Okt 19, 2013

Koro

Kanya-kanya silang huni
sa guho ng kapilya:
babaeng nalipasan ng kolorete,

tagahabi ng lambat,
ang nagpakinis sa kahoy,
ang dating kasal.

Hapon sila nag-ensayo
sa anino ng nalalabing dingding.
Namulaklak mula

sa biy-ak ng lumuting adobe
ang mga sisiw.
Sa awa ng.

Napagbalingan ng gutom.

Okt 18, 2013

Napakalayo mong buntis

At kung makasingil ka sa Oktubre
ng mapaglilihian. Dalawang pinakamamahal

Ang inaapoy ng hiwalay na lagnat, at iisa
ang aking maipagpipiga ng basang tuwalya.
Parehas ang modelo ng ating remote,

Pindutin mo ang bahagi kung saan
bumibigay na ang Basilica. Ang ulo

Ng santo, ang nakaligtas. Hagurin ang tiyang
naamoy, dahil tutok ang K9 sa ilalim
ng ilalim, ngunit huli na.

Kung ipaglilihi mo sa mansanas, maliit
ang gusto ko, yung mawawala

Sa magkasalikop ninyong kamay,
ngunit malutong, matamis ang tunog
ng istiker kapag tinatalop. Huhugasan

Nang husto ni mister, at hindi hahayaang
lutuin ng kung sino ang plasenta. O itanim.

Mata ng pusa ang iyong mata. Mainam sa iyo
kung mananalamin, kahit nasa ikatlong trimestre.
Huwag mo na lang hanapan ng sariling liwanag.

Dahil ano man ang gawin mo, daig ka ng animal
sa pagiging lagalag; ang kapangyarihan mo

Ay nasa pagpikit. Sandali. Kung uuha:
lampin o gatas o awit . . . sa kalagitnaan
ng gabi, ninyong dalawa, de kuryente man

O hindi. Inuugoy kayo ng lupa.

Okt 17, 2013

Salin sa Istoryahun

Ikuwento mo ang kulo ng tsokolate. 
Nagunaw ang tsokolate, puti ang buto
sa lantad na loob, saka. Ayaw ko na.
Huwag mong isiping magkakasya tayo 
sa mga biyak na simbahan. Aba aba.
Naging sining sila, alam ko, may pinag-
aralan. Obligado ba ako sa kumpisalan
porke hindi ako naluha, hindi ko batid kung.
Natiyempuhan ko siguro, may inapak-
apakang kuting.

Pinakitaan ka ng lupa. 
Pinakitaan ka ng gising na lupa. 

Pinakitaan opo ng lupang maalam.

At bakit hindi kayo, Carmen,
ano pong gagawin ko sa bitak ng retablo sa
habang. Ay ina, kalimutan mo na kaming 

nilamon ng kumusta. 
Kayo po itong nag.

Maingay alam mo, napakaingay pa rin. 

Okt 15, 2013

Kung tunay pong magpapakumbaba

Alinsunod bakit sa kaninong itaas?
Walang utak ang nagsabing may utak iyang kahoy.

Sapagkat hindi nagtatapos ang pagkamartir
ng punong mapagbigay sa magiliw at hubad

na pananalumpuwit sa matandang nangarap
maging halimbawa ni Rodin. Hulaan sa huli

sino ang krus sa kanyang libing? Ayon sa habilin
bawat anay ng mapagbigay na ugat ay iluluwas

itatanim sa mga tumba-tumba ng kanyang kaaway.
At bakit malayo pa rin ho ang inyong loob

gayong tumikim na ako ng kapok sa inyong lupa?
Walang puso ang nagsabing may puso ikaw bata.

Okt 14, 2013

Hindi ako guro

kundi calculator na bawal
mapasakamay ng estudyante

pinag-aagawan ng mga anak
itong mga taling at nunal

ilang bagay ba ang mas sasaya
sa pagtumbok nila sa pusod

kaya kung nagkamali ng pindot
kesehodang tama ke mali maging

tao sa mundo. Oy, wag sobra
ang sobra sa tawa, iihi sa kama.

Okt 12, 2013

Terno

Umaandar na ang bintana, kung gayon
ang mga puno, mga mala-kalansay na

Pilapil, irigasyon ng pawis . . .
at may dalang tao ang mga kamiseta.

Punong-puno ako ng pamasahe ngayon,
at hindi nangangailangan ng himpilan.

"Saan ho kayo?" Nais ko lamang lamnan
itong bintana. "Ikasa mo sa dulo."

May isang puno kung saan kung saan
inilibing ko ang bigay mong kuwintas.

"Amin lang po yung uwian sa dulo.
Dalawang daan tayo kung sa plaza."

Okt 10, 2013

Membership Skills

Is a systematic, objective
of 2 or more           , usually under the

The purpose    investigating an issue    solving a
Question of Fact
What is the scope of
              of Value
cater to                   industry?
of Policy
                    competitive?

General Preparation for Small
Authority and
group     construct your exploratory
prepare your discussant's
time; dress                   ; carry out
a                   conversational animated
Effectiveness
                   and Loyalty
as a Whole
       agreeable        procedure should be

a cooperative rather        competitive
posing              and a neutrally
-ended question

A good member must listen.
A good member makes
                             thorough
close acquaintance with the
capable of making meaningful

-building roles — keep the
Encourager
Peacemaker
expert
-oriented       — help the
Asker of questions
-giver

-giver
Elaborator
Harmonizer
Energizer
roles — tend to split the
Recognition-
Disagreer
Aggressor

Dominator
Passive
                and directed through
Theoretical
Traits
Behaviors
Traits
Behaviors
           tight control over the
will and facilitate its achievement

Personal Characteristic and
of the task facing
       encoding.
in participation.
-minded
-centered
            for and sensitivity to
                 taking their distinctive
rewards and give credit to the

Leaders
Plan for
Initiate
Structure the
                                        Influence
Creative
              Critical

Promote

Okt 6, 2013

PLS LNG

Huwag na kasing malungkot.
Kinailangang basagin ang alkansya,
e di binasag ang alkansya.
Ayon nga sa bading, ano pa ang saysay

Kung hindi babaklain. At sinong puso
ang walang tiwala sa mga kapasidad
na kubli? Walang kibo ang bumbay
ngunit bukas-palad. Kamakailan,

Nakuha ni inay ang "bitch please" . . .
'Kala mo nakadampot ng laruan e:
"Bitch please, paabot kaya ng toyo."

Buti na lang, tulog ang bata tuwing tinotoyo.

At meron naman pati patis,
wala nga lang ulam.

Okt 4, 2013

Isa pang ismo ang eksorsismo

Noong unang panahon ang tawag nila dito ay nagsusunog ng kilay.
Ituro mo ang pasimuno: ilaw ng tahanan o silang nagkiskisang siko?
Mas mahigpit na ipinagbabawal ngayon ang kausap kaysa musika,

Mas kakampi ang mga nalagot na kuliglig kaysa buong lalamunan ng manok.
Mas mahalaga ang bago, ngunit naku, kay luluma ng mga piyesa,

At hindi pa nagtutukaan ang ating mga bida. Buhay pa ang kontra.
Kung papalitan ang plaka, lalabas kayang tayo ang nagpatakas

Sa halang na bituka? Hindi, basta maganda ang bida— Anak ng—
Nagdedeliryo ka na, o itong naririnig naming nagsasalita
Ay ang abo. Magkataob wari ang mga guhit ng abo.

Okt 2, 2013

Hello P—

Failed, yet again, at something. We now have, by the way, a word for failing many things at once: multitasking. Then there's that lovely old-school consolation that goes on about failure being such a great teacher. Yes, well, she won't be getting any awards from me.

Always hated sounding ugly around you. Would never have thought to talk with you this way. I don't know, perhaps given time? Or had I given that which (I believe) you asked, taken that which you offered?

I am thinking now, again, about your son. I have seen your family, I know they've got everything covered. I imagine your friends paying him a visit, perhaps taking him out to lunch and games.

A mutual friend came by some months ago. He got himself a permanent address abroad. I remember the last conversation we two had about him, about that whole season of the weird. I'm not sure if you still called him friend after that. You know, in that general sense we have of that word: if I call, a friend would come. I suppose you still did. I suppose you were, at the end, as generous as I found you at the beginning.

You called, and I did not come.

You were miserable, at that bend, I know you were. I don't know why I know this, but I know this. Never really saw you happy. Yes, I have heard you laugh enough times to remember now, despite the years. Saw you up and about, flattered, excited to meet this friend or that, but no, never cheerful. An empty word, if there ever was one. Unhappy you. As if your whole life was spent with a part of you already knowing what would happen.

Please don't come to me in dreams telling me you were happy. I was hoping your son would have changed you, but that's too much to ask of anybody, much less a child. Was it possible he meant everything to you?

September has passed. With you it's always either September or the first week of May. And only today, these past few hours, have I stopped forgetting the petals of  February.

Okt 1, 2013

Huling halik ng mga unang talinghaga

Mga pakpak sana, ngunit maaga kang bumangon
sapagkat palalambutin ang abono sa sulok

Ng anumang nalalabi sa iyo at masasabi pang tao
nang biglang kumaway ang kanyang paalam.

Walang lunti-lunti kung lipas na ang takipsilim.