Ipinapakita ang mga post na may etiketa na szymborska. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na szymborska. Ipakita ang lahat ng mga post

Okt 24, 2020

Vermeer

ni Wisława Szymborska
aking salin sa salin nina Clare Cavanagh at Stanislaw Baranczak


Hanggang sa ang babaeng iyon mula sa Rijksmuseum
sa idinibuhong katahimikan at pagtutok
ay araw-araw pa ring nagsasalin ng gatas
mula sa pitsel tungo sa tason
hindi pa rin nakakamit ng Daigdig
ang katapusan ng daigdig.

Mar 21, 2020

Pagtuklas

ni Wisława Szymborska
aking salin


Sumasampalataya ako sa dakilang pagtuklas.
Sumasampalataya ako sa taong makatutuklas.
Sumasampalataya ako sa takot ng taong makatutuklas.
Sumasampalataya ako sa mukha niyang mamumuti,
sa kaniyang hilo, sa pamamawis ng kaniyang bibig.
Sumasampalataya ako sa pagsusunog ng kaniyang mga sipi,
susunugin hanggang maging abo,
susunugin maging ang huling piraso.
Sumasampalataya ako sa pagsambulat ng mga numero,
ikinakalat nang walang pagsisisi.
Sumasampalataya ako sa pagmamadali ng tao,
sa katumpakan ng kaniyang mga kilos,
sa malaya niyang pag-iisip.
Sumasampalataya ako sa pagwasak ng mga tapyas ng bato,
sa pagbuhos ng mga likido,
sa pagpawi ng mga rayos.
Nananalig akong mahinusay itong magtatapos,
na hindi pa huli ang lahat,
na magaganap ito na walang mga saksi.
Tiyak akong walang makaaalam ng nangyari,
hindi ang kabiyak, hindi ang dingding,
ni hindi ang ibong maaaring kumanta.
Sumasampalataya ako sa pagtangging makasangkot.
Sumasampalataya ako sa nasirang karera.
Sumasampalataya ako sa nasayang na mga taon ng trabaho.
Sumasampalataya ako sa lihim na dinala hanggang libing.
Para sa aki’y pumapailanglang itong mga salita lagpas sa mga batas
at hindi naghahangad na masuhayan ng mga totoong halimbawa.
Matibay ang aking pananalig, bulag ito at walang sandigan.

Hun 12, 2016

On Bernadette Mayer’s “FIRST SHOW HOTLINE”

Out the somber window that shows
Hibernation trees, the water pump, the road
Nothing falling from the gray sky yet
The room I’m in’s too clean, the fire’s failed
I’m doing the French fries on the top of the stove
The mail’s failed to come, the turkey had no liver
But it may work to write this poem unless
It gets stuck like a car by the creek
The creeks are over the top, be wary 
Of them, of getting mail from a bank
And a flyer from the Family Dollar store
In which everything is more than a dollar
Except sardines, I don’t even have a bank
Account but I saw a rainbow in the woods once
          When the sun got low enough to shine
          Under the earth’s cloud cap, I thought
          That’s not a bad deal on dish detergent

*

[ LITERARY HUB ]
[ EXQUISITE CORPSE ]

*

Glad we’re warming up. And with such fine angles too. “First” has me stumped. “Show” kind of drives home the point that this is not a life (or a process) typically produced by TV and consumed by viewers. Szymborska once remarked that the poet-at-work is “hopelessly unphotogenic” as opposed to the lives and processes of others artists (painters dancers, thespians)—those were much more cinematic. With a poet, all we have before us is a person slumped over a screen or some odd pieces of paper. “Once in a while this person writes down seven lines only to cross out one of them fifteen minutes later,” Szymborska continues, “and then another hour passes, during which nothing happens... Who could stand to watch this kind of thing?”

*

Would like to ride this tangent and add “soap opera” as a possible association of the titular “Show” and the last line’s “dish detergent”. This is a domestic scene, but one connected to the outside, represented and appropriated by the forces out there that try to shape our “in here”. I see poetry here as resistance. And I’m still unsure if Mayer embraces the frustrations or if she is hostile to them, sees them as unnecessary distractions, asks us to “be wary” of them as well. A cautionary note that could clue us in on what that “Hotline” is all about.

*

Well if attending to poetry isn’t poetic, I don’t know what is. I can feel your anger all the way to my place, but this also sounds like you’re about to read “Show” metapoetically.

*

Two views of these contractions. First is how it’s reflective of a poetics that refuses to sound all noble and wise (and maybe that amounts to its own wisdom). Next is how it tries to save breath, save time, save space in the household and consequently in the language itself—maybe the interior of the poet.

It’s really curious, and I think it’s fruitful how you pointed this out to us. Visually, it works so that all the punctuation marks are in-line while the ends are free from markings. Everything is perhaps swept “in”—which is a weird form of cleanliness.

*

From this juncture, the thought of how the operating room is sometimes referred to as a theater.

*

Here’s a link to an appearance in Exquisite Corpse on January 2015. However, this one has for us a certain “FIRST SNOW HOTLINE” by Bernadette Mayer. Either LitHub committed a typo error or it’s a newer (?) version. Then again, maybe it’s not a typo, as there are other differences. Family Dollar was “family dollar” in this one (as in the last line of “SARDINES”: “& shipped to the family dollar store for Bernadette”). In fact, aside from personal “I” and the “F” in French fries, there are no other capital letters (not even the words at the beginning of lines). This one uses an ampersand rather than “and” in line 11. The stanzas are also cut differently, “the creek” and “the creeks” going their separate ways, be wary placed more closely to “them”.
FIRST SNOW HOTLINE
out the somber window that shows
hibernating trees, the water pump, the road
nothing falling from the gray sky yet
the room I’m in’s too clean, the fire’s failed
I’m doing the French fries on top of the stove
the mail’s failed to come, the turkey had no liver
but it may work to write this poem unless
it gets stuck like a car by the creek
the creeks are over the top, be wary
of them, of getting mail from a bank
& a flyer from the family dollar store
in which everything is more than a dollar
except sardines, I don’t even have a bank
account but I saw a rainbow in the woods once
          when the sun got low enough to shine
          under the earth’s cloud caps, I thought
          that’s not a bad deal on dish detergent
*

Following you, I also prefer “SHOW” over “SNOW” because I think the second significantly stunts the line “Nothing falling from the gray sky yet”. I felt cutting the stanza after “be wary” had more power (was more “wary,” formally speaking) and increased the threat of “them” over the household and the poet within. The lines are around ten syllables each, plus/minus a syllable or two so maybe it does suggest the sonnet. Or a sonnet that has yet (or refuses) to fall into place.

This thread reminds me of the WCW exercise: which poem does the better job? (Which is a rather uninspired and inaccurate way to recall our trademark second essay.) It’s not like correct ideas will wash away all your sins.

Ago 18, 2012

Hindi Inaasahang Pagkikita

ni Wisława Szymborska
aking salin

Naging lubos na magalang tayo sa isa’t isa;
sabi natin, mabuti’t nagkita tayo, ilang taon na rin.

Uminom ang ating mga tigre ng gatas.
Naglakad ang ating mga lawin sa lupa.
Nangagsilunod na ang lahat ng ating mga pating.
Naghikab ang mga lobo natin sa labas ng bukas na kulungan.

Hinubad na ng ating mga ahas ang kanilang kidlat,
ng mga bakulaw ang kanilang mga guniguni,
ng mga paboreal ang kanilang mga plumahe.
Matagal nang nilayasan ng mga paniki ang ating buhok.

Nanahimik tayo sa gitna ng mga pangungusap,
wala nang sasaklolo sa ating mga ngiti.
Ang ating mga tao,
hindi na alam kung paano makipag-usap.

Ago 11, 2012

Ulat mula sa Ospital

ni Wisława Szymborska
aking salin


Posporo ang ginamit nating palabunutan: sino ang bibisita sa kanya.
At ako ang natalo. Tumayo ako, iniwan ang ating mesa.
Malapit na ring simulan ang mga oras ng pagbisita.

Noong sinabi ko kumusta, hindi siya kumibo.
Sinubukan kong hawakan ang kanyang kamay—inilayo niya ito
parang asong gutom na ayaw bitawan ang kanyang buto.

Mukhang nahihiya siya sa paghihingalo.
Anong sasabihin mo sa taong ganoon?
Hindi nagsalubong ang aming mga mata, parang sa pekeng litrato.

Wala siyang pakialam kung mananatili ako o aalis.
Wala siyang kinumusta sa kahit sino sa ating mesa.
Hindi ikaw, Rico. O ikaw, Nico. O ikaw, Mico.

Sumakit ang aking ulo. Sino ba ang nawawala kanino?
Ibinida ko ang makabagong medisina at ang tatlong lila sa garapon.
Nagsalita ako tungkol sa araw at unti-unting naglaho.

Mabuti na lang may hagdan sila para takbuhan pababa.
Mabuti na lang may tarangkahan sila para palabasin ka.
Mabuti na lang naghihintay kayonglahat sa ating mesa.

Sumasama ang pakiramdam ko sa amoy ng ospital.

Ago 8, 2012

Atlantis

ni Wisława Szymborska
aking salin


Matatagpuan sila o hindi sila matatagpuan.
Sa isang isla o hindi.
Isang karagatan o hindi isang karagatan
ang lumamon sa kanila o hindi.

Naroon ba ang sino man upang umibig kanino man?
May makakaaway ba roon ang kung sino man?
Nangyari ang lahat o walang nangyari
doon o sa kung saan man.

Pitong lungsod ang namayagpag doon.
Sa tingin natin.
Itinakdang manatili ang mga ito magpasawalang-hanggan.
Sa ating palagay.

Wala naman silang gustong mangyari. Wala.
May nais silang mangyari, oo, mayroon.

Tila isang palagay. Kahina-hinala.
Hindi nagugunita.
Hindi mahango mula sa hangin,
apoy, tubig, o lupa.

Hindi naisisilid sa loob ng isang bato
o sa patak ng ulan.
Hindi angkop para gamitin nang seryoso
bilang liksyon sa dulo ng kuwento.

Bumagsak ang bulalakaw.
Hindi bulalakaw.
Sumabog ang bulkan.
Hindi bulkan.
May isang nagpapunta sa kung ano.
Walang tinatawag.

Dito, sa mahigit kumulang na Atlantis.

Hul 9, 2012

Sukdulan Tayong Mapalad

ni Wisława Szymborska
aking salin

Sukdulan tayong mapalad
na hindi natin buong nalalaman
ang uri ng mundo nating ginagalawan.

Kakailanganin ng isang tao
ng napakahabang buhay,
di-hamak na mas mahaba
sa buhay mismo ng daigdig.

Na kilalanin ang mga ibang mundo,
para lang makapaghambing.

Maalpasan ang laman,
na maalam lang talaga
sa pagbibigay-hadlang
at paggawa ng aberya.

Alang-alang sa pananaliksik,
sa masaklaw na pananaw
at tiyak na pagsara ng pag-aaral,
kakailanganing lagpasan ng tao ang oras,
kung saan nagkukumamot at paikot-ikot ang lahat.

Mula sa puntodebistang ito,
mas mabuti pang magpaalam na ang tao
sa maliliit na pangyayari at detalye.

Ang pagbibilang ng mga araw ng linggo
ay hindi maiiwasang magmukhang
isang gawaing walang saysay;

ang pagpapadala ng mga liham
isang kalokohan ng kabataan;

ang karatulang "Bawal Maglakad sa Damo"
isang sintomas ng pagkabaliw.

Hun 26, 2012

Tore ng Babel

ni Wisława Szymborska
aking salin


Anong oras na? — Ay, napakaligaya ko;
kailangan na lang magsabit ng kuliling sa aking leeg
upang kumuliling ito sa iyong pagtulog.
Hindi mo ba naulinigan ang bagyo? Niyanig ng habagat
ang mga dingding; ang tarangkahan ng tore,
parang bunganga ng leon kung maghikab
sa mga besagrang lumalangitngit.
— Paano ka nakalimot?
Suot-suot ko pa naman ang damit na kulay abo
na naikakabit sa balikat. — Sa sandaling iyon,
mga pagsabog ang yumanig sa alapaap.
— Paano ako
papasok? Gayong hindi ka nag-iisa. — Aking nasulyapan
ang mga kulay na matanda pa sa paningin.
— Sayang,
hindi mo kayang mangako. — Tama ka, malamang
isa lang itong panaginip.
— Bakit puro kasinungalingan;
bakit mo ako tinatawag sa kanyang pangalan;
mahal mo pa ba siya? — Nais ko siyempre
ang manatili ka sa aking piling.
— Hindi ako maaaring
dumaing dahil ako mismo ang dapat nakapansin.
Iniisip mo pa ba ang lalakeng iyon? — Pero hindi ako umiiyak.
Wala na bang iba? — Walang iba kundi ikaw.
Ang maganda sa iyo, tapat ka. — Huwag kang mag-alala,
lilisanin ko ang bayang ito. — Huwag kang mag-alala,
aalis ako.
— Napakaganda ng iyong mga kamay.
Lumang kasaysayan iyan; tumagos man ang talim
hindi natamaan ang buto.
— Wala kang dapat alalahanin,
mahal ko, wala kang dapat alalahanin. — Hindi ko alam
kung anong oras na, at wala akong pakialam
.

Hun 13, 2012

Pag-uwi

ni Wisława Szymborska
aking salin


Umuwi siya. Walang imik.
Ngunit malinaw na may nangyaring masama.
Humiga siyang hindi nagbibihis.
Nagkumot hanggang ulo.
Isinakop ang kanyang mga tuhod.
Malapit nang magkwarenta,
ngunit 'di pa kwarenta sa sandaling ito.
Nanatili siyang tila nasa sinapupunan pa ng ina,
bihis ng pitong dingding ng balat, nakalulok sa karimlan.
Bukas mangangaral siya tungkol sa homeostasis
sa metagalactic na cosmonautics.
Ngunit ngayon, namaluktot siya at natulog.