Peb 27, 2017

Cura Cento

Pinagmasdan ko sa kanyang tabi
ang bilao, at ang kanyang anino.

Siyam na buwan nang nakukontra
ng mga wakas. Saka lamang nagbukas
ang katiting na dagat sa loob.

Kumusta ka,
hawakan mo ang kulubot kong kamay,
ang iyong Lunggati—

Ang hamog sa hapon, at ang lamig.

1 komento: