Peb 25, 2004

Magandang Umaga Nga

Ayun, umakyat kami ni Mae hanggang sa barbed wire na "No Entry" daw. Oks na, solb na rin naman kami dun. Nakahinga naman ako ng malalim kasi kahit na maputik dahil sa weirdo weather ng LB, hindi nadulas o nadisgrasya ang baby sister na damulag. Gusto naming mag-pictorial duon kaso walang kamera. May millipede pa naman na cute.

Tinanong ni Mae kumbakit may tumutulak sa tao na tapakan yun. Sabi ko, "so that we will know our height." 'Know' ba o 'enjoy'? Ewan ko basta paprofound effect eklat na naman yun. E isa lang naman ang alam ko, at yun ay wala akong alam. Hello, Socrates? Is that you? Sanay na naman si utol. Kaya nagkwentuhan na lang kami habang dumadaluyong ng batis at nagmamagandang umaga ang mga di namin makitang ibon.

Dahil sobrang tomguts na ang drama ng hija, sumakay na kami ng dyip pagkaahon sa putik at batis. Sementadong sibilisasyon na naman tayo bosing! Wow, exclammation point. Kunwari na naman masaya. Ayun, nag-almusal kami.