Set 29, 2013

Nakarating na ba?

Malaman mo sanang kasya pa sa akin iyang damit. Tipong
ipaglalaban kong mauso kung hindi pa nauuso, kung

Hindi na talaga, e di manigas na lang ako dito
sa isip ng hangin, sa gilid ng iyong doon. Sa salamin

Hiyang iyang kulay. Bagay ha. Magara. Mukha kang maselan.

Set 22, 2013

Sapat ang puwersa ng paligid sa dingding

Dahil sakto ang nipis, katamtaman ang kalampag
kung saan hindi mapagtagni-tagni ang pahinga.

May sapat na loob sa rumaragasang labas
at dito, sa hayag na napagkayarian ng dagat

At ng mga kinukumutan ng amag. Mahal,
pakibalot na lang dito sa kap'rasong plastik

Ang mga laruang mapaghanap, silang inukit
sa minsang kahoy, binestidahan ng palara,

Umaasa pang makahuhulma ng pahiwatig.

Set 21, 2013

GENESIS: the Mareng Winnie Remix

for greed? Note, Reader,
personal knowledge of this)
Throat,” the supplier

This is the increase
the kind of hanky-panky
magnitudes. Start with

ago: The numbers
do with greed and abuse of
fascinating stories,

they reached for her whole
“soft” pork) came into being
it turns out, the “Deep

in, at least one-third
tighter, in the form of much
else. We’ve been hoodwinked

barrel ballooned to
stomach the situation.
tripled. Fast forward

also known as “hard”
branches were dividing
the assumed exchange

The good news is that
I will not be satisfied,
misinterpreted

Numbers can tell the
power: the servants of the
even greater, mind-

zero. There’s more to
outcry then (as there is now
monitoring, vetting

veto”—she vetoed
the importuning (I have
that sound familiar?

and the almost-end
is now called the Countrywide
Everybody had



____________________________________
*A story of greed and abuse of power

Set 18, 2013

Pagtatagpo

Dis-oras ng gabi

Tinatanaw ng mga matagal nang patay
Ang mga kamamatay lamang
Na naglalakad patungo sa kanila

Banayad ang tibok ng puso
Habang nagyayakapan ang mga patay
Silang matatagal nang patay
At silang mga kamamatay lamang
Na naglalakad patungo sa kanila

Nag-iiyakan sila at hinahagkan ang isa't isa
Ngayong muli silang nagkatagpo
Sa una at huling pagkakataon

Set 17, 2013

be confused with Serine, Sarrin,

colorless, odorless liquid, [4] used as
been classified as a weapon
is classified as a Schedule
following within one minute after
but do not receive immediate

damage. Contents [hide] 1 Production and
links Production and structure [edit
attached to the tetrahedral phosphorus
bond is easily broken by
agents, such as water and

racemic mixture—an equal mixture
the reaction to neutralize the
in situ by this same
endings in muscles from switching
involved in breathing function. Specifically

to relax. A build-up of
fibre, so that any nerve
is the leaving group, and
is robust and biologically inactive [10][11
life [edit source | edit beta]

owing mostly to impure precursors. [14
benefit of solving the stability
and increasing the safety of
munitions Effects and treatment [edit
turn into a gas) relative

Set 14, 2013

de Incendio

Kagaya sana ng iyo. Itong aking araw,
kung paano pinakalas ang boca de agua

Upang tastasin ang kapok sa puno, ipaanod
sa pwersa, ihain sa estero ang mapagpanggap:

Ulap daw, kesyo niyebe, luoy na crema de
usok, o pisat na nata sa agos ng aspalto.

Habang nauupos ang pahinga,
kinapanayam ko ang bato,
"ano bang kinakain mo't pagkahaba-haba ng

Iyong buhay?" Makatitig naman sa akin.
Alam nito kung saan ka nakatira.

