Paano kung papipiliin ka kung ano ang ikalulungkot mo?
Ano ang ibig sabihin ng puwede kang mamimili?
Ano ngayon?
Wala kang pinagkaiba sa ibang sisiw sa perya,
Bahala ka lang kung alin ang ipangkukulay sa pakpak mo.
Paano kung gusto mo ‘yung natural na balahibo?
Na para bang hindi mo alam ang kuwento.
Dalawang ibon ang hinuli (ano, pipit?
Maya?) at iginapos ang isa sa kapirasong kahoy.
Kapwang mabango ang kahoy at ang anis na inilakip.
‘Yung isa namang ibon ay pinatay sa may batis,
Pinadugo. At dito sa ipon
Isinawsaw ang nakagapos na ibon.
Naigatong na ang kahoy, ang anis, ang tali.
Malaya na ring nakalipad ang ibon.
Saan ba tayo klaro?
a) Magpatuloy ka.
b) Kapit lang.
Mag-alay ng pasasalamat, araw-gabi, ang mga nilalang
Lalo’t lang lang sa kanila ang lang.
At magdalawang-isip kung ano ang silbi ng “siya,
Lipad lang nang lipad” sa tuwing may kinakalas na tali.
Iilan ang uri ng pagpapalaya, bibihirang nagagamit,
At wala nang ibang batayan ang lahat
Ng maaari nating ikilos
Habang pinawawalan sa usok ang halimuyak.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento