I'm very happy! For those who failed to catch some episodes of HBO's astounding military moving portrait, Band of Brothers, clear your calendars on the nights of March 14 and 15. One word for the followers of the brethren:
Marathon.
Enough said.
Should you doubt my mindless raving, watch it. Just the first episode! Let's see if you get to sleep the night. (",) Pack up on the chips, sodas, and beers! Good luck for those reviewing for exams!
***
UKAY-UKAY
Nagsimula ang Panagbenga nuong 1996. Isa itong hakbang upang maiahon ang industriyang turismo sa Baguio na humupa nang husto dala ng lindol nuong 1991. Ngayon, anim na taon ang nakalipas, tuloy-tuloy pa rin ang pag-akit ng pista ng pamumukadkad sa mga kababayan at turista.
Isang katangian ng Baguio ang ukay-ukay. Kumakalat ang mga tolda nito hanggang liwasang Burnham sa kapanahunan ng Panagbenga. Hindi maitatatwa na isa itong malaking panghatak sa mga kababayan sa ibaba na natutuwang umakyat ng Baguio hindi lamang upang magpahinga at magsuroy-suroy kundi upang makabili rin at makabargeyn. Sa ilang beses naming tumingin sa mga emporyo ng ukay-ukay, hindi nawawalan ng tao. Abalang-abala ang mga manininda.
Ayon sa mga napagtanungan ko, tinawag itong ukay-ukay dahil dati, itinatambak lamang ng mga manininda ang lahat ng trahe sa isang lugar at duon naghuhukay-hukay ang mga tao upang hanapin ang tipo nilang damit at kilatisin ang mga ito kung marumi o may depekto. Maaring gamitin ang mga depektong para mabawasan sa presyo kung marunong ka sa laro ng tawaran.
Halo-halo na ang mga damit ruon. May mga segunda mano ala Eloy's, may mga surplus at bago! Karamihan ng mga damit duon e inaangkat sa ibang bansa, halimbawa sa Hongkong, nakalagay sa malalaking kahon na kung tawagin e "bale." Bagsakan ang Baguio dahil duon may market para sa mga surplus na panlamig, mga jaket, sweater, mga shirt na mahahabang manggas at mga polong may mabibigat na kwelyo. Mga materyales pa e tipong velvet at fur!
Tinatawag rin itong wagwagan. May isa nga ruong maliit na sinehan na ginawang wagwagan. Hindi pa tinanggal yung dating signboard, yung may "Now Showing" at may mga flourescent light sa likod? Tapos sinisingit yung mga letra? Akala namin tuloy kung ano yung "pelikulang" wagwagan! Kinky kaya?
Wagwagan daw dahil sinasabit raw dati yung mga damit sa mga sampayan at duon nakawagwag (parang nakabanderang watawat). Sabi naman ng iba, dahil raw marumi kaya kailangan pang iwagwag (kawangis ng salitang Tagalog na "pagpag"). Dahil sa aking linggwistik na kakulangan, tinanggap ko na lang pareho.
Sa totoo lang, meron pa talaga sa mga mas matataas at liblib na bahagi. Iyon ang sinasabing tunay na wagwagan. Sa mga bundok na iyon, makakakuha ka ng bago-bagong blusa sa
Sa tawaran naman, tamdaang mabuti na hindi gaanong maangas. Mas maganda kung huwag mong ipahalata na gustong-gusto mo yung trasa ng hawak mo. Pero minsan din, matutunaw ang puso ng tindera kapag sobrang parang mamamatay ka kapag hindi ka pinagbigyan tapos wala ka nang pamasahe sa Maynila kaya parang awa na nila, patawarin ka na nila!!! Pero minsan mas OK na magkunwaring taga-Baguio. Malaking plus kung marunong kang mag-Ilocano!
Ewan ko pero parang mas madaling tumawad sa mga lalaking nagbebenta. Siguro wala talagang tiyaga sa ganuon! Mukhang yamot na yamot e. Masyadong sabik makabenta!
Kanya-kanyang diskarte. Nagamit ko yata lahat ng iyan kaya marami akong naiuwi para sa mga kapamilya. Pati mga babae naibili ko! At natuwa sila ha. Alam ko naman ang mga iyon kapag namemeke! OK na OK. Yung isa nga sinuot na kaagad pamasok e, pinagpag na lang!
Isang kontrobersyal na isyu ang ukay-ukay. Sa ngayon, pinag-uusapan na ipagbawal iyon. Pinangungunahan ito ng magiting na ekonomista nating si Pangulong GMA. Sagot ng mga taga-Baguio? E bakit kamakailan lang, namataan ang isang nagngangalang Luli Macapagal-Arroyo, ang dakilang eredera, na namili sa ukay-ukay ng Baguio? Kuntodo gwardya pa! At syempre may pruweba ang mga fans. Nagkuhanan sila ng litrato kasama si Luli, bakgrawnd ang hile-hilerang mga damit! Nasa wallet pa nila ang kopya nun!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento