Hul 31, 2014

Araw-araw kitang iniisip

sa hilahan ng habagat at sanga, halimbawa

tibag silang mga punong-kahoy
kung kaya’y nagpaliwanag ang alapaap

Panay pakipot kasi ang tao sa daigdig
daig nitong kuliglig: inuumaga

sarili ang lengguwahe ng pandarahas
may angking gaan kung makayapos

sa pinag-usbungan. Ay, kumbakit natugtog
                                 (saan ka pa, saan ka pa

sinabi nang gusto kita); Ale
nasa aling pakete ang malasakit para sa nagkukuyumos ng palad?

Taimtim, mumunti
samu’t sari at kubli ang kanilang mga marakas.