Ene 28, 2002

Heto ako, tinetsek ang mga link at download time ng mga support page ko sa blog na ito. Para tuloy ito pang blog ang support page! Di bale. Kung may link kayo na palagay nyo e mali, sana ireport nyo sa akin kahit sa guestbook o sa e-mail! Huwag nyong alalahanin na mapahiya ako. Makapal naman ang balat ko e! Kung may ibang bagay pa na wala sa lugar, maging totoo man o sa palagay o world-view nyo, oks lang, pakisabi na rin! Okidoki?

Nga pala, di ko na nilagyan ng link yung mga salita tulad ng page, guestbook, at e-mail para matesting nyo na rin yung mga bagong link sa saydbar nito! Hehe! Andyan lang yan! Me surpresa pa ako sa baba nuon, resipi! Insentiv yun! Me rekwes ba kayo para sa susunod na updeyt, baka sa susunod na buwan?