Mar 30, 2014

Aking kalahati ng maigsing palitan hinggil sa "Good for Nothing" ni Calvino



—mahusay na napansin mo ang detalye! naituro ko na ito sa apat na large class, kasama itong sa atin, at wala pang nakababanggit ng tago ngunit mahalagang bagay na iyan kahit sa mga journal nila/ninyo. kung mas mahabang panahon sana ang nailaan ko sa pagturo nito, baka naitutok ko ang tanong sa identidad ng estranghero. (kung gayon, sino na siya sa palagay mo?)

salamat sa pagsabi nito sa akin. akala ko tapos na ang mga surpresa at magagandang balita mula sa inyong partikular na klase. ansaya ko naman sa mensahe mo.



—malapit ka na. clue na ang kanyang pananamit. kung tama ako, halos nabanggit ang pangalan niya sa kuwento mismo!

grabe talaga nga ang 'pressure' na ito. hindi pa ba sapat ang mga 'kailangan' nating malaman at dapat pang aralin ang mga bagay na maiaasa naman sa iba?

at dahil sa usapan nating ito, parang gusto kong gawing 1st reading ito next year...

Mar 25, 2014

Kalayaan sa Pananalita

ni Ted Hughes
aking salin

Sa iyong ikaanimnapung kaarawan, sa liwanag ng keyk,
Nakaupo si Ariel sa buko ng iyong kamay.
Pinapakain mo ito ng mga ubas, isang itim, tapos berde,
Mula sa mga labi mong nakatikom na parang isang halik.
Bakit lubha kang taimtim? Nagsisitawa ang lahat,

Animo'y sa pasasalamat, ang buong pagtitipon—
Mga lumang kaibigan at mga bagong kaibigan,
Ilang tanyag na awtor, ang iyong pulong ng matatalas mag-isip,
Mga pabliser at mga doktor at mga propesor,
Ang mga mata nilang gusot sa malugod na pagtawa—

Natawa maging ang magugulang na amapola, may nalagasan ng talulot.
Nanginginig ang mga tungki ng kandilang
Wala nang mapaglamanan ng kaligayahan. At ang iyong si Inay
Ay tumatawa sa bahay ng matatanda. Ang iyong mga anak
Ay tumatawa mula sa magkabilang gilid ng globo. Ang iyong Itay,

Tumatawa sa lalim ng kanyang kabaong. At ang mga bituin,
Siyempre, kahit ang mga bituin, nangangaligkig sa katatawa.
At si Ariel—
Paano naman si Ariel?
Masaya si Ariel sapagkat narito siya.

Tanging ikaw lamang at ako ang hindi ngumingiti.

Mar 19, 2014

Laban sa Labsong

Nitong a-25 ng Pebrero, sa halip na makiusyoso sa mga nagdidilawang liwasan, nag-FB kami ni Hani upang bisitahin ang tula ni Alexander Martin Remollino. Nakasama namin sa usapang ito sina Rogene, Tilde, at syempre, hindi pwedeng umabsent si Aris! Heto ang tula, at pagkatapos, ang naging palitan namin:

Sa Aking Panulat

Huwag sanang tulutan ng tadhana
na ako'y lisanin mo sa gitna ng digma.
Ikaw ang aking maso
sa pagpanday ng isang bayan
kung saan walang taong parang asong nakagapos
habang hinihimod ang paa ng kung sino,
kung saan ang mga tao
ay mga mulawing lahat at di mga kawayan.
Ngunit kung ang iuukit mo lamang sa papel
ay ang mga kahangalang iniluluwa ng mga bibig
ng mga nagpapapansin sa kanilang kasintahan o manliligaw,
mabuti pang ang mga kamay ko'y magkadurug-durog sa riles
o kaya'y tamaan ng isang libong lintik
upang ika'y di ko na mahawakan pa.

H— Interesting yung mga ganitong pagtula sa isang inanimate object (assuming lapis o bolpen o pluma) na parang may sarili itong pagpapasya. At ang lakas ng karakter pa nga nitong si panulat. Bukod sa desisyong mag-exist o lumisan, may tendency ding magsariling larga ("ngunit kung ang iuukit mo"). Pero interesting lalo na panimula yung "huwag sanang tulutan ng tadhana." Parang may nase-sense akong similar effect ng "so much depends upon" ni WCW na pagse-set ng parameters kung paano tatratuhin ang tula at pag-aatas ng bigat, this time, ang object ay panulat. Pero ang kaibahan dito, ang "tadhana" bilang powerful na pwersa ay hindi lang ina-acknowledge kundi may, for lack of a term, passive na pagtutol sa tonong prayer pa. Mas interesting, sa bandang huli ay may in-invoke ulit na pwersa pero opensiba/agresibo naman ang prayer, "tamaan ng isang libong lintik". Ang nakakalito, ito ba ay prayer sa iisang tadhana o ito ba ay pagbubuyo sa digmaan ng dalawang magkaiba at magkataliwas na pwersa?

R— Isa sa pinakapaborito kong tula ni Alexander Martin Remollino. Kung bakit nariyan lagi ang buhay na kontradiksyon ng mga mulat na makata - sa pagpapakalunod sa kagustuhang magsulat na lamang at hindi na makisangkot. 'Yung nagpapatuloy dapat na dialektikong relasyon ng craft at ng craftsmen, the former being the immortal piece of the literary world, and the latter being the mortal, vulnerable being of the material universe prone to the mundane existence of words without a greater purpose. The poem speaks volumes and volumes of how we decide each day to be this way. 'Nung una kong nabasa 'tong tulang 'to parang may deja vu effect sakin - 'yung "you get the feeling that you've known this feeling all along". Parang labsong na alam na alam mo na ang himig pero unang beses mo pa lang narinig. Lalo na 'yung "kahit mawalan na ko ng kamay" mode. Ang tindi 'nung imagery, 'nung struggle to be selfless. Parang titser na imbes na tenga ang piningot ay nangurot ng dibdib, nanguha ng stick ng ratan at namalo ng mga malilikot na daliri ng pagkabatang makata.

D— at! dahil nabanggit ang labsong (hehe), gusto kong tutukan yung act/consequence na ito: if foolish hearts ang tula then (a) railroad finger mash or (b) 1000 bolts of lightning! mas willful ang una, parang alam mong yung makata mismo ang maglalatag ng kamay sa riles. mas industriyal din ang hubog (locomotive), teknolohiya. yung ikalawa ay kalikasan, oo, pero may dalawang shades. una, yung 'tadhana'-type nga na nasabi, dahil hindi natural ang kilos ng lintik dito, lightning doesn't strike 2x pero dito, boom x 1000 sa iisang bahagi ng katawan. ikalawa, may hindi maiiwasang alusyon sa liyab ng 1000 sulo

H— Pinagsama-sama sa tula: artifacts ng industriya + kalikasan vs. tao at teknolohiya + sort of gore + romantic not romantic peg = ang steampunk ng imahe!

T— ang tulang ito, ka-tema ng isang kanta ng Datu's Tribe. yung, Hindi ko kayang kumanta ng *samting* na labsong at pangsyota." anyway, ang nasa top agad ng aking head, immediate after mabasa ang tula ay WILL. may will ang makata na gumow against nung tadhana, dahil nais niyang matanganan ang ideyal na maso---yong hindi labidabi shit. may will din ang makatang ipaubaya na lamang sa pwersang tulad ng lintik ang labidabi na maso, dahil siya, bilang makata, hindi niya kayang talikuran ang panulaan. iba, outside pwersa, ang dapat umutas, sakaling maging labidabi ang maso. naalala ko [sori personal, mapupunta sa akin], naisip ko noon, brain fart lang noong kid pa ako: pag nabaliw ako o naging reaksyunaryo, sana patayin na lang ako ng mga tao dahil yun ang nararapat.

A— Tagal na n'yan, a. 2001, lumabas sa v5.0 ng Tinig.com. Isa rin sa pinakaunang seryosong tulang sinulat n'ya. Pamagat din sana ng libro niya ng mga tula na mula 2005 hanggang taong kasalukuyan e naipit sa limbo sanhi ng iba't ibang hindi maipaliwanag na dahilan.

D— Tilde, pero dapat sa riles ng MRT ka dudurugin, sang-ayon sa tula. Kasama ng mga karerista't makasarili ang poetics! Sabi ni Aris (Hi Aris!), 2001 pa ito at kung gayo'y hindi naman pala patutsada sa pagkober ni Bamboo ("at di mga kawayan") ng "Tatsulok"

T— ang messy! pero oks lang, ang metal!

Mar 15, 2014

Earth Hour

units are directed to participate
months before the flood, he flew
the commemoration of
Bukidnon, de Oro, and the watershed's
Old Administration

Forest cover on a copter, one
hour when cities and towns all
Detailed multinationally. The greaseless
over the world switch off
binocs would later sign a No

lights for once
Danger Of Erosion over the leaves
join hands with individuals, businesses
his signatures fiercely a-coil
governments to show the power

Vs. log bans. Knowledge of minutiae
of collective commitment
Of bark and tree­-ring was his and was
electricity, we are uniting
Accounted for, offshore. Legal logging

the planet. Thus all offices and
No belt. No concessionaire in the business
units within the campus are
conceding. A chainsaw does not remain
off their non-essential lights

A chainsaw after the law has wetted lips
on said date and time to show
Enough to kiss it. Enough trees, but all too
sensitive laboratories, police outposts, University
Plastic, too Christmas to hold water

following units are directed to take
people eyeless under the mud. People
coordinating the participation
Over the mud also, looking at the rain
Communication; and 5. Office of

silence, queuing for canned goods, moldy shirts.
For more information on Earth
The professor's clothes were among those that flew
in touch with them through email
and alighted on their shoulders.


______________________________________________________________
[1] The 2013 Earth Hour Campaign, and
[2] my 2011 poem "Professor of Forestry"

Mar 13, 2014

Sa okasyong ito

na minamarkahan natin
kinapos ng pantig ang paru-paro

naatasan akong magsalita
kung pumipitik-pitik pa sana
ang iyong hininga kahit

kuwadrado ang bulaklak sa semento
kahit halukipkip sa usok
ang mga ponsetya

ang insekto sa ponsetya kasi. Dito
dito tayo magtitibag

heto ang buslo—nasaan ba ang mga
gamit? Hinahanap pa ho. Naghahanap ng
letra, yung pinakintab

tayong naatasan sa pagitan ng kung
at kahit; sa dibdib
nagbabaga ang mga sana. Sana

simulan ang pagtibag!
At may ipauubaya tayo sa butas
sa pagitan ng kung at bakit

ang pantig ng paru-paro, sa okasyong ito.
Kinakapos tayo ng, kasi. Kinakapos tayo.

Mar 9, 2014

Nagpasabi ang Langit

Bukas na natin ipagpatuloy ang paglanta.
Nais na tayong ilakip sa papel, ipadala

sa malalayong kaanak nang doo'y ilublob
sa mainit na tubig. Sandali . . . bukas na natin

pakinggan ang himig ng ibon at tanggapin
ang hatol ng bayan. Malamig, madulas

ang madaling araw sa balat. Hanggang kailan
pipirmis ang gulong sa ating bubungan?

Kung maghahawakan tayo, pantay ba ang linis
ng iyong guhit sa aking guhit? Nagtanong ako

minsan: Basag na boses pero panalong awit o
buong tinig nga, buo rin namang nagpadausdos

sa ingay ang iyong nais iuwi sa magulang?

"Itago mo ako, ang aking puso sa magkabilang
bulong." Nang biglang nag-usisa ang mga katok.

Mar 3, 2014

Dear P—

Hi. I'm now remembering that small place where you took me for hot chocolate, that was when the mall was being put up. Your sister was very angry, the people had never been so organized (not even after the earthquake, she remarked), but the mayor would not listen to reason.

I'm not sure if the place yet stands. The mall must have killed it. Killed, or absorbed. I'll try to recall the name, later, search for it online. Right after posting this. Swiss? Swiss something?

I remember the following morning, breakfast at your house, and how, when you gave me my cup of hot water, I chose a packet of hot chocolate from your mother's favored stash. I knew that my shamelessness didn't go unnoticed when we returned for merienda. The stash was nowhere to be found.

What came next was the worst, most awkward coffee of my life.

I imagine the stash still there, somewhere, maybe your mother forgot where she hid it, the rubber band more brittle now than before, but only a bit so it's holding, after all these years, your child, my children, their innumerable glasses of milk. I want your son to find that stash and play with it, to tear those packets open and sprinkle the powder over the orchids, or maybe mix the contents in a pail and leave it out in the sun where evaporation will work its science, bless that hill with a shower of chocolate.

Maybe someday he'll knock on my door and ask if I remember blogging letters to you. I hope by then I'd have the sense to ask: Did you pay her a visit before you came here? If he says no, I'll give him some money, small talk, some mixture of thank you and sorry, though I don't have any reason to apologize to him. All I ever did was take the two plastic cups he handed me (juice, cookies) at the chapel, back when he was four or five.

I hope he'll say yes, yes he passed by on his way here, said some words. I'd sit him down, cook for him. Because it must have been a long day, on the road. Because I never did cook anything for you, my friend.

Mar 1, 2014

Been at it, Susan

vidriosa como azogue de otro espejo
—Juan Cameron, "Vecinos"

Stomping our thanks
into sand, some foot-

falls weaker than the next.
Toes finding cuts

of shell, buff-
ffalo water, cara-

paces in this
sculpting a shore.

This say has been
said/ will be so

somewhen. From aluminum
come clouds tumbling 

into, into surf.
Among 40 toenails

a pearl. Ye
it's a getting there.