Hul 10, 2025

Loratadine

Neglected to thank you,
truly. White and small.
I the mess, you who attended.
Fine powder, crushed between bare, soft

fingers. It’ll be a lifetime of
your lost gesture, the pill,
never having thanked you

enough. On my palm,
waiting for the wind to take them.

Hul 6, 2025

HAMOG NA LAMPIN: isang pagbasa sa “Tiyanak” ni Ron Atilano


Hindi pa nga ang tiyanak ang unang kumagat sa akin sa tulang ito kundi ang kanyang kakaibang kuna: “naliligid ng anino ng nag-usling guho,/ tila kunang hatid ng buwan.” Kuna ito ngunit hindi. Matinding presensya (usli-usli at nakapaligid) pero patong-patong ding kawalan (o pagkakait), sapagkat anino ng guho. May tensyon ang nakahihimbing na mahika ng “tila kunang hatid ng buwan” sa kawasakan at pananakot ng mga naunang linya rito. Mauulit ang ganitong kilos ng tula, mga kahindik-hindik na eksena na aaluin ng linyang halos pang-fairy tale at hindi pang-horror story.

Dahil na rin sa “guho,” nahirapan akong iwasan ang pagbasa rito ng kasalukuyang pamumuksang-lahi sa Gaza. Kung sa ganitong lente babasahin, maraming interesanteng tanong ang uusbong: Sino o ano ang tiyanak? Buhay ba ito o hindi? Alaala? Damdamin? Balita? Kaaway ba ito? Nino? Bakit? Tila aandar ang tula tungo sa iba’t ibang direksyon depende kung paano mo lalamnan ang kuna, kung sino o ano iyong nais bihisan ng “hamog na lampin”.

Paano naman ang “siya” na nagpapadede rito? Bakit kaya hindi tahasang binanggit kung nanay? At kung sakaling hindi siya ang ina, kaano-ano? Bukal ba sa loob o hindi ang pagpapasipsip ng “kaniyang dugo’t puso”? Bakit “walang oyayi, walang pangalan”? Bakit hinayaan tayo sa kagimbal-gimbal na bungisngis, sa berdeng lungad, sa tulog na halos hindi tulog “habang kumikindat-kindat”?

Bukas na bukas ang tulang ito pero lahat ng landas para sa akin ay patungong Gaza, sa kung ano ang ginagawa nito sa atin. Gaano na tayo ka-pamilyar sa maramihan at pang-araw-araw na pamamaslang ng sanggol at kakailanganin pa itong i-defamiliarize? Ano ang implikasyon sakaling sakyan natin ang katuwiran ng tula at ituring na “multong talang nahuhulog” ang mga bomba?

Mukhang ganito nga ang tulang ito para sa akin: tulog na hindi, tatahan, manggigising, tatahan, manggigising. Kahit “walang oyayi” batid natin ang karahasan sa tradisyon ng oyayi: sanggol na mahuhulog sa puno, batang ibebenta pagdating sa bayan, batang kung hindi matutulog ay iiwan sa putikan.

Hindi pa ako tapos sa tulang ito ni Ron. Nais ko pa ring unawain kung paano’t ganito ito kalambing. Samantala, gumagalaw pa rin ito, ngayon mismo—bilang pahiwatig, bilang patuloy na kaganapan, bilang di magkasundo-sundong pares ng mga mata—habang sinusubukan kong isulat. Walang talab ang ano mang pagtatangkang gupitin ang “buhol-buhol nitong pusod.” Sadyang ayaw magpahele.

KARATULA

Alas dos na rin iyon ng madaling araw
Baka daw may mapunit nang wala sa oras
Wala ring titigil
walang oyayi, walang pangalan

E matapang ka lang naman dahil mayroon kang pangil
ng karayom sa braso
you can hear your blood flow

Scars whisper themselves shut
Saad ng karatula
Ingatan

__________________________
cento mula sa mga linya sa Mountain Beacon nina Nichael Lumakang Conje, Pinky Aguinaldo, Tofi Alonte, Ron Atilano, Steven Claude Tubo, Lorelyn Arevalo, Homer B. Novicio, April Bewell, Pauline Jean, at Francis Rey Arias MonteseƱa

Hun 23, 2025

Normal ang mga baldado at ulila

—Sapat sana ang dala ng mga trak para sa apat na buwan ng pagkain, tubig, at gamot. Trak-trak, ilang milya lamang ang layo, at handa pang mas ilapit sa mga gutom at may sakit! Sa halip, pinalalakad ang mga namatayan ng ilang oras tungo sa mga siksikang pila upang kuyugin ng mga tangke. 
—At tataas ang ating krudo. May bago ka bang sasabihin? 
—Araw-araw tayong pinaniniwala sa kasamaan ng tao. 
—May nagbago ba sa iyo? 
—Dati na bang presinto ang asul na tala? 
—Kung apektado ang bilihin, e di lalong kakayod. So bakit aksaya ka sa oras? 
—Paano kung ito talaga tayo? Bigyan mo ng baril, babarilin ang aso. Bigyan mo ng bomba… 
—Subukan mo kayang huwag mandamay. 
—Na ito tayo. Manalig ka, ito talaga tayo. 
—Kung may mapapainom lang sana sa iyo. Cobra o pills. 
—Pinagpala siya, ang hindi nakikiupo sa sofa ng mga pahamak. 
—Kung ramdam mo lang ang pamimigat ng iyong mga hita sa mga biyaya… 
—Kay linis na puti, anim na tilos na kay bubughaw. 
 —Hindi ka lang tinitiis dito ha? Minamahal ka. Tatak ang mukha mo sa unan namin. 
—Kakulay ng payapang langit ang sagisag ng alambreng tinik. 
—Maging magiliw ka naman! Nadadownload ‘yan. Matutong magpasalamat. 
—Ang sigaw sa batang mabagal kumain, “hoy, sa Gaza nagugutom ang mga tao.” 
—Sa Gaza, patibong sa bata ang de lata. Granadang easy open can ang Diyos. 
—Handang-handang ilapit sa gutom, uhaw, at may kapansanan.

Hun 22, 2025

Fifteen Trillion Pesos

Since 1972, Martial Law has been a sweet choice for top families and it’s no surprise why. We’re all about three things: grand parties, blood-free memories, and the bottom line! FM’s dream was to create a country where his elite could enjoy world-class catering, jewelry, art, and a simple pair of shoes every now and then. Today, the name’s still serving up good vibes.

We’re not stuck in the past though, we’ve evolved while staying true to our roots! BBM believes in timeless joys with family like attending concerts, watching F1 grand prix, and plunging the Philippines in greater and greater depths of indebtedness.

No, we’re not just about nostalgia, we’re all about enriching 2025 with each other. The future looks bright, brimming with excitement, and deeply hungry for fun, 20-peso rice, and the promise of this 274-billion-dollar experience! Brace yourself for interesting times and ecstatic memories right here in the Philippines!

Payload

We have completed our very successful attack on the Aid Distribution sites in Gaza, including Tel al-Sultan, Khan Younis, Wadi Gaza, and Morag Area. Our forces are firing on crowds, near Gaza Humanitarian Foundation areas. Example, we fired WARNING SHOTS on the primary hub, Tel al-Sultan, reducing need for aid. Tanks are safely on their way home. Congratulations to the elderly, disabled, and Northern Gaza residents. There is not another foundation in the World as humanitarian as this. NOW IS THE TIME FOR THE MOST VULNERABLE GROUPS! Thank you for biometric checks and militarized zones.

Canis Lupus Fidelis

Iyan ang pamagat ng blog mo noong college pa tayo at bago pa ang mga blogs. Noong tumanda ka nang kaunti, nagka-lupus ang kaibigan nating kagaya mong nag-Palanca (sanaysay ka, kuwentong pambata siya). Ilang taon lamang at mababawian siya ng buhay. Maya-maya, nanay mo naman at lupus din. Hindi natin inakalang mauuna ka pa at ang kanser mo. Hindi ko alam kung uso sa iyo ang langit pero alam ko okay lang naman kapag wala na at kausap pa rin. Ginulat ka ba at may langit nga? May wifi ba at nakita mo ang pa-Happy Birthday in Heaven ng nanay mo na Optimus Prime ang tema at may caption na to my knight, my protector? Nagbago na ba ang ugali ng tatay mo? Nakalis na kaya ang lahat ng collectibles mo na sinimulan mong ibenta noong pandemya at tinamaan ng lintik ang iyong trabaho? E si... kinasal na kaya sa iba? Nag-step-up ba ang mga kapatid mo at kailangan pa rin ba ng proteksyon ng nanay mo? Nabalikan mo ba ang iconic na hairstyle mo noong college pa tayo, ang buffalo horns? Puwede ka pa rin bang mag-itim kung ang lapit-lapit ng mga ulap sa araw?