabas, paloob ang paglisan. Nagkukulong ang maririwasang Manilenyo sa loob ng magiginhawang kondo, kulob ngunit ligtas mula sa polusyon, peligro, at problema. O di kaya'y rumoronda sa loob ng primera klaseng awto, kuntodo itim na tina sa mga bintana, hiwalay maging sa paningin at persepsyon ng mga tagalungsod. Madalas pang nagsususuot sa mga mall at komersyal na establisimyento. Sa huli, isinasapribado ang kahulugan ng pagiging-nasa-Maynila.

Sa kabilang banda naman ang nilalait na urban poor, ang mismong kalakhan ng kalakhang Maynila. Paano kung hindi sila ang problema? Paano kung may mga katangian silang susi sa paglutas ng problema? Inihain ni Hogan ang ideya na ang mahihirap sa lungsod pa ang maaring sentral na aktor ng Maynila. Kaya naman inayawan niya ang problematikong tawag na 'iskwater' pabor sa mas malinaw na 'mga impormal na ekonomiya ng mahihirap'.

Pinansin at nilista niya ang mga katangian ng uring ito. Heto ang mahihirap, sadyang pragmatiko, sanay kumilos na may resulta (katiting man sa mas nakatataas na mata), malikhain, maparaan, at madaling nakaaangkop sa mga dagok ng buhay.

Pinulot ni Hogan ang palasak na ehemplo ng jeepney. Isa itong patapon na behikulo ng mga sundalong Kano makalipas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Aba't kinuha pa ang basurang ito, inilaan sa kolektibong gamit at pinagtayuan ng payak na negosyo! Ginamitan ng tradisyunal na diskarteng artisano ang dyip at naiangat sa antas ng industriya!

Hinahangaan ni Hogan hindi lamang ang produkto kundi pati ang serbisyo. Mahusay para sa kanya ang pagmaneho rito bagamat alam niya na minsan kinaaasaran ito ng tagalungsod. May halaga sa kanya ang pamamaraan paano nasasagad ng drayber ang espasyo at nasasabayan ang daloy.

Walang partikular na panukala si Hogan ngunit minarka niya ang pagkamalikhaing ito - mukha mang maganda o pangit sa atin - bilang isang malaking yaman na dapat tukuyin at gamitin sa benepisyo ng lungsod.

Peb 13, 2003

Peb 12, 2003

Naging tagalabas na ba kayo sa ibang lugar?

Naramdaman nyo na bang maging banyaga? Kahit pa anong mangyari, iilang lugar lamang ang matatawag na tunay na tahanan ng isang tao. Taga-Maynila ako, walang duda. Hinding-hindi ko nanaising maging banyaga sa sarili kong lungsod. Kaugnay nito, hindi ko rin makukuha ang pakiramdam at puntodebista ng banyaga sa Maynila.

Ito siguro ang isang dahilan kumbakit binigyang-halaga ko ang mga pinagsasasabi ni Dr. Trevor Hogan. Banyaga siya at alam niya iyon. Katuwang ng kanyang paniniwalang may maiaambag siya ang kanyang respeto sa mga tagaloob, ang mga awtoridad sa paksa ng lungsod.

Hindi ko binibitawan ang nauna kong tanong:
Kakaiba nga ba talaga ang Maynila? Pero minabuti kong isunod sa aking pagtatanong-tanong ang ulat ko sa diskarte ng isang banyagang iskolar sa pagtalakay sa Maynila sa harap ng mga Manilenyo. Ito muna ang aking kontribusyon sa usapan, ang eksposisyon ni Hogan sa pagkakaiba.

KAIBAHAN AT KOMEDYA
Ang Banyagang Iskolar bilang Payaso


Malay si Hogan sa kanyang pekulyar na posisyon. Kinilala niya na tunay nga at parsikal na nagsasalita siya, isang Australyano at tagalabas, sa mga Manilenyo tungkol sa Maynila! Batid niyang sadyang mas maraming alam at ramdam ang kanyang audience kaysa kanya.

Gayumpaman, inaalok niya ang mga manunuod na pakinggan ang kanyang mga repleksyon bilang isang galing sa labas. Maaring bago at iba ang maibibigay niya para sa manunuod sapagkat hindi ito nagmumula sa pagkagamay at pagkaintindi ng mamamayan sa lungsod kundi mula sa ibang pundtodebista, mga di-pagkakaintindi at mismong kawalang-gamay ng tagalabas.

Nagpakilala siya bilang payaso. Pinili niya ang komikong modo ng pagpiprisinta. Ayon sa kanya, hindi ito simpleng pagpapatawa lamang sa kondisyon ng lungsod at bansa. Isa itong pagkiling sa komedya, ang piling moda ng romansa. Sa pamamagitan ng modong komiko, mauungkat ang dimensyon ng trahedya, ng kalunos-lunos. Pero dahil sa aspetong romantiko, mauuwi ito sa tono at pagtatapos ng pag-asa, gaano man ito kaliit. Kaakibat nito ang paanyaya ng nagsasalita sa nakikinig na dalhin ang pamosong kritisismo sa sarili sa ibang mga produktibong posibilidad, halimbawa sa larangang normatibo at etikal.

Napuna ni Hogan ang disposisyon ng mga tagalabas na kumunsumo ng kaibahan. Sa unang tingin, ito ang pinunta rito ng iskolar, mangangalakal, turista, at iba pa: ang mga pinagkaiba ng narating kumpara sa pinanggalingan. Hinahanap ang ibang makikitang lugar, obra, at tao. Inaabangan ang maririnig na wika at mababasang senyal. Syempre, hinahagilap ang kakaibang malalasahang pagkain!

Ngunit mula sa ganitong pangonsumo ng kaibahan nauuwi rin madalas ang mga banyaga sa pagbabawas ng kaibahan! Ilang mga kanluranin ang kumakain rin lamang sa McDonald's pagdating sa ibang bansa at tumitira sa mga hotel na ipinadron sa kanilang mga nakagisnan. Tumutungo rin sa pamilyar para maging komportable.

Ayon kay Hogan, hindi mga tagaloob lamang ang makalulutas sa mga suliranin ng lungsod. Hindi rin lamang malulutas ng mga tagalabas. Kailangan diumano ang patuloy at umuunlad na dialogo sa pagitan ng mga nasa loob at nasa labas ng Maynila. Kung gayon, layunin dapat ng mga nagdidiskurso at kumikilos sa lungsod na lampasan ang basta lamang pagkonsumo o pagkaltas sa kaibahan. Ayon kay Hogan, kailangang tunguhin ang kabilaang pagkilala sa kahalagahan ng mga pagkakaiba.

Peb 11, 2003

Kaiba Nga Ba Ang Maynila?

Inilagay ko rito ang sagad-sagaran kong buod sa lektyur ni Dr. Trevor Hogan na "Rethinking Southeast Asian Cities: The Peculiar Case of Manila." Isa ito sa mga bagay na kasalukuyang pumupukaw sa aking ulirat. Sa totoo lang, paimbabaw kong motibo na makuha ang kurukuro ng mambabasa tungkol sa Maynila at sa ibang mga lungsod sa Timog Silangang Asya na palaging itinatapat rito. Bunga ito ng aking pagkaignorante sa labas ng aking kinagisnang lungsod. Kung hindi abala, nais ko lamang maliwanagan. Gusto kong malaman ang isang bagay sa lahat ng madugo o makulay na detalye nito.

KAIBA NGA BA ANG MAYNILA?
Lagom ng Isang Lektyur Tungkol at Ukol sa Ating Lungsod

Ipinaliwanag ni Hogan ang "Southeast Asian City" bilang imbensyon lamang ng mga kanluraning iskolar nuong panahon ng Cold War. Isa itong mito na nakaugat sa pag-aaral sa Jakarta. Mayruon ring pag-aaral na nag-aambag sa pagbuo ng tatak na lungsod-SEA na nakabase sa Bangkok. Gayumpaman, kapwa ito hindi angkop at mabisa para sa pag-eksplika at pagkategorya sa Maynila.

Nagsarbey rin si Hogan ng iba't ibang lapit sa pagtingin at pagturing sa Maynila. Bagamat maraming naipapaliwanag ang mga teoryang ekolohiya, globalisasyon, modernisasyon, post-kolonyal, at sibilisasyon, kulang pa rin ang mga ito at kailangang bumuo ng bago. Kailangan nitong maisaalang-alang ang kasaysayan at kultura ng Maynila at ng mga tao rito.

Tumutungo ba sa pagiging magkakamukha ang mga lungsod ng mundo sa panahon ng globalisasyon? Kung sa mga termino lamang ng teknolohikal na kontrol at pragmatikong konsiderasyon titingnan, maari ngang dito mauwi ang lahat. Pero isinasaisantabi ng ganitong pagtingin ang kinikilala ni Dr. Raul Pertierra bilang trabaho ng kultura. Bagamat madalas nakaliligtaan ng mga iskolar at nagpaplano ng lungsod, sadyang napakahalaga nito sa pagtukoy ng huling kalalabasan ng ating Maynila.

Ikinumpara ni Hogan ang Maynila sa Melbourne, ang kanyang tahanan. Bagamat parehong kolonyal ang nakalipas, naging sadyang maswerte ang Melbourne dahil sa pagkakalagay nito sa pagitan ng tao at ginto.

Itinapat rin niya ito sa Singapore, ang lungsod-bansa na tinitingala sa rehiyong tropiko. Napakakompetitibo at mapanukat sa sarili ang kasalukuyang Singapore. Makaraang humiwalay sa Malysia, malay nitong winasak ang mga makahulugang bahagi (i.e., kultural) sa ngalan ng pag-unlad bilang pangunahing lungsod-daungan sa tropiko. Nang nalaman nitong hinahanap-hanap rin ng mga banyaga ang kasaysayan at kakanyahan ng Singapore, dali-dali nito hinagilap ang mga piraso ng nadurog na nakalipas at isinaayos sa theme park. Sadyang komersyal at malayo pa rin sa orihinal.

Kinilala rin ang mga kahawig na problemang estruktural sa Bangkok at Jakarta. May pagkakapareho sa kondisyon ng klima at sa limitasyon ng imprastruktura. May mga banal na espasyo sa Bangkok at may mga espasyong panrelihiyon rin sa ating lungsod. Gayumpaman, sadyang kakaiba pa rin daw ang Maynila. Maituturing itong isang tiwalag na piraso ng Peninsulang Iberian sa Asya.

Kinilala ni Hogan ang Maynila bilang isang megacity sa mga kasalukuyang pamantayan. May presyur dito para mapawi ang kahirapan, mareporma ang ekonomiya, maisulong ang teknolohiya, at mapabuti ang pamamahalang lokal. Maaring bumuo ng profile ng Maynila ayon sa sampung puntong pamantayan ng mga lungsod. Kabilang rito ang presyo ng pagkain relatibo sa kita, espasyo ng tirahan, edukasyon, pampublikong kalusugan at kaligtasan, mga serbisyo at utility, daloy ng komunikasyon at transportasyon, at antas ng ingay at polusyon.

Ngunit alam ni Hogan na mas kabisado ng mga Manilenyo ang mga ito. Mas minabuti ni Hogan na tumutok sa mga punto ng pag-asa. Sadyang malikhain ang mga Manilenyo, laluna yaong mga nasa mabababang uri. Ayon sa kanya, malaki ang isinulong ng Maynila sa loob ng 14 taon. Ayon kay Hogan, maaaring nasa Maynila na ang mga elementong naisasaisantabi sa pagsaalang-alang sa Maynila na makatutulong sana rito.

Ayon kay Hogan, maari itong matugunan ng dialogo sa pagitan ng banyaga at lokal kung saan wala sa mga partido ang may monopolyo sa tamang interpretasyon at solusyon. Siguro, sa kurso ng mga dialogo sa pagitan ng mga nasa loob at nasa labas, matutukoy, mapalilitaw, at tuluyang magagamit ang mga solusyong inherent na sa atin. Kalakhan ng mga salik na ito ang mismong mga katangian ng mga Manilenyo.

Peb 7, 2003

Earlier

Early this evening, I learned that the 4:30 lecture would be held at the Escaler Hall, not at the Social Science AVR. So I waited there for a while, eyeing the people around me. A middle-aged man looked a bit more out of place than I did. It would turn out that the gentleman was from the University of the East and we were both aliens in the Ateneo under the same misconception. We were a case of the blind leading the blind. We still got to the Hall in time, thanks to the helpful guards who corrected our bearings.

The public lecture was entitled Rethinking Southeast Asian Cities: The Peculiar Case of Manila. It was delivered by Dr. Trevor Hogan, a Senior Lecturer in the Sociology and Anthropology Program, School of Social Sciences, La Trobe University, Australia. Along with numerous occupations abroad, he remains a Visiting Research Fellow at the University of Melbourne in Australia and in our own Far Eastern University and Ateneo de Manila University.

He looked disturbingly familiar. I couldn't place it at first until I got a glance from a different angle and ascertained that he looked much like Dennis Quaid, albeit a younger and lankier version. He wore a plain Barong Tagalog and carried himself with ease. He breezed through the open forum with affability and wit.

The lecture was one of the better ways of telling the native about her locale, the spatial extension of the selves in her community. It was a very courteous speech and we all appreciated the trimmings. It was difficult to deliver such a topic without at least raising an eyebrow from the post-modern learned. With or without the courtesy, it was still an Other in the peculiar position of telling somebody about her Self.

However, I will tell you what he told me about me in another discussion. I will tell you about me first, i.e. how I spent the rest of the night.

I shook hands with my gentleman seatmate before and we said our goodbyes. I met my proper companion at around 6:30 and we talked about the lecture. She highlighted some differences between the UP and Ateneo audience which I would rather not write here. You fill in the blanks if you can. I don't think I am qualified to judge the Ateneo listeners at the strength of one lecture, especially one in which I paid more attention to the lecture than to the lectured. So I tried to shelve the side-topic and focus on the matter we met for. We had a Japanese dinner nearby and crafted plans for a larger meeting.

After dinner, I told her about my plans for the night. She was gracious enough to drop me off at my next stop, the booklaunch at nearby Balay Kalinaw. She asked me to buy her a copy before waving off.

Mr. Pete Lacaba was in the middle of lumpia when I asked for his signature. He asked me where I came from and I was at a temporary loss. Cainta? Pasig? Pateros? Rizal? Makati? Or how about Katipunan? For some reason, I opted for Pateros and it so happened that he was raised there. So we launched into that kind of small talk that he must have engaged a hundred times before and I gave him enough small stuff to forget. I promised myself that I will tell him the exact same things when I attend another booklaunching of his, probably for another version of Days of Disquiet, Nights of Rage. Just for fun.

As I said, he was already deep in food when I came in and I couldn't draw a profile of him as I did of Trevor Hogan. Aside from the time constraints, I was eager to return and catch up with more familiar faces. Alex of Tinig stood tall in one corner with Mechajol, that loud and raging inductee of The Machine. To the left, Jessel of the muti-colored dream headgear was with Gwen, the night's surprise. Farther to the left, Astrid of the classic black shirt was sitting with Pepper. Arlyn was lounging somewhere outside. I know because I saw her earlier while I was on the phone with Monica.

Some of us left early and the rest repaired to Likha-Diwa sa Gulod for our respective cups. It was a nice round of news, updates, puns, and laughs. Mystics and poets warn against trying to trap the nice and happy moment, that bird on the wing that suddenly alights and sits singing on your shoulder one second and leaves without ritual or formality the next.

I am no literary sophisticate to definitely tell if they also meant that a piece like this is such a cage. Intention-wise though, I do not seek to detain any winged moment. Yet I must write to mark things I ought to do and ought to remember.

I also must write to say that I will look forward to more such nights, plentiful in insight, abundant in laughter, and shared with good company.

Peb 6, 2003

Maybe Later

This is a nice, cold day. I feel Siberia's thaw from here. I will put in some hours at the office and proceed to the Ateneo come afternoon. If I heard the gracious woman who invited me correctly, I will sit in the audience of an Australian who will speak about Manila. If you are interested, it'll begin at 4:30 pm the Social Science AVR.

I will hear the speaker of course. I am too tired of hearing myself dwell on the same topic. I promised myself a synopsis and review if my disposition would allow me to keep a good record.

I had hoped to attend the launching of the new edition of Jose F. Lacaba's Days of Disquiet, Nights of Rage which will commence at 6:OO pm at the Balay Kalinaw, in UP Diliman. Alex told me about that one and I hoped to see him there. That is improbable though because I'll have a meeting with my companion after the lecture.

Anyway, I asked Jol to attend and he says he might round up the gang. He will probably treat us to a lively update of the surreal developments of his BIR misadventure. Yes, I spoke to him on the phone yesterday and this is not yet over. I already had my turn of expressing damn cheery incredulity but I've not given him any good advice. Maybe Jessel or Astrid would take care of the counsel in exchange for the entertainment value.

This will only happen if my early evening meeting will end around dinnertime and if Jol gets it together. If not, I might just get myself tea alone somewhere in Katipunan before going home. The hot cup will not begin to compensate for the warmth of company. For some humble sorts of chill though, it will serve.

Peb 4, 2003

From Here
February 2, 2003

The elders are outside, chatting away over this and that, him and her, we and them. It's still very dark but they're up early because they'll cook for the first death anniversary of my grandmother. I woke up to the chirps of these old, early birds. I couldn't sleep anymore. Dawn was just too cold here in Quisao. If you let your coffee stand for a minute you'll lose that scalding quality. Let it stand for five? Then don't bother calling it my-morning-coffee anymore.

My mistake was to leave my journal in Makati. To travel light, I brought only the necessaries. Aside from clothes and personal effects, I packed materials for tomorrow's afternoon meeting and evening class. I only allowed myself a thin volume by C.S. Lewis, "The Abolition of Man."

I forgot that during short visits to Quisao, I don't naturally take to the book. I take to the pen. So I am here, awake at early dawn, pinning thoughts on a multi-purpose notepad. I will have to tear these leaves off afterwards. They belong to another tree.

