ni Beth Bachmann
aking salin
Kapag namatay ang araw, may walong minuto pa tayo ng liwanag sa daigdig, nga lang, hindi pa natin alam na ‘yun na ang ating huling walong minuto.
Isa itong birong kinikilalang cosmic.
Isipin lang natin ang lahat ng tao, bawat isa’y pinagdibuho ng araw.
Pinakasimpleng pagsimula at pagtapos ay sa pamamaraan ng isang bilog, pero may magdaragdag ng rayos, mga pakpak o isang mukha.
Walang dudang tumutugon ang araw na tulad ng gong.
Tinadtad ang mga ideya at isinahog ang kambal-dila para sa salusalong ito. Sana may sustansya. Masimot man o hindi, tanggapin ang aking pasasalamat sa iyong pagtikim.
Nob 24, 2020
pagdating ng araw
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento