Hul 10, 2012

2012, Mas Hilaga pa sa Amerika

Kaya ikaw, John, magsumikap ka!—Doña Delilah

May hinahanap ho ako. Baka nasa listahan.

Kung kapares ka ng iba, hinahanap mo silang lahat.

May hinahanap nganyo akong babae.
Kung ikaw ngang talaga iyan, hinahanap mo ang lahat ng babae.

Si Dorothy—
Sa sangandaan ng mga ipu-ipo.

Blanca.
Kung saan sinasaway ng pahina ang tabing, ngunit nananaginip pa ang tabing.

Aba'y, Marsha!
Ayan na pala. At bakit mo pinaghintay?

Hul 9, 2012

Sukdulan Tayong Mapalad

ni Wisława Szymborska
aking salin

Sukdulan tayong mapalad
na hindi natin buong nalalaman
ang uri ng mundo nating ginagalawan.

Kakailanganin ng isang tao
ng napakahabang buhay,
di-hamak na mas mahaba
sa buhay mismo ng daigdig.

Na kilalanin ang mga ibang mundo,
para lang makapaghambing.

Maalpasan ang laman,
na maalam lang talaga
sa pagbibigay-hadlang
at paggawa ng aberya.

Alang-alang sa pananaliksik,
sa masaklaw na pananaw
at tiyak na pagsara ng pag-aaral,
kakailanganing lagpasan ng tao ang oras,
kung saan nagkukumamot at paikot-ikot ang lahat.

Mula sa puntodebistang ito,
mas mabuti pang magpaalam na ang tao
sa maliliit na pangyayari at detalye.

Ang pagbibilang ng mga araw ng linggo
ay hindi maiiwasang magmukhang
isang gawaing walang saysay;

ang pagpapadala ng mga liham
isang kalokohan ng kabataan;

ang karatulang "Bawal Maglakad sa Damo"
isang sintomas ng pagkabaliw.

Hul 8, 2012

Sipi mula sa Œuvres completès

ni Simone Weil
aking salin

Wala nang mas di katanggap-tanggap sa isang tao kundi ang kanyang kabatiran na maaari siyang baguhin.

Hul 7, 2012

Seven Seven Twelve

SR. SOL— It was a long hike, so this will be a simple question. How is she?

ANATH— Awaiting the Discharge Clearance Certification.

SR. SOL— That’s you waiting, not her. You really think this is the time for your nonsense?

ANATH— Thanks for the visit, Sr.

SR. SOL— Can’t I come up?

ANATH— Was it not long enough a hike?

SR. SOL— Let me see for myself.

ANATH— As if you yourself weren’t waiting for the Discharge Clearance Certification.

SR. SOL— She won’t mind me, I brought these dumplings.

ANATH— You can’t say she’s too young to mind you, too young to wait for discharge orders. She is the patient, you are the visitor, and I am the patient’s representative.

SR. SOL— I can leave now, but I’ll return when you’re away.

ANATH— Unless we are discharged, we are assumed the extensions of the hospital, you might go so far as to say we consist functions of it. There’s an IV line upstairs with her name on it, but if you leave, it will snake along the highway after you and follow you to your place of worship.

SR. SOL— You should be out looking for money. Banks won’t be open until Monday.

ANATH— There’s plastic wrap over the food. Just because it’s clear, doesn’t mean it’s invisible!

SR. SOL— I came to visit her, her, not you.

ANATH— And when you’re done visiting? Shall you take your visitor with you to your places of eating and sleeping and ‘socialization’? Shall you leave it here? But where shall I place it? Is it non-infectious? If so, how long shall it stay that way—

SR. SOL— I bring good intentions—

ANATH— Must we recycle?

SR. SOL— The best of intentions. I came to lay my hands on her.

ANATH— There’s a canteen up that slope, but down the road, fifty minutes from here, you’ll find gas stations with fast food counters. You don’t have to eat there. You may visit, just visit. It will take the busboys some time to notice your sweat on their tables.

SR.SOL— There is no hospital for someone of your make.

ANATH— Thank you for your time, Sr. You know how we’ve worried so. But it’s past 27 hours since the last fever, we’re thinking positive. That’s right!

SR. SOL— No hospital—

ANATH— With letters of silver—

SR. SOL— Not in any horizon.

ANATH— They’ll sign it, you’ll see. The Discharge Clearance Certification. I’ll sign too, when my turn comes.

SR. SOL— The time will come. When it does, I shall refuse to lay these hands on your fallen brow.

Hul 6, 2012

Sipi mula sa Œuvres completès

ni Simone Weil
aking salin

‘Nagdurusa ako.’ Mabuti pa ito sa: ‘Pangit ang tanawing ito.’

Hul 3, 2012

Sipi mula sa La Connaissance surnaturelle

ni Simone Weil
aking salin

Hindi iginuguhit ng dibuhista ang lugar kung saan siya mismo nakatayo. Ngunit kapag tiningnan ko ang kanyang larawan, malalaman ko ang kanyang kinatatayuan ayon sa kaugnayan nito sa mga bagay na kanyang dinidibuho.

Sa kabilang banda, kung inilagay niya ang kanyang sarili sa kanyang larawan, tiyak akong ang puwestong ipinapakita bilang kanyang posisyon ay hindi ang kanyang tunay na kinatatayuan.

Hul 2, 2012

Ang Silid na Puti

ni Charles Simic
aking salin*


Mahirap patunayan ang halata.
Mas pinipili ng nakararami
Ang kubli. Maging ako.
Pinakikinggan ko ang mga puno.

Mayroon silang lihim
At sandali na lamang bago
Ibunyag ito sa akin,
Nang kanilang binawi.

Dumating ang tag-init. Bawat puno
Sa aking kalsada'y may sariling
Scheherazade. Ang aking mga gabi,
Naging bahagi na ng kanilang mailap

Na kuwentuhan. At kami'y
Pumapasok sa mga madidilim na bahay,
Parami nang paraming madidilim na bahay,
Panay tahimik at pinabayaan.

May isang taong nakapikit
Sa isa sa mga matataas na palapag.
Dahil sa pag-iisip dito, dahil sa pagkamangha,
Hindi ako makatulog-tulog.

Hubad at malamig ang katotohanan,
Ang sabi ng babaeng
Palaging nakasuot ng puti.
Hindi siya gaanong lumalabas ng silid.

Itinuro ng araw ang isa o dalawang
Bagay na buong nakaligtas
Mula sa mahabang gabi,
Mga pinakasimpleng bagay,

Na mahirap patunayan sapagkat halata.
Hindi sila nag-iingay.
Iyon ang tipo ng araw
Na itinuturing na "tamang-tama."

Mga diyos na nagkukunwari
Bilang mga itim na aguhilya? Isang salamin?
Paynetang nakulangan ng isang ipin?
Hindi! Hindi ganito.

Basta ang mga bagay at kung paano ang mga ito,
Hindi kumukurap, walang kaimik-imik
Sa maliwanag na ilaw,
At ang mga punong naghihintay sa gabi.




NB: Nirebisa ang salin na ito pagkatapos kong mabasa ang adaptasyon ni Acuña.