Hun 27, 2005

Mga Paskil

Tuloy ang lakad. Natesting na namin nina Sagingducky, Labandera, James, at Jas. Usapang panaginip kay GMA, Samurai X, Cooking Master Boy, silabus, Hello Garci, at ang mga nakakawalang-ganang katrabaho sa mundo. Tuloy rin ang sulat, syempre! Aba hindi na lamang iyas ng tula ngunit pati simula ng kwento ay binabanatan na rin ng mga sumasabak sa lakad!

Walang nagmamay-ari ng lakad na ito kaya kinukumbida ang sinumang hindi takot sa "hiding" cameras na napundar ng IRRI dahil piso lang ang binabayad sa UPLB para sa lupaing Pinoy. Walang nagmamay-ari sa lakad kundi ang naglalakad, kaya tara na. Alas singko medya ng umaga sa NCAS ang kitaan. Martes, Miyerkules, at Huwebes. Makakarating pa sa klaseng alas otso o alas otso medya, pangako. Kaya nga tinesting na, para sigurado.

Isa pang paskil. Martes (bukas na!), ganap na alas siete ng gabi, halina't baybayin ang Freedom Park para sa oryentasyon ng PANTAS sa mga nais makisapi. Todo tugtugan, tulaan, at kainan. Mukhang may souvenir pa. Sundan lamang ang usok ng mga kandila at mga palo sa bongo.