ni Juliana Chang
aking salin
sa araw na ako’y maging museo
mga batang babae ang dadaan
sa may bibig ko
at ituturo ito ng dalawang kamay.
hihilahin nila ang blusa ng nanay
at magtatanong
ano ‘yang dila
at ang ganda ng pagkakaupo
at ano ‘yang bagay na uugoy-ugoy
na parang malamig na pulot
at ‘yun ba ang araw na nakikita kong buo
at hindi ba’t gustong dumaloy paroon ng tubig—
bakit hinahayaan lang natin ‘yan
nariyan lang
na ganyan.
Tinadtad ang mga ideya at isinahog ang kambal-dila para sa salusalong ito. Sana may sustansya. Masimot man o hindi, tanggapin ang aking pasasalamat sa iyong pagtikim.
Okt 25, 2020
sa araw na ako’y maging museo
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento