Set 1, 2020

Alaala ng diskusyon ng hubris ni Ma’am Dadu

 Academic vision seems set, and it’s safe (safe!) to say that all consultations are keyed to implementation: hows and whats, not whys and why reallys.

Kindly note that I remain unconvinced that the system has chosen the most humane course of action. I remain appalled at the ill-hid relish, for yes, the pandemic sped things up toward a certain pedagogical direction. I tried to think past the disgust, and laid the arguments on the table (ex: “the way the brains are wired today,” “the best of yesterday’s teachers won’t suffice,” etc.) but found them wanting (ex: our best teachers would not have tolerated faulty “wiring”).

Arguments are conflated, and for a while there it seemed that remote learning, learner-centrism, OBE, all held hands and teased equity, better education, our best selves shining through.  

Old things are passed off as new and untried. Life-long learner? Isn’t that what centuries of art and literature represented, strove for? Isn’t that what we in the Humanities (and our teachers, their teachers before them) have been working on all along?

Learning until it runs out.



The impasse in implementation is the balance between compassion and quality, and while the plenaries and breakouts touch upon these, in the end the burden will fall on teachers if we deliver poorly or if our students suffer.

How I wish we set a better example to the HEIs, a year of truly vital thoughts and honorable acts, a year greater than, ooh, a pandemic, time to bring out the new toolkit.

Please be assured though that I will try my best within the given constraints. While not as feathery as “better normal,” I still hope we won’t come out of this too diminished.

You are likely taking much more than the rest of us, so again, thank you for your kind attention.

Oh, more to read. If I was sending this pack, I’d start us off with “The Fantasy of Resistance” in How Will the Pandemic Change Higher Ed, p.6.

Isang beses ko pa lang nababasa pero mukhang natatamaan lahat. Hay, pinaniniwalaan ito at sine-share nang wagas pero tayo rin naman ang kumikilos para buuin nang husto ang semestre at sa lalong madaling panahon. May ilang banda kung saan gusto kong i-tono o i-adjust o i-revise para mas makuha ang pinagdadaanan natin. Halimbawa, yung “atomization” ng artik vis-à-vis (not necessarily versus) yung “collaboration” na hinihiling sa atin. Ngayon ko rin lang nakasalubong ang salitang “responsibilizing”. Maraming hindi katanggap-tanggap para sa akin sa mga lumalabas sa admin featurettes pero siguro pinakamapanganib yung laging pangsara na ginagawa natin lahat ng ito dahil national university tayo. Na para bang hindi UP ang mga alternatibong pananaw at diskarte sa panahong ito. Maganda naman na at least sa mga sarbey at mga “like” sa Q&A, may pahiwatig na hindi 100% on-board ang faculty sa ibinebenta. Sorry sa term na “ibinebenta,” pero lagpas sa mga pedagogical terms at trends, lagpas sa covid-sensitive diplomacy, hindi ko tayo maibukod kay JoeCon.

Isang pag-iingat ngayon ay kung ano-ano ang mga ipasasalo sa faculty. Sa ngayon, tayo na ang hinihiling na maging maunawain sa admin at mapagkalinga sa estudyante, maging malikhain, mabusisi, at collaborative sa course material/delivery, at maging exacting(!) at quality-focused(!) pagdating sa sarili at sa mga estudyante. Iyan pa lang ang mga hayag, wala pa tayo sa mga kubling rekisito: hal., kalimutan ang covid at mga kaugnay na pagdurusa, huwag munang isama sa usapan ang pre-covid state of affairs na mas lumalala lamang ngayon. 

O malamang sa atin sa Humanities at SocSci: paki-integrate na lang itong mga ganap sa course pack.

Maganda ang artik lalo ang huling bahagi nito, pero iba ang bigat ng iyong ikaapat na pangungusap. Nangangamba rin ako para sa atin bilang grupo at bilang mga indibidwal, at baka mawala tayo. Sumulat na rin ako sa kanya bago pa mag-dialogue tungkol sa mga pangambang ito dahil gaya mo, umaasa rin akong hindi pa huli ang lahat.

May kaunting tulo ang kisame namin dito; sana wala riyan! 

Ago 30, 2020

On the fourth line of Rae Armantrout’s “Buy In”

Yes, we did
ask to be born.

Not all of us, of course,
only the first few.

They must have bought in
to this round robin
duress:

the gasp,

the gnawing hunger,
then the actual gnawing.

Maybe they did it
the way we’d put on

a corset or toe shoes
one night

and feel fabulous.

To be able to repeat themselves
must have seemed

like such a thrill
at first.

But who were they
if not that trick—

that breathless
pirouette?

*

New York Review of Books

*

Would rather not get stuck in belatedness, but not a line in this would stray should we opt for such a reading. Two of the later questions are (a) did they know what they were getting us into and (b) did they hope we’d somehow make it so they didn’t ruin it for us? Affirmatives would diminish them (shifting the interrogative to the penultimate line). Negatives mean we at least have something they don’t (hope) and so would likewise diminish them though only in the light of us.

Mar 23, 2020

share—gram


Mga Aksidente

ni Russell Edson
aking salin


Natanggal ng barbero ang isang tenga. Nakahiga ang tenga na para bang bagong panganak sa sahig, sa isang pugad ng mga buhok.

Ay, sabi ng barbero, pero malamang naging mabuting tenga iyan, at sadyang natanggal nang halos walang imik.

Hindi rin, sabi ng kostumer, laging puno ng luga.

Sinubukan kong lagyan ng mitsa para matunaw ang luga, at nang sa gayo'y tahakin ang landas tungo sa musika. Ngunit nang sinindihan ko'y nagliyab ang buong ulo ko. Kumalat pa sa singit ko at kilikili, at sa isang malapit-lapit na gubat. Pakiramdam ko'y isa akong santo. May nag-akalang isa akong henyo.

Kampante na ako, sabi ng barbero, kaso, hindi pa rin kita mapauuwi nang iisa na lamang ang tenga. Kailangan ko ring tanggalin ang isa. Pero huwag kang mag-alala, lalabas itong aksidente.
Sang-ayon sa kahilingang maging patas. Ngunit siguraduhin mong aksidente, ayokong sinadya mo akong gupitin.

Baka gilitan na lang kita ng leeg.

Pero siguraduhin mong aksidente.

dig—fish


Mar 21, 2020

Pagtuklas

ni Wisława Szymborska
aking salin


Sumasampalataya ako sa dakilang pagtuklas.
Sumasampalataya ako sa taong makatutuklas.
Sumasampalataya ako sa takot ng taong makatutuklas.
Sumasampalataya ako sa mukha niyang mamumuti,
sa kaniyang hilo, sa pamamawis ng kaniyang bibig.
Sumasampalataya ako sa pagsusunog ng kaniyang mga sipi,
susunugin hanggang maging abo,
susunugin maging ang huling piraso.
Sumasampalataya ako sa pagsambulat ng mga numero,
ikinakalat nang walang pagsisisi.
Sumasampalataya ako sa pagmamadali ng tao,
sa katumpakan ng kaniyang mga kilos,
sa malaya niyang pag-iisip.
Sumasampalataya ako sa pagwasak ng mga tapyas ng bato,
sa pagbuhos ng mga likido,
sa pagpawi ng mga rayos.
Nananalig akong mahinusay itong magtatapos,
na hindi pa huli ang lahat,
na magaganap ito na walang mga saksi.
Tiyak akong walang makaaalam ng nangyari,
hindi ang kabiyak, hindi ang dingding,
ni hindi ang ibong maaaring kumanta.
Sumasampalataya ako sa pagtangging makasangkot.
Sumasampalataya ako sa nasirang karera.
Sumasampalataya ako sa nasayang na mga taon ng trabaho.
Sumasampalataya ako sa lihim na dinala hanggang libing.
Para sa aki’y pumapailanglang itong mga salita lagpas sa mga batas
at hindi naghahangad na masuhayan ng mga totoong halimbawa.
Matibay ang aking pananalig, bulag ito at walang sandigan.