Okt 22, 2020

Pag-ibig sa Ibang mga Bagay

ni Tom Hennen
aking salin

Madaling mahalin ang usa
Pero subukang pansinin ang mga kulisap at yayat na puno
Mahalin ang labak ng maligamgam na tubig
Mula sa ulan nitong nakaraang linggo.
Hayaan na muna ang mga bundok.
Maging ang malilinaw na lawang pinalilibutan ng mga pino.
Nakahanay ang mga taong hahanga sa mga iyan.
Lumapit sa mga bagay na dumudulas sa dilim.
Magpasalamat pati sa inip
Na minsa’y tila isinasangkot ang buong daigdig.
Isipin ang hamog
Na paglao’y bibitak sa ating mga buto.

Walang komento: