Nob 8, 2021

Jol

27 OKT 1979—03 NOB 2021
 
 
hindi na ito yung buhok na buffalo
nung freshmen pa. Namuti na ang kalabaw

dilaw na gabi naman yung sa paborito mong ilog
ochre, at hinayaan nyo akong matulog sa beetle
 
galit mo lang sa pamamatag ng subdibisyon
bitbit mo ang rondelle ng iyong ama sa workshop. Hindi ang iyong ama

bottomless tea, men
kayod tas eat-all-you-kanin
 
mahal mo ang nangyari sa iyong lungsod: sining, linis
yung mga sabado mo na para sa iisang tao
 
sophomore nung may tula kang dadalawang pantig kada linya
sinara kung paano binuksan sa she smiles