Ene 14, 2002

Muli, hinggil sa "mga Bulaklak ng Bukang-Liwayway"

For a time I kept recalling the vegetables and fruits I ate as a child in my old home: caltrops, horse-beans, water bamboo shoots, musk-melons. So succulent, so delicious were they all that they beguiled me into longing for my old home.

-Lu Hsun


Mahilig rin pala sa tsibog itong si Lu Hsun. Sa halimbawang ito, halata ang estilong payak ni Lu Hsun (1881-1936) sa kanyang mga sanaysay na inipon sa "Dawn Blossoms Plucked at Dusk". Sobrang payak na aakalain minsan na hindi malalim ang sinisisid ng utak niya. Pero sa totoo, simple at nakakaengganyo lang talaga kasi ang mosyon ng kanyang paglangoy sa mundo ng gunita.

Mahalagang aspeto ng kanyang panunulat ang paggamit sa iba't ibang pandamdam. Dahil na rin sa mga karakteristik ng panahon niya, hindi pa gaanong biswal ang oryentasyon. Maraming ingay, katahimikan, amoy, panlasa, at pakiramdam na tila natatabunan at nawawala sa mga sulating kontemporaryo. Mata na lang ba ang natira sa tao? Sa kanya, hindi. Tila ba buong pagkatao niya ay nakatuon sa mga bagay na inilalahad at pinupuna niya.

Mahalagang maiugnay si Lu Hsun sa kanyang lugar at panahon na ginagalawan. Promdi sya na naging man of the world. Manlalakbay siya sa mga rural at urban na mga bayan-bayan ng Tsina at, nang tumagal, maging ng mundo. Dahil sa kanyang pagka-iskolar, hindi siya napipirmi sa isang lugar. Makikita naman sa petsa ng kanyang buhay na naroon siya sa pamumukadkad ng mga bagong realisasyong pulitikal sa Tsina. Namamaho na ang mga abuso ng pamahalaang Manchu.

Ngunit nanatili ang kanyang estilo sa panunulat na magsisimula sa personal ngunit laging may kaugnayan sa mga nangyayari sa paligid. Hindi pilit ang pag-ugnay. Minsan, sobrang maayos ang pagkakahabi, hindi mo na mapapansin na may kakaibang komentaryo pla si Lu Hsun na makokonsiderang matapang para sa mga panahong iyon. Sobrang kalmado kasi ang pagbitaw.

Aakalain mo sa una, isa lang siyang matandang iskolar na nagbabalik-tanaw. Ngunit, hindi man lantad, maging ang pagbabalik-tanaw na ito ay lubusang nakatuon sa pagsulong ng tao bilang indibidwal at kolektibo sa hinaharap.

Later, tasting these things again after a protracted absence, I found them nothing special. It was only in retrospect that they retained their old flavour. They may keep on deceiving me my whole life long, making my thoughts turn constantly to the past.

-Lu Hsun

Walang komento: