Set 26, 2021

Unang Boto

ni Kamilah Aisha Moon
aking salin


Kaniya iyon.
Kaniya ang pagpili
sa likod ng tinabingang ligaya,
ang buong dibdib ng Dad sa kabila
habang manipis niyang kamay
ang humila sa pingga.

Wala na ito sa luwang
ng huling palugit.
Itong nag-iisang balota
ay walang kasimbigat.