Abr 12, 2017

Agimat

Hinubad ni manong ang kanyang syorpet,
Inabot ang bill ng tubig,
Nakisuyo ng kahit isang basong tubig sana.
Tanghaling tapat sa pusod ng semana santa
At inisip ko ngang baka hindi ka maniwala.
Nag-abot ako ng kaimito at kaunting maiinom.
Sabay ito pa ang hindi mo malunok.

Walang komento: