Tinadtad ang mga ideya at isinahog ang kambal-dila para sa salusalong ito. Sana may sustansya. Masimot man o hindi, tanggapin ang aking pasasalamat sa iyong pagtikim.
Mar 29, 2007
Mar 17, 2007
Darkfriend
Dorothy Wordsworth
Diary entry
March 17, 1798
Mar 4, 2007
Trilobite
Mga sipi:
1—Siguro mula sa aking masayang karanasan sa elementarya at hayskul na may nakalaang quarter sa PE para sa mga liksyon sa paglangoy. Sa umpisa, pakiramdam ko nga nasa mater ang lugar.
4—Mula sa maagang pag-ibig sa paksa ng mga dinosaur, napasadahan ko rin ang mga mas sinaunang uri ng buhay. Mula pa sa maagang elementarya ang imahe ng trilobite.
6—Naglalaro sa isip ko habang inaalala ang kilos ng trilobite sa lumot ang mga kampanya sa unibersidad at bansa. Napapangiwi ako dahil ayokong gumawa ng koneksyon na hindi ko naman naisip habang nasa mismong panaginip.
8—Palaisip ako sa panaginip.
9—Helmet ng sundalo lamang at wala kalakip na konsiderasyon sa anumang partikular na digma o kung buhay o patay ang mga may-ari ng helmet. O kung nasaan sila relatibo sa tubig na ginagalawan ko.
12—Quisao o Tagaytay ang naiisip ko habang isinusulat itong nakagawiang sarbey ng mga batis at asosasyon ng mga imahe.
13—Malakas ang pakiramdam sa panaginip na nasa Lian, Batangas ang koneksyon sa dagat.
15—Malamang na hindi lamang tatlo. Maaaring umabot ng walo. Hindi maaaring dalawa lamang at hindi rin naman yata lumagpas sa sampu. Mahina akong magbilang sa panaginip.
18—May tsinelas akong suot. Nagtataka pa ako kung paano nagkatsinelas nang unti-unting nagising. Pagkagising, ang mapaklang pakiramdam na may hindi ako natapos. Bagay pa na parang hindi na ako kailanman magkakaroon ng pagkakataong tapusin ang panaginip.