ni Anna Świrszczyńska
aking salin
Lipos ako ng pag-ibig
parang dambuhalang puno at hangin,
parang espongha at dagat,
parang dakilang buhay at pagdurusa,
parang panahon at kamatayan.
Tinadtad ang mga ideya at isinahog ang kambal-dila para sa salusalong ito. Sana may sustansya. Masimot man o hindi, tanggapin ang aking pasasalamat sa iyong pagtikim.
ni Anna Świrszczyńska
aking salin
Lipos ako ng pag-ibig
parang dambuhalang puno at hangin,
parang espongha at dagat,
parang dakilang buhay at pagdurusa,
parang panahon at kamatayan.
ni Anna Swir
aking salin
Gabi
nang kumiriring ang telepono.
Nagising akong takot na takot.
— May masamang nangyari
kay itay.
Relaks po — sabi ng anak ko.
Okay lang si lolo.
Lalo ngayon,
isang buwan na siyang patay.