Okt 2, 2023

Honey

Lalapatan pa ba ito ng boses 
para sa inyong pagtangkilik? Puwes,
wala na ang kalaro namin sa pekwa 

habang salampak sa latag ng kawayang
malamig at bagong as-is

kung saan kami patutulugin ng sagutang hilik
ng aming mga ama. Hindi na para ungkatin
kung sino ang tipong magpa-pass

kaysa bitawan ang ipit na siete o singko.
Ngunit kilala ang maliksing sumalo ng jackstone,
mapipitas ang bituin 

maipit man sa mga siwang ng kawayan. Hayaan
ang ganitong gunita, insan. Paalam.

Walang komento: