Peb 27, 2002

PAMBUNGAD SA PANAGBENGA 2002

Panagbenga ang taguri sa isang linggong pagdiriwang ng mga taga-lungsod Baguio sa pamumukadkad ng mga bulaklak. Nagsimula ito nuong Pebrero 22 at magtatapos sa Marso 3.

Nasaksihan ko, sa unang pagkakataon ang pagpapasinaya sa ganitong pagdiriwang. Busog na busog ang mga mata ng manonood! Kasingmakulay ng sari-saring talulot ng Baguio ang mga kasuotan ng mga kalahok sa parada nuong unang araw.

May mga bulaklak sa mga kasuotan, instrumento at katawan ng mga manunugtog at mananayaw. Syempre, may disenyo ng bulaklak maging sa mga mukha nila. Para bang hindi pa sapat ang rosy cheeks ng mga Baguio para sa ganuong pagdiriwang!

Tuwang-tuwa ako, sasabihin ko na rin kung hindi pa halata. Matindi ang sabayang sayawan, alam mong praktisado pero hindi lumabas na pilit! Bigay-todo ang mga mananayaw sa isang komyunal na pagpapakita ng gilas at pagpaparamdam ng init at paghahatid ng dinamismo sa mapagbunying masang manonood.

Aktibo ang mga organisador at kalahok. Halatang bukal sa puso nila ang paghanda at paghain ng presentasyon para sa madla. Sila ang kaluluwa na nagpapakilos sa estetik ng Baguio. Kaugnay ng lamig, simoy, tunog, at mga talulot ang mga mamamayan mismo na yaman ng lungsod at tunay na maipagmamalaki.

May mga tambol, lira, plawta, klarinet, trumpeta at iba pang instrumentong pangmusika. Sari-sari ang pinapatugtog. Narinig ko ang palasak na Angelina, Superman, at ilang klasikal na piyesa tulad ng William Tell Overture (na mas sosyal na taguri sa mas kilala natin bilang tema ng Long Ranger).

Paborito ko sa lahat ang tema mismo ng Panagbenga. Isa itong simpleng piyesa, mapag-isip ngunit sigurado. Anumang grupo ang tumugtog at umindak sa tonong ito, gayon pa rin ang dating sa akin.

Maligayang pagdating sa mga bulaklak ng Baguio. Maligayang pagdating rin sa mga banyagang turista ang lungsod. Sana hindi masiphayo ang ganda, halimuyak, at kulay ng mga bulaklak bago ito masaksihan, maamoy, at maranasan ng kanilang mga kababayan.

At para naman sa aking mga kababayan, sana makilala ang mga ponsetya, rosas at iba pang bulaklak bilang mga biyayang karapat-dapat lamang linangin, kalingain, bantayan, at mahalin.

***

PANAGBENGA THEME

I read "Let a thousand flowers bloom" written across some city banners and floats. I wonder if the officials always used the Chinese proverb for the feast. Or knew the history of such a statement.

Even now home and mired once more in work and other briefly forgotten life-long rituals, the theme of the Panagbenga is still playing in my head.

I know I'll forget it eventually. I'll leave it somewhere back in the unaccounted-for recesses of my mind to remember only when I hear it again. Or when some tune or march rises from the background resembling its strains.

Upon hearing it then, I wish I had such aptitude or at least a functional memory for musical pieces.

To most people, probably even some natives, it may seem like just another marching tune. To me however, the overreading fool that I am, it seemed so somber yet resolute. By somber, I mean not the "dispiriting" variant. I mean "dignified."

I hear through it the march of a victorious host arriving from the completion of a skirmish. Or a great war. It rises from battlefield with heads proud yet held low. Because before rising, some of its beloved number fell.

Very morose, mournful even. But steadfast and strong in cadence, as if knowing, feeling and proclaiming the end of a righteous indignation, a sated cause. As if discovering and revealing some natural truth or poetic justice everybody knew existed yet no one ventured to prove or bring to some fated conclusion.

As if gazing upon the great loss left behind. As if conferring upon casualty the valor it has earned. As if affirming the meaning of the deaths.

The host rises from its own ashes. The flowers bloom again despite the despite struggle with time and civilization. And although each cycle knows a petal or two less, the proud stems assert the beauty of the bloom.

Walang komento: