Mar 16, 2002

Marso A-kinse

Kaytamis ng ating samahan sa lungkot at kaligayahan... - The Dawn

Nakadahupang-palad (at nakakiskisang-siko!) ko muli ang ilan sa aking mga kaibigan. Tulad naman ng inasahan ko, dala ng kanya-kanyang iskedyul, kanya-kanyang landas, at kanya-kanyang paraan ng pamumuhay, hindi naging matagal ang pagsasama.

Nahuli ang karamihan at napaaga ang pag-uwi ng lahat. Ngunit para sa akin, medyo mababaw ang kaligayahan, malaking bagay na sa akin ang maliit na panahon ng aming pagkikita-kita.

Simpleng pagsasalu-salo lamang at kumustahan ng mga dating magkakakilala. Sa totoo lang, hindi ko rin naman inaasahang lumaki ng ganuon ang magkikita-kita e. Kukunin ko lang naman kay Paul ang mga litrato namin sa Baguio!

Ngunit ngayon, medyo maligaya ako. Iba talaga ang linggong tinatapos sa piling ng mga kaibigan.

Maraming salamat Monica, Carol, Ivy, Blue, Jerico at Pauline.

Salamat, at tayo'y nagkasamang muli. Salamat, at may munting nakalaan sa kaunting kasiyahan. - The Dawn

***

Nga pala, maligayang bati Malyn! Kumusta libro? Ate Mon, naibigay mo? Kumusta thermos?