Tinadtad ang mga ideya at isinahog ang kambal-dila para sa salusalong ito. Sana may sustansya. Masimot man o hindi, tanggapin ang aking pasasalamat sa iyong pagtikim.
May 30, 2023
All Apologies
May 14, 2023
SINAG—ITALA
May 11, 2023
SIBIL—LASAK
May 5, 2023
Si Vien, sa lilim ng mga tarp
Aangat, babangon.
Hindi na kailangang sabihing “sa obrerong tapat” dahil assumed na ‘yun, ‘yun ang default: internalized, enforced. Kapag may nabasag, kaltas. SD. Ang sukli ay sukli at buo. Ang isang oras ay isang hindi matatawarang oras plus “teka, tapusin mo muna ito”
Si Vien ang Vien niya ay V for victory, hindi Lumbera. Kinailangan niyang pumasok sa meat locker para linisin, nasa five degrees, kaya magkapatong ang jacket at yung regulation gear. Isang oras siyang nag-aayos-ayos dun. Pagkalabas, handa na ang warm compress na isasapo sa mga biyas, “panlaban sa pasma”. May pride sa pagkakasabi nito.
Ang ibig sabihin ng freezer ay karne pa rin bukas ang karne kahapon.
Hindi na rin para sabihan ng “babangon muli” dahil kailan ba talaga nakabangon mula sa four gives ng kasaysayan? Isa na ring given ang babangon muli, lalo’t katabi niyang matulog ang cellphone, “pasok ka ulit, may large order.” “Ok po.”
Ikaw ang nagluto, ikaw ang nag-pack, ikaw ang rider. Apat na oras ang tatlong libong manok, ala una hanggang alas singko, kaya “ang gigisingin mo ‘yung mabilis sa breading.” Nasa Calamba ang factory na nag-order pero “hindi sila sa Calamba namin kumuha at walang discount dun, dito [sa Bay] makakamura.”
“Regular ka na ba?” May mga makahihinga na pagkaboto, o “back to regular programming.” Patong-patong na nobela’t pelikula na rin tayo featuring bukang-liwayway.
“Kuya, bawal kaming umuwi pag wala pang kapalit.”
Ang ibig sabihin ng meat locker: inaasahang laman pa rin bukas ang laman kahapon.
_____________________________________________
Binasa para sa Sinileksyon Cultural Night (via Zoom/FB), UPLB sa Halalan 2022