Christmas may be understood the dawn of liberation. Masses of Jews knew it then only as a night marked by a great star. A very positive and more subtle celestial reincarnation of the Passover.
***
11:58 AM 12/13/01
I really miss blogging.
***
10:52 PM 12/17/01
Mahina ang makina ng Pasko ngayon. Hati ang pakiramdam ko rito. Sa isang banda, masaya ako at kahit paano nabawasan ang kalabisan ng Pasko. Sa kabila, malungkot ako at napapag-isip.
Naalala ko pa noon, pumunta ang Santo Papa sa Pinas. E lampas pa ng Bagong Taon yun! Kung hindi ako nagkakamali, paPebrero na yun e. Iyon na yata ang pinakamahabang Pasko na naranasan ko. Sawang-sawa ako sa mga ilaw sa Ayala at EDSA noon. Nakakasuya sa dila. Doon ko naunawaan na napapaloob ang Pasko sa mga kondisyon ng lipunan.
Hindi ito nakatakda na tila isang tala sa langit. Kung walang kahirapan, hindi mapapaaga ang paglusob ng mga nagka-caroling, ang pagprodus ng mga parol at mga paputok. Kung walang Santo Papa sa Pinas, hindi aabot sa Pebrero ang Pasko.
Pero kung walang pera, tulad ngayon, may kaltas rin sa ningas ng liwanag sa mga kalye , gusali at bahay. Kung magkaroon ng kapansin-pansin na kabawasan sa iuuwi na datong ng mga kapatid, magulang at kaibigan nating OFW, may deduksyon rin sa mga countdown, ingay at, siguro pero sana hindi, halakhakan.
Kaya't sa isang banda, sa totoo lang, inaalala ko rin ang katahimikan ng Paskong ito. Bagamat gusto ko sana ang ganitong Pasko, parang nalulungkot ako. Kasi alam ko na hindi naman talaga ganito ang tipong Pasko ng mga Pinoy. Para bang napilitan lang dahil sa sunod-sunod na dagok ng realidad sa ating mga indibidwal at kolektibong pamumuhay, kabuhayan, at buhay.
Para bang napagod tayo sa mga pinagdaanan natin nitong lilipas na taon. Walang kalatoy-latoy, walang gana. Walang gaanong dahilan para magdiwang.
Syempre, mas liligaya naman habang papalapit na ang kaarawan mismo ng Pasko. Siguro mas malamig nga lang ang pagtanggap sa ilang inaanak. At baka manlamig rin ng kaunti ang mga inaanak at kumare sa matatanggap na Pamasko. Pero may pagmamahal pa rin diyan, sigurado.
Hindi ko lang alam kung paano talaga tayo maaapektuhan ng tuloy-tuloy na Pasko. Malamang na walang gaanong maihahain sa Noche Buena ang mga sumasahod ng arawan at umaasa sa sistemang pakyaw. O, tulad ng nakagawian kapag piyesta, baka mangutang. Mas maraming handa ang mga regular. At mas maraming tutubuin ang mga usurero.
Gayumpaman, Pasko pa rin ito. Nawa'y pagpalain tayo. Sana, sa mas mahabang itatakbo ng panahon, ikabubuti natin ito bilang lahi. Sana may saysay lahat ito para sa atin.
Sana maging makahulugan ang Pasko ninyo at mapagpalaya ang Bagong Taon. :}
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento