Dis 7, 2020

Mula sa “Magnanakaw, Pagnanasa”

ni Julietta Singh
aking salin


May dalawa man lamang na paraan upang unawain ang pagsibol ng pagnanasa: una, sa pamamagitan ng saglit, kapag may kung anong nag-iba at ang iyong paraan ng pagkilos at pagtugon, ang iyong paraan ng pagbabali-baligtad ng mga bagay-bagay ay nagtamo ng pansaligang pagbabago. Susunod, sa pamamagitan ng pag-iipon, kung paanong sa haba ng panahon at patuloy na pag-uulit, hinihila tayo ng ating mga kasaysayan sa mga natatanging gawi at paraan ng pagdama at pagnanasa. Ang nais ko ay ang ideya ng arkibo. O, mas tumpak, ang ideya mismo ng kung ano ang maaaring ihain ng isang arkibo. Kahit batid kong itong aking pagnanais para sa arkibo ay mula sa matagal na pag-iipon, hinaharaya ko ito bilang tangi at nag-iisang saglit.

Walang komento: