Mar 25, 2002

Pterygium

You're not the only one, staring at the sun.
-U2

Simula ngayong araw na ito, magsusuot na ako ng shades.

Kauuwi lang ng ate ko galing sa kanyang imersyon sa isang komunidad sa Batangas, isang kahilingan bago makapagtapos ng medisina sa Peyups. O sige na nga, maraming benepisyo ang pagkakaroon ng ateng nagdudoktor. Isa e minsan pakiramdam ko napakarami kong sakit at bawal kainin.

Kagabi, pinagsabihan niya akong bawal sa akin ang ultraviolet rays ng araw. Pwede raw akong magka-pterygium. Alam ko kung ano iyon dahil ineksplika sa akin ng mga nars sa trabaho, nagkakaroon ang tao ng ekstrang laman sa mata. Madali-dali namang tanggalin (kumpara naman sa katarata o glaucoma) at minor na ehersisyong surhikal lamang ito para sa mga espesyalista.

Ayon sa karanasan nila sa mga misyong medikal, kadalasan itong natatagpuan sa mga mata ng magsasaka at mangingisda, mga kapatid nating babad sa araw. Kaya ang tawag ko ruon e kalyo sa mata.

Hindi naman ako lunod sa araw sa palagay ko at hindi talaga ako mahilig mag-shades. Pero simula ngayong araw na ito, ikonsidera ko na raw na may allergy ako sa araw. OK lang. May kapareha na ang migraine ko na tinatawag nilang sakit ng sosi.

Simula ngayon, magsususuot na ako ng shades.

Penitensya

Wow, tatlong posibilidad na umakyat sa Baguio ngayong Semana Santa - Astrid, Carol at Monica. Pero malabo na yata e. Salamat na lang uli! Dito na lang ako sa bahay para ma-update ko yung mga links ko, dami ko nang idaragdag e! Wow, hayop sa pinagpilian a, links page o Baguio. Links na lang, sabihin na lang dito sa bahay e nagmumukhang Baguio na ako. (Mukhang peanut brittle naman kayo! Hehe.)

Atsaka walang tubig ngayon sa Baguio e! Hehe, hello Pauline, sakaling mabas mo ito, sana di kayo mawalan ng tubig. Malamang dito na lang ako magpa-flagellantes sa bahay. OK dito sa amin sa Guadalupe e, yung mga tomador hinahampas yung sarili sa likod. Tapos yung ibang tomador na dadaanan nila bubuhusan pa ng alkohol yung mga sugat sa likod ng mga nagpepenitensyang panyero nila!

Walang komento: