Mar 13, 2006

Very Busy I Am

You scored as Master Yoda. Yoda: The Master.

Master Yoda

79%

Qui-Gon Jinn

79%

Luke Skywalker

75%

Count Dooku

75%

Mace Windu

75%

Obi-Wan Kenobi

67%

Darth Sidious

63%

Anakin Skywalker

50%

Darth Maul

50%

Random Jedi

21%

Darth Vader

17%

What Force User Are You?
created with QuizFarm.com

Peb 28, 2006

February 24, 2006

My thanks to Bulatlat.com for publishing this poem. Many thanks for all my friends who participated in the instant sms workshop over the weekend. I decided to pour all the comments into a coming piece, a homage to dialogue. Although I don't preclude the solitariness of the writing act, I think the practice of writing a poem must be heavily informed with dialogue.

In effect, such a practice is a performative argument against the current curtailing of the freedom of expression.

Like everything else in the here and now, this next poem is waiting to happen. Like all else, it is happening.

Peb 17, 2006

"Blot Testing" and "The Third Teat"

Two love poems (or the closest to love poems that I can manage) are in the February 13 issue of the Philippine Graphic. Would be nice if you read them.

Peb 15, 2006

End of the Four-Month Wait

I have lost all faith in those I trained. It is weak to not find hope, to know nothing beyond the fact that the case is closed, to understand and yet refuse to accept that if they can break their promises to little children, all their poetry is pomp and fart. All their vaunted social consciousness echo advertisements.

"Your heart is in the right place, but you leave it to the wrong people," said my friend. Can I ever dismiss them? At all? They are green, green, green. My friend asks me to consider if hope and effort is best placed elsewhere.

No. I have imagination enough for this.

"What if they don't?"

How can they not have it?

"Upbringing? Insecurities? Apathy? Lethargy? Religion? Politics? Love? You know, all these big excuses for being plain stupid."

They are not that! Or they could be, for now. But there are years.

"They broke their word to the children. The children were waiting. They still wait. People don't really change."

They are kids, my charge. I am responsible.

"Your mea culpas, man! You think they get you anywhere? They have no one word, how can they be poets?"

They are kids. We have years.

"You have only months. Even a mother can only push so far, so long."

Kids.

"Then you caused them. The hypocrites."

Kids.

"They broke their word to children. The children are still waiting for them to come. You have not passed judgment. You cause the children to wait longer."

The case will be closed.

"Punish."

Years.

Dis 31, 2005

Dalawang tula bago ang taon

Maganda ang holiday isyu ng Philippine Graphic para sa mahilig sa panitikan. May siyam na maiikling kuwento at anim na tula rito. Maiigsi ang mga kuwento, karamihan dadalawahing pahina sa lay-out ng mag. Ngayon ko rin lang napansin na may kuwento na sa Filipino sa Graphic, dalawa yata sa siyam. Sana mapuna ng mga kaibigan at estudyante ko na matagal nang naghahanap ng venyu para sa mga kuwento nila sa Pinoy. Hindi ako sigurado kung maglalabas ang Graphic sa ganitong wika at haba lagpas sa 2005. Maaaring para lang ito sa holiday isyu.

Sana nga, bukod sa pampabuwenas ito ay maging senyal na rin ng mga parating na pagbubukas at pagbabago.

May dalawang tula ako sa isyung ito, "Belen" at "Duwende." Sa Filipino ang una at sa Ingles ang ikalawa. Ayokong palampasin ang pagkakataong magpasalamat sa pagbasa at payo nina Doc Cirilo sa unang piyesa at nina Gummi, Ana, at Nathan sa ikalawa.

Sa lahat ng mga regular at paminsan-minsang napapadpad sa hapag na ito, salamat muli't muli sa pakikisalo. Magtakaw sa media noche! Inaasahan ko ang silakbo ng inyong bagong taon.

Dis 24, 2005

Hindi Panahon, 2005

The news from home is mainly concerned with disaster, floods and gales and houses collapsing. I am very lucky to be here in the warmth and so I will crush down the embittered nausea which the festive season arouses in me and plunge into gaiety with an adolescent whoop.

Noel Coward
December 24, 1954
Diary entry in Jamaica



EKSENA: Nag-uusap ang magkumpare sa telepono. Si M ay may malaking bahagi sa pagmamay-ari ng minahan. Si L ay may ehekutibong posisyon sa kompanyang may logging concessions(L). Kapwa sila may interes sa kompanya ng isa. Malaki ang impluwensya ni M sa kompanya ni L. Pareho silang nakabase sa Oriental Mindoro.

M: O brod. Napatawag ka?

L: Napanood mo sila? Naninisi pa ano? Kasalanan ba natin ang bagyo?

M: Watched them. But hey, alam mo bang me senador o basta mambabatas na sumubok magpasa ng batas, ipinagbabawal ang bagyo? Panahon ata ni Diosdado Macapagal.

L: Ang dapat ipagbawal, brod, taong nagrereklamo sa kapwa tao. Kalikasan iyan, may casualties talaga!

M: Oo nga, pero hot ka e. Si Defensor na nga ang nanawagan na walang sisihan, hindi panahon ng propaganda-

L: Bakit may makikinig pa ba sa kanya? Tayo itong masasakal ang operasyon. Apektado rin naman tayo ng bagyo a. Tigil rin naman tayo, tapos Pasko pa, ano karga de konsyensya ko pa ang kamay naman ng Diyos?

M: Easy lang, brod!

L: Ano ka ba? Dati naman nagpapatakbo ka rin a? Wala ka na bang kamay sa kompanya mo? Bakit parang easy-easy ka masyado. Iba na ang media ngayon, sobra na kung makagatas.

M: Brod, sige mag-vent ka lang. Kaso tandaan sana, it's just another issue. Come new year, come regular ops natin, may bagong susulpot, man. Alam mo ito. Wife and kids, wife and kids, brod. Huwag kang mawalan ng focus.

L: Inaayos ko naman e. Kaso brod, kapag tiningnan mo projections, medyo magkakaproblema talaga ops namin. Kayo rin, malamang sa malamang. Ano lay low? Hindi puwede!

M: Oh these people. Napasadahan lang ng chopper na may rescue at cam, ano? Sabi nga ni Warhol, lahat may fifteen minutes.

L: Kung hindi naman Pasko kinse minutos nila, walang papansin sa kanila, sandali lang rin ang media sa kanila. Kaso gusto talaga nilang mag-capitalize sa irony, brod. Kasi bagyo hataw ang timing. At sila, sige nasalanta sila! Kaso bago ito? Kala mo naman magkaka-ekonomiya pa sa lugar na ito, magkakatrabaho-

M: Brod, keep your eye on the ball, okey? Damage control! Relief goods, missions, the usual, ongoing? I suppose may involvement kayo sa rescue ops? At huwag kang mag-alala, the people are working. Just pay the bills.

L: Diyos ko, bills. Ikaw na nag nagpapakain, ikaw pa ba aasikaso sa pader? So sige, pay the bills-

M: And there are better people to call. Pero of course, of course, sama-sama tayo dito. It's the season after all. At panahon ring maging cool lang, ano brod, tama? Iyon din naman ang praktikal.

L: Salamat, brod. Nangyari na nga rin naman. Alangan namang masira pa noche buena natin dito.

M: Ganito. Watch out for fireworks from my direction. Sa Vista ka naman magdidinner, right? Alas onse, dose, tuloy-tuloy na putukan. Will cheer you up, promise.

L: Salamat. Hindi naman ako makalayo kaya sa Vista lang kami, at oo, matatanaw ko iyan.

M: And you should've called the right people. Pero kung hindi pa nagagawa, palipasin na ang Pasko ha? Tayo ang lulugar sa timing dapat. At regalo, regalo ang pinakamagandang magpalipas ng panahon ngayon.

L: Sige brod, happy holidays sa inyo, pakihalik. At ang inaanak mo bumabati rin, mag-eelementarya na next school year.

M: Good to hear. Listen brod, nakatulong din ang tawag mo sa akin, okay? So get some sleep. We don't always get a wet Christmas. Masarap sabayan ng mainit na tsokolate.

L: Okay, naglabas lang din ng sama ng loob. Salamat talaga.

M: Mga ignorante lang talaga, pabayaan mo na. Merry Christmas, Merry Chrsitmas. The fireworks, okay? The fireworks! O siya sige, brod, bye!

Ibinaba ni M telepono. Sumunod si L.

L: Okay, okay. Sino pa bang dapat tawagan? Sino pa ba?

M: Fucking retard. I can't believe he's staying. Hindi na magtatagal iyon, walang hawak sa sariling bayag. Vulnerable siya, vulnerable ang kompanya niya.

Bisperas ng Pasko. Hindi makasalo nang maayos sa noche buena ng mag-anak si L. Hindi niya maalis sa bintana ang kanyang titig. Walang fireworks. Wala ni isang putok.

Dis 21, 2005

Maagang resolusyon

Hindi ako dapat magbasa ng mga nobela.

Leo Tolstoy
Disyembre 21, 1850
mula sa talaarawan


Hindi ako magbabasa ng kahit anuman sa loob ng isang linggo. Kaya ko kaya iyon? Kahit anumang babasahin, hindi. Kapag may titik, iiwasan ko: libro, talaarawan, e-mail, subtitle, mga paskil at pakilala ng sari-saring tetrapakete nitong nakakahong daigdig. O siya, puwera text. Kasi malabo namang mang-isnab sa telepono sa panahong ito, maski pa selepono iyan.

Si U ang una kong nabasang gumamit ng salitang selepono. Akin na iyan. Ganyan naman ang wika. Si Tolstoy ba nagpiFilipino? Haha. Mas alangan naman kung Ingles. Gusto ko nga sanang gawing Leyo ang kanyang Leo e. O Leio. Bakit ba ang apelyido niya, minsan Tolstoy minsan Tolstoi? Kasi iba naman ang alpabeto ng mga Ruso. Palalampasin ba kung gayon ang Feyodor sa gitna ng Feodor at Fyodor?

Sana lumabas na ang kanyang nobela. Sana hindi sopresa kasi sinira ko na. Si Ava ngayon ang isa sa mga nais kong makausap. Galing kasi siya sa Bukidnon, nagtahimik doon kasama ng mga monghe.

Wala akong nakikitang problema sa paglayo mula sa mga letra. Hindi ito mangyayari ngayong Disyembre. Malamang sa Mayo. Madali ito. Nakapamigay nga ako ng ilang libro e. Ilan na? Halos bente? Masarap palang malamang hindi ka pagmamay-ari ng mga ari-arian mo. Kahit ilusyon lang ang ganitong asersyon, isa lamang kabaligtaran na hindi total na kontradiksyon. Halimbawa, magkakaroon ba ako ng ibayong ligaya kung wala talaga akong pakialam sa mga aklat ko? Hindi. Kung wala talagang hawak sa akin ang mga iyan, saan manggagaling ang anumang damdamin, panghihinayang man o kaluwagan?

Isang linggong walang basa. Kung sa Mayo rin naman, text na rin tatanggalin ko. Wala na ring sulat. Tapos sa susunod na linggo, wala namang satsat. Puro sulat. Sapagkat sikulo ang buhay ng pagpanis ng laway at tinta at muling pagiging sariwa ng mga likidong dumadaloy mula sa utak at atay.