May 20, 2014

Antena

Diperensya lang ng yero at pawid.
Walang pinagkaiba sa aking lolo
ang tibak na mula sa bubong ay

Nahulog. Ha, wala 'yan sa lolo ko
watawat mismo ng Hukbalahap!

Sa halip na mahagip ng engkwentro

o isautak ang bala na tungo sa masa
o magpigil ng ihi, kung hindi'y bubulwak
ang mga pangalan, lihim, boltahe...

Ano ba kasi at kailangan pang kumilos
sa ibabaw: nagtitindig ng antena,
nagpipintu-pintura? May tinatapalan?

Ano ba itong operasyon, Ka,
kung hindi pagpapalaganap ng antena,
paulit-ulit na paghaplos ng pula

Sa mga pamamaga ng kalawang,
masinsing paninilo sa butas, at
agarang paglapat ng kilatis?

Naidyaryo na. Paano pa sasabihing
pananambang?
Minamahal naming
kahulugan, nawa'y nakuha mo

Ang makasigaw man lamang.

May 1, 2014

B—

Salamat. Sa kabuuan ng mensahe.

You always tell it how it is. We both know this trait will cause you more problems down the road, but I also believe it will lead you to places inaccessible to the rest of us, we folk of process and compromise. I knew at the outset that I was fortunate to advise you, but there were times when I did not find myself adequate.

Buti na lang at na-uno mo ang manus! At ngayon gradweyt ka na. Susubaybayan natin ang mga susunod pang kabanata. Mag-enjoy ka sana nang husto sa pahinga at tag-init.