ni Rita Dove
aking salin
Ito lamang ang gusto ko para sa iyo: karunungan.
Nang mabatid na bawat pagnanasa’y may bingit,
nang maunawaang may pananagutan tayo sa mga buhay
na binago. Walang pananalig na dumaratal nang walang bayad,
walang naniniwala nang hindi namamatay.
Ngayon sa unang pagkakataon,
Malinaw sa akin ang landas na iyong itinanim,
anong lupa ang bumuka sa guho,
kahit nanaginip ka ng kayamanan
ng mga bulakalak.
Walang mga sumpa—mga salamin lamang
na itinataas sa mga kaluluwa ng mga diyos at mortal.
At kaya isinusuko ko na rin itong tadhana.
Maniwala sa iyong sarili,
sige—at tingnan kung saan ka dadalhin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento