Sa iyo, C-
Paumanhin, hindi ko naparating sa iyo ang kanyang paglipas. Kasalanan mo rin kasi, papalit-palit ka ng telepono. Oo, pwede ko ngang maiparating sa iyo sa e-mail ngunit malay ko ba kung ayaw mong makausap? Batid ko naman na kailangang handa ang mensahero sa pagsukli sa kanyang masamang balita ng malupit na punla. Ngunit ni hindi kita nakaharap. Para akong nag-message sent sa blangkong langit.
Alam kong kaibigan mo siya, guro, huwaran. Isang buwan na ang lumipas at ngayon ko lang nasabi. Magsilbi sanang moral lesson ha? Huwag basta-basta magpapalit ng numero. O kung susunugin mo man ang iyong tulay sa akin - desisyong mapatototohanan kong matalino, wais, at wasto - sana bukas ang pinto sa ibang mensahero.
Tumatagos rin ang pabulong na pagsisi mo sa akin, dahil di ko naparating ang hiyaw ng banshee't baylan. Ngunit tatahimik na ako, di ko na magagatungan pa ang liyab na inaalay mo sa dinadakilang pumanaw.
Nawalan rin ako. Kung ako lang ang masusunod at walang ibang tibok sa aking motor, magsasara ako't di na magpapadala ng anumang paa pasaiyo.
Tinadtad ang mga ideya at isinahog ang kambal-dila para sa salusalong ito. Sana may sustansya. Masimot man o hindi, tanggapin ang aking pasasalamat sa iyong pagtikim.
Ene 27, 2005
Ene 7, 2005
Kay D-
Salamat sa tatlong oras ng paglalakad, sa pagturo sa akin sa Malaking Tabo, Tatlong Maria, Southern Cross, at Supot ni Hudas. Salamat sa palitang-kwento, mga nagliliparang paggalugad sa isinatintang lalamunan ng mga yumaong kwentista, silang mga pangalang sintunog ng ating mga pagal na hakbang.
Mabuti't naisipan nating kumawala sa mga gapos ng oras at pangangailangan at maalala - sa haba ng mga kilometro at reklamo ng mga bukongbukong - ang mga naunang naglakbay. Mabuti't hindi nag-isip at sa halip, patuloy lamang nagpadausdos sa mga maluwalhati nating tinig.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)