Okt 18, 2014

Sundan na at baka matuyo

Kung hindi'y Masiit mismo ang kukuyog
Sumingil ng pasahe tas inilayo

Sa pagitan ng macho at matrikula
Tinutukoy pa kung ano ang itinutok

Isuko mo na
Magandang lahi, sundan pa ninyo ng lalaki

Mamigay ng bibliya, tas walang audit
Batugan ata ireng manok natin e

Almirol na spray-on at dis-oras na interbyu
Pangalawa, hiwalay na isyu ang cleanliness

Sumingil o naningil (tukuyin ang wasto)
Pitpitin ang bumbilya sa bawat banga

Tadtarin ng convenience para maliwanag
Bumuo ng dyad / Magpatihulog sa linya

Mahilig sa laman ng balita (isang sugnay)
Walang sense, walang ka-sense-sense

Hating-gabi na nang magkula si Itay
Walang pagkakamali, siya man ang bunga

Walang bahid ng kuwelyo ang talahib
Kasalukuyang nilalamnan ang petsa