Set 13, 2013

Office of the President

write with feelings of utmost disappointment,
desperateness, and extreme fear for; 1.0 PURPOSE 1.2
To enhance transparency and accountability in the release
to search in my mind if I ever came across her; upon us

by several unscrupulous individuals,
in cohorts with some "corrupt"
2.1.2 Funds shall be released directly to

the implementing agencies enumerated; hope

I am not turning senile but I don’t recall any incident
on a hospital arrest under the watchful eyes of not less; 3.1.2.2
In case of the House of Representatives, the Speaker and
Did I ever meet her? I can’t even say I ever said

exchange for the dropping of said false charges and bad media
for realignment shall be supported by the following:
4.3.1 Written request; came to the Palace,
I was trying to look at her

given to the youngest sister who will be left behind
in; reports in line with the Organizational Performance
Indicator Framework (OPIF). 5.2; be very honest with you,

comparing her to pictures of her
stature, it is clearly absurd for us to commit the crime

6.0 ACCOUNTABILITY
The implementing agencies shall be accountable for
the implementation; while: Is this really
the person that we were looking for?
the main reason for our success is because of the trust

7.0 REPEALING CLAUSE
All issuances that are inconsistent with this Circular; tried
to search in my mind if I ever came across; your parents strongly
opposed and fought against. We, therefore, respectfully request

8.0 SAVING CLAUSE
Cases not covered by the provisions of this
her. When I saw her when she came to the Palace,

the protection of our family. Thank you very much and

God; for appropriate action. 9.0 EFFECTIVITY
This circular shall take effect immediately.
doesn’t look familiar. In fact, I’ll be very honest with you



    ______________________________________________
[1] Letter from Napoles to Aquino, 17 April 2013
[2] National Budget Circular No. 537: Guidelines on the Release of Funds Chargeable Against the Priority Development Assistance Fund for FY 2012
[3] Noy Denies Jenny and President Aquino is now suspect

Set 12, 2013

Hindi Kasya sa Minsan ang Pagsuko

Istorya ito kapwa ng puso at daigdig.
Ang kaibigan ay isang bagay na hinuhulma

Upang may lalapit sa iyo, magpapakumpuni,
kesyo may nadispalko, may batang nabundol, at
bakit mabibilanggo kung hindi ikaw ang rehas?

Minsan ka na ring nanalig sa inyong lingkod,
sa mga taong uukit ng langit mula sa ulap
ayon sa hilatsa ng likod ng minsang kapatid.

Heto ang mga dasal: palad na nakasandig
sa palad, kamay na nakalapat sa sahig
o sa ere, o sariling nakatiklop sa kamay ng

Kaibigan;
tuwing may nagdarasal, may kumakapit sa patalim.

Set 8, 2013

Set.

Hindi porke iniisip kita,
may karapatan na ako sa iyo
o ikaw, sa akin, sa aking patutunguhan.

Kung pipisilin mo ang gabi,
wala nang nalalabing malambot
sa kanyang mga bahagi.

Maligayang bati,
bulong ng daigdig sa Maynila.

Isa na siyang bagay na hindi makakausap,
at hindi katangay-tangay na tila kandila,
at hindi mo dapat pinisil.

Set 3, 2013

Naturang sigla ng bulaklak sa paso

Nasabihan din ako, pabiro,
na pwedeng manirahan sa lungkot

na pansarili man ay mailalakong
panlipunan. Agad kong sineryoso,

gayong buo ang lipunan, dakila,
mandarambong at alta-sosyedad.

Sadyang mas bahag-hari ang limang
titik ng kasaysayan sa kahit sino

sa aking nuno o anak. Kay lalayo
sa bango ng embahada, sa walang-sawang

tigil-putukan. Dahil pwedeng kalakal
ang lungkot, pangkamal. Maikakasa.

Ikaw, nanamlay rin ang iyong kaibigan
sa proyekto, sa iyo bilang proyekto.

Tinimbang ka na at mukhang hindi tipong
manlilibre... Pero hindi ibig sabihing bagay

ang pasma ko sa pasma mo, kahit gaano
nagkakahawig ang ating mga guhit

na tila nananalaytay ang iyong pawis
sa aking salamin.

*

Halimbawang magsimula tayo sa
tamlay, pwede bang salitan sa pag-itsa

ng posporo? Hindi man sumindi ang lahat,
wala mang masunog sa tahanang milyones,

malay ba nila, magkatabi ba tayo
sa kada kaskas ng sakali sa akala.