ni Diane Di Prima
aking salin
Sa katunayan: titindi LALO ang Liwanag
Laging ganito. Gustuhin man natin
O hindi. Gaano man tayo ka-desidido
Na maging mapanglaw.
Puwedeng nakatitiyak na tayong
Wala nang sasahol pa rito.
At puwedeng tama tayo.
Ngunit
NARITO NA ANG ARAW
Sige’t subukan mong pigilan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento