Ene 19, 2021

Second time around

Patunay ang
mercenary history, high
ng tiwala ng mga kabataan sa
magdudulot ng pagpapalayas sa
Synchronized Enhanced Man
-pastoral ng mga
care the people
slang na ginawang
land, effort
is each other
staring into space.

Idol ko talaga tong mahika na
ang lugar mo ay
the silence now. Except for
ayan bilang mitsa
ho tayong lahat sa Luksa
is no heart for me like
Kamandag at
guys, fresh
unities submerged in water.

Ene 16, 2021

Mula sa “Ang Katawang Arkibo”

ni Julietta Singh
aking salin


Matalik kong kaibigan at kababata si P na isang pilyang arkibista ng sarili niyang kasaysayan at pinag-iingatan ang lahat ng kaniyang iniibig. May mga sadyang pangkaraniwang bahagi ng arkibong naglalaman ng mga lumang mensahe sa awtomatikong panagot, litrato, sipi ng pag-ibig. Ngunit may mga kakatwang bagay rin, gaya ng isang kulot na bulbol mula sa katawan ng lalaking kasama nang mawala ang kaniyang pagkabirhen. Sumabay ito nang tawirin niya ang dalawa at kalahating dekada ng kaniyang buhay. Kasama niya itong bumibiyahe. Maaari nga nating sabihing naging bahagi na niya ito. Kahit man lang bilang materyal na senyal ng sandali kung saan buong katiyakan niyang nabatid na binubuksan ang kaniyang katawan at inilalantad ito sa panlabas na daigdig.

Ene 11, 2021

Ang Tumatawid ng Lubid Bago Siya Tumiyad-tiyad sa Pagitan ng Napakatataas na Gusali

ni Sean Cho A.
aking salin


Hindi kita nais magulantang pero may madla
sa labas. Lahat sila, sa loob-loob nila’y nais kang makitang
mahulog. Ito ang dahilan kung bakit tayo bumabagal magmaneho
kapag may banggaan, kung bakit pilit binubuhay ng mga pusa
ang mga patay na daga sa baitang ng ating pintuan.
Aminin mo na: natutuwa kang isiping maaaring kang mamali ng yapak
patungo sa paanan ng Diyos. Maaari ka naman sanang naging
karaniwan: nagbenta ng mga laspag na awto sa mga sabik na bagito,
life insurance sa mga paranoid na maalwan ang buhay— pero hindi e.
Hindi kita masisisi. Sa ngayon, may mga silid na puno
ng mga nagpipigil na lasenggo, mga naghahatak ng dahon ng kalendaryo,
naghihintay na mamatay nang matino, mga paring nagwiwisik ng agua bendita
sa mga isinilang na patay. Pasensya na’t hindi ko ninais
pumukaw-pansin. Sinasalat ng iyong ina ang mga butil ng rosaryo
habang nililipat ng nars ang TV ng hospicio
sa balita. Ngayo’y pakalmahin ang iyong sarili. Panahon na
para sa iyong pagsusulit. Ano ang pinakamasamang maaaring mangyari:
gigising kang hinuhugasan ng langis ng olibo ang paa ng Diyos,
inuulit ang mga paboritong kuwento ng iyong pinakamasahol-na-sarili
nang may bantas sa bawat isa na Panginoon, patawarin mo ako.