Hun 17, 2005

Maligayang bati, Durga! Hala namamayagpag ang Diyosa!

SagingD, influenza ito ni Manong CBS.

Magiging masaya kaya ang puro major? Sana sila man lang masaya. Ayon nga sa mga matatandang gurong yumao na, "good luck."

Hindi ko na kilala ang Los Banos. Ewan ko kumbakit, napatagal yata ako sa iba-ibang mga mundo. Gagamitin ko sana ang isang paraan ng analisis para matuklas kung anong puntodebista ko ngayon: mula sa posisyong mababa, nakatingin pataas? o mula sa posisyong mataas, pababa nakatingin? nakataas ang kilay? o isang kaibigang hindi alam kung kaibigan pa ba ang turing sa kanya ng makakasalubong niya?

Baka kaaway? Nakakapagod namang magtapang-tapangan kapag puro duwag ang nakapaligid. Luwa pa ang mata.

Marami namang kaibigan, ewan ko. Ang galing nga ng mga dati kong kasama sa PANTAS na nagpapaplug na mag-ooryentasyon sa June 28 sa Freedom Park pakikontak na lang si Loo o Jaki kung interesado, nagkalat na ang mga numero nila sa kampus. May mga wala ayun sa ere tatakbo mag-isa pero ano pa nga bang magagawa natin? Gusto ko rin naman maglakad mag-isa, sa totoo lang. Mag-ingat sa hiling. Baka maging isa ang paa.

May kwento si KantoG, pati si Miss Dearest, at may tula si Vic. Magaling. Sana ako rin kwentista. O di kaya, phoet.

Dapat yatang masarap ang ganitong LB, isang malaking maligayang bati ang mundo, nakangiti. Okay pero hindi ko alam kung paano tumugon. Parang masyadong maputi ang ngipin. Parang sagad masyado ang ngiti at hindi ko alam kung kita ko na ang lahat ng kanyang kamay. Baka may kamay (o mukha) na nakareserba sa likod, may ibang dala.

Isa pa kaya hindi ko alam kung paano tumugon. Walang okasyon.

Hindi siguro sa akin nakatingin. O tutok sa akin ang mata ang ngiti, sakdal tamis, ngunit hindi niya alam na hindi niya ako kilala.

Walang komento: