Mar 12, 2002

Konek at Kabit(e)

Hay naku! Napakahirap magkonek sa mga panahong ito. Pakiramdam ko naman, mga estudyante lang ang mga kaagaw ko sa server sa ganitong dis-oras ng gabi! Wala bang mga eksamen at papel na pinaghahandaan? Hehe, oks lang, mas marami, mas masaya!

Ako nga rin e, hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko rito ngayon. Marami pa akong dapat gawin.

Kagagaling ko lang sa Cavite kung saan mainit ang pagtanggap ng mag-anak ni Monica at ang mga kaibigan niyang sina Ria, Chie, at Grace. Kasama ko si Eugene, syempre at wala na akong sasabihin tungkol sa kanila ni Ria. Baka mabati pa.

Kumanta kami ng Father and Son ni Yuj. Sana talaga uminom ako para may palusot ako sa aking, uh, deklamasyon.

OK yung jigsaw puzzle sa bahay-Morales! Sobrang hirap.

Enwey masaya talaga ako duon sa Cavite. Medyo nakahinga ng malalalim-lalim. At nakapag-isip-isip rin. Medyo manipis kaming nakalampas sa matinding aksidente sa South Superhighway. Yung kasama naming sasakyan ang natamaan. Nawala lahat ng ngiti ko nuon e. Medyo trauma pa ako kaya di ko na dedetalyehin. Sa pagkakaalam ko, nabugbog lang kami ng kaunti. Sana maganda ang resulta ng eksameng medikal!

Sa ngayon, galit muna ako sa mga tsuper ng bus. Lalo na sa Jacliner na kumabit sa Vanette ng mga kamag-anak ni Mon. May mga matatanda at bata ruon! GrabeAlam ko namang may matitino riyan e. Kaso minsan isang bagay na ganuon ang nakakasira sa mabuting pangalan ng nakakarami.

Minsan astang maton kasi talaga e. Sana managot kayo. Kalaki-laki na nga e maghihit-and-run pa! May laman pang pasahero, sasagasain pa yung barikada sa toll gate para makatakas! Nyeta.

***

Salamat sa lahat ng mga bumati kay Monica. Galing sa kanya iyon, taus-puso. Heto nga't ipinadidikta sa akin isa-isa! Sa mga nagpadala ng SMS, maraming salamat sa pagwaldas ng load para sa kanya. Ikinalulungkot ng blooming na babae na hindi siya makatugon dahil nga naubos ang load niya duon sa aksidenteng nangyari nuong pauwi kami mula sa Cavite, Linggo ng gabi.

Pero labs na labs nya raw kayo. At ako na rin daw, pansamantala, hangga't may blag ako na mapagdadaanan ng mga babati sa kanya! (",) Hehe.

Hanep sa segwey pero syempre kelangan magpatuloy sa buhay di ba? Maligayang bati muli sa Iyo kung sino ka man Monica. (",) Balik raw kami ni Eugene sa inyo!

Pero ano kaya? Komyut tayo pauwi? Huwag lang sa Jacliner! Please lang! Kahit pa malamig ang aircon nila, mainit na dugo ko ruon!

***

Nga pala, astig ring kumabit ang mga daily dose ni Kianna! Paborito ko ang "dosage" na preskripsyon niya kay Ate Glo at sa Baby Mikey nito. Medyo mabaho nga lang, pero, tamang-tama ang timpla para sa akin! (",)

Walang komento: