Ene 26, 2015

Mapapadpad ba tayo—o hindi

sa kintab ng mga kamuning sa hanginan,
sa arawan . . .

uling na ang punong tatanggap sa ihi.
Hindi na para isa-isahin pa ang sineremonya,

ang kinahinatnan ng catheter, atbp.
Dati, kanilang inaasnan

ang ugat ng kamansi, wala kasing bunga;
nag-aabot ng mainit na mangkok sa uhugin.

Styro na samantala, at mga patse ng liwanag na malasapot,
magpatulay man ako ng pisi

mula sa gilid ng aking labi
hanggang sa bakaw ng iyong hikaw.

Angkinin mo man / Saan ka man naroroon

pinatitikom ng amihan ang dalawang
pahiwatig na magkayapos sa duyan.