Peb 6, 2022

Lipos Ako ng Pag-ibig

ni Anna Świrszczyńska
aking salin


Lipos ako ng pag-ibig
parang dambuhalang puno at hangin,
parang espongha at dagat,
parang dakilang buhay at pagdurusa,
parang panahon at kamatayan.

Ene 27, 2022

Ibang Bahay

ni Golan Haji
aking salin


Ang bahay
Isang takot na mukha
Sa bintana ng ibang bahay.

Ako ang aking bahay
Iniinom ang tubig ng aking hininga
At inuupuan ang aking mga panaginip.

Sinindihan ng estranghero
Ang apoy sa tulugan
Nagpainit
At umukit ng mga pangalan mula sa nakalipas
Sa mga itim na dingding

Hindi ko pa rin sila mabasa.