I want to write a letter. I don't know exactly who I want to write to. Definitely though, it can't be a letter to Her. I can never place Her here, in the depths of Rizal. Sure, the nights and dawns are particularly lovely. Yes, the calm of the dark is especially reassuring when the moon governs, ruling by reflecting everything else in a concentrated, enticing light. However, when the sun is up, all sorts of rumors, bad-mouthing, complaints, and resultant problems arise. Bad faith wakes up with the people. And I cannot bring Her here.

I have this theory that everybody I ever wrote to from this place was somehow touched by what I gave them at the time. Yet, come years, all these relationships would end unceremoniously, sometimes after turning very sour. In any case, all these ties are now gathering moss. There is no exception I can recall.

I have an example. It is not the only example, it is not even the one foremost, but it is the example I now choose to be first since this was the severance I most recently suffered. During the college summers I spent here, I wrote greeting cards and letters to the Seven. Some of their letters fell on summer dates, see? A few summers and half a year hence, the Seven are all up at arms against my Thebes. Maybe this Theban isn't blameless. Still, it is the thread of fate we are examining here, not the bounds of will. Maybe some responsibility is shed from the agent in such a study. Well, come to think of it, is not the escape of responsibility the natural intention?

So there, a wooden caveat should be nailed somewhere here to warn me that I cannot wash my hands in the waters of this encompassing, deterministic river. Should I so attempt the forbidden ablution, I would find my stark red hands magnified by the waters.

With the horrid sign in place, let us return to the study. The Seven is lost, friends all, sisters almost. Maybe some even remaining friends I could die for. Still, that remains a plain conjecture until death itself is before me. Even if it were really true, I won't spread the word too far. Why would I show my bare throat to those on my tail and after my head?

So, to preserve them and me, I maintain my great walls. With the hubris I am heir to, I claim that these are impregnable! Not even admissions such as those given above are true entries to the bulwark.

I also wrote them from here, the first Her and the second Her. Maybe also others, I'm not certain if they merit the capitalization, much less sure if they want it at all. So do the numbers grind, halting at seven and two? I've written from this place since secondary school! Why do the years feel like lost lifetimes? Why do the hopes and loves dashed seem numberless here? Numberless, yes, like the ripples of the great Laguna de Bay, all broken as petty waves upon the common shore.

Let us study the student. I view all these now like a neo-Grecian posturing among the ruins of some dead acropolis. Ruins always have that inviting, faintly bitter smell of tragedy about them. We come to them, all eyes, hands, and noses, trying to gather meaning from the victims of entropy. They have survived countless warriors wearing evolving coats and arms. They have survived generations of stealthy plunderers and young, ignorant vandals.

Yet even as mere pieces of a once grand entirety, they remain, surviving as physical memory becoming several wholes through generations of legends and histories. We claim these texts and they belong to every claimant.

If the warriors would bring final war upon the ruins and reduce even the stumps of old pillars to finest rubble, all of the Parthenon survives with the dodging Greek. If the heavens stop falling on her and the air becomes breathable again, the stones are embedded in her as shrapnels from a defiant, dying past. It becomes a part of her stories, her very Story. The meaning will evolve come new conflicts and temporary unities. She has it all in her until she herself becomes such a ruin. Until everyone she has contaminated with it is reduced to the minute dust or fine ash.

So I come here, back to the place where I launched my thousand ships toward previous Helens. They are all lost to me now, friends and lovers. I write from myriad locations now, offices, faculty rooms, libraries, halls. Other homes.

Let me never take pen to paper here except to polish what little I saved from the losses of youth. Let me not build over the ruins in the hills and plains of San Diego de Alcala. Let the rocks stand where they are until the final hand comes. Until the great lake would rise and come a few hundred feet closer to the seduction of the still-distant moon.

Let me never write anybody from this place. That may somehow assure me that I will not lose Her, my great triumph. Not Her or anybody still left to me.

The mending masonry of life advances, brick by brick, forward and upward. Or so I hope. I fancy that I now build on solid rock, not the great shifting sands of youth.

Who can say though? What if I can always leave this place but the place can never leave me? What if this land is too much in the heart that my heart is now nothing but this land? If so, then it matters not wherever I stay, whenever i write, whomsoever I address. I cannot but write from here.

Even so, I cannot but travel, think, write, sing, love, and act until my will's end.

Even if I can only come from here.


The sun is almost up. The elders are actually just getting warmed up. I don't recall any moment of silence in the background. I also don't remember finishing my cup...

As I expected.