Abr 30, 2021

Bintanang Walang Hanggan

ni Yehuda Amichai
aking salin


Sa hardin minsan kong narinig
ang isang awit o sinaunang basbas.

At sa ibabaw ng madidilim na puno
may bintanang laging may ilaw, sa alaala

ng mukhang dumungaw mula rito,
at ayon din itong mukha

sa alaala ng ibang
bintanang may ilaw.

Walang komento: