Abr 14, 2016

Faculty—won't


Hot Flashes

A body that absorbs anger. Like your trick with one tongue and these pits between fingers. Must warn you, I’ve been known to see bosses. That was slick, but how could you? In my sleep sometimes, though not yet in such a manner that halves the table in the morning. In that hour of keeping it together. Tight-knit a compound we’ve preferred for far too long, slipping it up past speakeasy. Thank you, you know, that was decent of you, and decent’s been lucking out of the charts these past few, no toeholds for the prim. Saw them walking by the play yard and they had no stakes there, but they—this is nothing pure, more so because I’ve been wishing for pure, and that alone taints it and believe, several others sulk deep into that corner, but let me tell you, they had this lockstep that charmed the checkers off me, two orchestrated masses of tissue that I prayed would fall forever in love into each other’s collars, with no hope of return—they’d been laughing, most probably a shared derision, “look at that piece of, standing there like he means something,” but no I can’t. Saw to that.

Creative—avoiding

Abr 13, 2016

In which it was said go away and okay, sure, but your name dragged to condolences, permit revoked for your thigh on the asphalt

Takes a rare soul to perceive the do not disturb sign for what it is; take maybe not for an answer, respect the unrespected. Management these days, like you wouldn’t believe, they’re so into congregating and taking a bath, something they call cellophane among themselves... so glad you’re out of this, and on a first name basis too, congrats.  Couldn’t find the ax by the way; rake’s still here though—let’s light this more often, no? They’ve graduated from discussions of which curtain and why oh that looks super on the suspended waste that remains a balcony over your marriage to oh wow they’re not so chummy in Singapore yeah yeah huh I cabbed to KL and here’s what’s left of my key, keep it, might as well know why they sent me. In exchange for what? We need to interact; we need to diversify; we need ta innernationalize. Exchange for whom? It’s 21st century, 22nd century, the sets should mind, shifts ought paradigm, rooms ought swell, the disgraced allowed their hour in the diamond, the upper middles, won’t you rub knees together because that’s the thing: really, it’s your guilt, you do something about it, right? (a) We set the table for you, (b) we commoned your enemies with feelings, and (c) we flew in some snacks. No.

berdeng mata 5 0 0 0

malaki-laki sana kung naging espesyalista sa matapobre
back-to-back ang day-off namin at ng ibang sekretarya

balahura silang amiga at ipokritong ipis ngunit ikaw ang humarap
kung umiiral daw ba ang inggit, tanong ng tagalatag ng baldosa

ugaliing ipain ang mga bibig na nakahihigit sa iyo, di hamak
madudulas na gulugod, ilong na maganda

malilinis na ipin, tsikador ng front desk, aapakan mo rin kami

kay bubutog ng mga ugat nang sinumbatan at tinaboy pa-klinika
bulaan ang anumang awa / sakripisyo mo mukha mo

Abr 9, 2016

Once—met


30th Competition of Directories (2F Highway Gallery)

1. Pull out all sheets of a temporary yet sturdy personnel

2. Prohibit times chaotic and gyrating

3. Disband and disarm a pun evocative of the internal

4. Indemnify and ensure the safe return of a force familiar to inhabitants

5. Secure, transform them into places

6. Arrest and prosecute all moments of introspection

7. Stop Weapon and Tactics (SWAT)

8. Drop also a pedagogical toy for each detainee

9. Revoke residency at Akademie Solitude

10. Remove Evangelist and pregnant women

Ikalawang Sipi: “Mataas na ang Araw” ni Faye Cura

Bukod sa natalakay tungkol sa unang mga bahagi ng tula, tandaan din natin na bumaba ang sipat ng persona mula sa araw tungo sa kanyang mga paa. Langit, lupa. Papansinin ang pagtutok ng titig sa siping ito. Nasa ikatlong saknong na tayo—

          Napag-iwanan na ako
          sa paglalakad
          ng asawa ko’t mga anak.

Ating pahalagahan ang pagpili ng salitang "Napag-iwanan". Maaaring simple itong pagpapahaba ng "naiiwanan". Maaari ring may ihinabilin na kung ano. Kadalasang tumutuloy ang linyang ganito sa "Napag-iwanan na ako ng panahon". Ngunit buong mag-anak ng persona ang nauuna (o tila mas tama: umuna na). May lakad pa sila, ibang lugar, ibang antas ng pagkatao, bagong moralidad. Baligtad naman kung ayon sa pagkakalatag ng mga salita. Nauuna ang ako at sa ikatlong linya pa lamang "makakahabol" ang asawa at mga anak (at ang "ko't" na tila nagpupumilit ipagsiksikan ang sarili sa pagitan).

Sa salaysay ng asawa ni Lot, maituturing na ekstensyon ang titig ng saloobin, ng lunggati. Gagamitin ito upang ipuwesto ang sarili sa unahan. Siya ring magiging paraan ng pagpapahuli, ng pagpirmi. Nagkataon namang itong-ito rin ang ginagamit ng mambabasa para sa ganitong mga uri ng tula, isang titig na umuusad linya por linya habang nagbabaliktanaw sa sinaunang panitikan, sa sermon ng pari o aral ng pastor. Ano nga ba ang nangyari sa asawa ni Lot? Hindi ba 'yun yung naging asin? At sa pamamagitan ng tula'y binabalikan natin ang isang panunumbalik. Ngunit bago ang lahat (o dahil sa lahat ng ito), tila babasahin ng "napag-iwanan" ang asawa—

          Pinagmasdan ko ang nakahukot
          na likod ni Lot,
          ang kulubot niyang mga kamay
          na nakaasa sa tungkod.

Matanda na rin si Lot, maaaring mas matanda pa sa kanyang asawa, ngunit siya ang sentral at nangunguna. Dahil sa patriyarkiya? Dahil siya ang kausap ng mga anghel? Sa tula, maaaring dahil si Lot ang may "katuwang"—at hindi ito ang kanyang asawa. Hindi katabi o kausap ang asawa kundi isang "pinag-iiwanan" ng hubog ng likod. Bubuuin ang larawang ito ng mga anak na babae—

          Pinagmasdan ko sa kanyang tabi
          ang dalawa naming birhen:
          ang katawan nilang hugis upo
          at ang buhok nilang sumasayaw
          sa hanging tinutuyo
          ng apoy at asupre.

Pagkatapos ng prusisyon ng mga tuyong bagay (buhangin, asin, kulubot) biglang sasayaw ang presensiya ng "sariwa", ngunit saglit lang ito, tatlong linya kung saan naghugis-upo—tubig sa gitna ng disyerto! malikmata!—ang mga anak ng inang magiging (o nagiging) asin. Tila lalaki lamang ang nananatiling tao sa kaayusang ito, pinaghahainan sa halip na inihahahain.

          Tumingin ako sa malayo.

Marahil hindi ito katanggap-tanggap sa persona. Mula sa tuyo, tutuloy ang mga linya sa init mismo, ang pinagmumulan ng init na hindi maaaring titigan. Kung ayaw ng tao ang nakikita sa kanyang harapan at kung iniiwasan din niyang lumingon pabalik, kakailanganin ang lalo pang pag-usad ng titig. Lalaktaw ito sa panahon—

          Nang masilayan ko roon ang bundok
          na binabalak tuluyan
          mamayang gabi,

Kaninong balak? Sa Genesis 19: 17-22, nabuo ang planong ito habang nakikipagtawaran si Lot kay Yahweh hinggil sa layo ng kanyang kailangang lakarin para takasan ang makasalanang lungsod. Samakatuwid, negosasyon ito ng langit at lupa. Sa isang banda, maaaring sabihing etsa puwera sa planong ito ang asawa ni Lot. Maaari ring isiping bahagi mismo nitong plano ang pag-eetsa puwera. Bahagi ang asawa ni Lot ng nakalipas (at pinalilipas) na mga lungsod.

Ano mang kalabasan ng usapan ng Diyos at tao, hindi siya kabilang sa mga napiling magpatuloy. Dahil hindi na siya para magpatuloy pa sa pagbagtas ng espasyo (umpisa pa lang ay markado na ng asin ang kanyang mga paa), sinisikap niyang ipagpatuloy ang pag-iral sa pamamagitan ng sipat.

Ganito rin yata ang ginagawa ng mambabasa. Narito ang mga huling saknong na tatalakayin sa ikatlong anotasyon—

          aking natanto:
          sa dilim ng kuweba,
          lalanguin nila ang kanilang ama
          at tatabihan.

          Saka ako lumingon sa tahanang iniwan.

Abr 6, 2016

Blockade mga Diwata

Kumunsulta

Nagpaseroks

Humiwa

Nag-remove

Humigop

Kinamay

Hinalikan

Nabulungan

Kinulob