Ipinapakita ang mga post na may etiketa na damgo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na damgo. Ipakita ang lahat ng mga post

Set 13, 2024

Paruparo sa pagitan ng Tanay at Antipolo

Hanggang baywang na raw ang tubig
 sa paanan ng inyong burol. 
Kumusta na kaya ang mga traysikel, 
ang katayan ng baka, 
ang nagbebenta ng kahoy na duyan. Ay, 
ang paborito ninyong kapihan 
at sila roong nabigla nang ibalita ni Ma
 ang inyong pagpirmi sa malapit na burol. Tiyak
 naanod na sila ng panahon,
 nakalikas na sa mga susunod nilang silid. 
Manatili sana silang ligtas, ano?
 Hindi na para maglimas 

o maghukay. Buong araw, pustahan, 
wala ni isang nagtitirik ng kandila. 
Tumigil din ba ang operasyon,
 ang pangangalbo sa tuktok ng iyong burol? 
 Ang ingay ng trosong isinasampa sa trak, 
ng makikisig na batong tinitipak?
 Kitams? Ang sistema ng quarry at haven:
 pagkakakitaan ang tuktok,
 babahain ng trahedya ang paanan, iaakyat,
 tutugtugan, at ilibing sa kalagitnaan.

 Dati, tinutunghayan ninyo sa radyo
 kung may pasok kami o wala. Samantala, binabatikos
 sa AM ang pangwawasak sa hininga
 at mapanghigop na depensa ng mga bundok.
                                               Bahagi na ho kayo 

 maging nitong pahina habang tutok kami sa senyal,
 may pasok ba ang mga apo ninyo bukas.
 May laban ba kami.

Set 7, 2024

Ikaanim sa pitong balaraw

Pinakamahalagang araw sa buhay 
Ang hinarap ng hindi ilan kundi lahat ng mga dakilang yabang 
Sa linyang “hay 

 Ang mamatay sa nipis ng kanyang bisig…” 
   1. Na hindi ka nag-iisa  
    2. May siya 

     3. Sasaluhin ka 
      4. Wala siyang mas mabuting gamit 
Sa kanyang mga kamay 

 Sa halip, ito ang ibig 
Buong-puso ang pananaginip 
Sa walang-habas niyang pagsasakasangkapan

 Sa matinding sarili 
Walang ititira sa mga anggulo ng kanyang braso
 Balikat, mga tansong daliri 

 Kung paano nila sinasakop ang hangin, espasyo— 
Mga muwestra nilang sang-ayon sa huwisyo
 Ang napakaraming ina sa mga linya niyang sinasagad

 Sa anumang maisip, bawat langit at ihip; sa huli 
Ang maluwalhating puwang na kaingat-ingat at kayakap 
Sa pinakamabuting gabi

Okt 17, 2020

Katok

Bawal tumula ngayon. Bawal ang tweet. Bawal ang dibuhong minimalist. Ang brutalist. Sige lang kung shut up, kung walang exposure o pakinabang: magtsek, maghugas ng pira-pirasong pinggan, magdilig sa ulan. Bawal umusad ang pogi points at haba ng hair. Hindi para manganak ngayon.

*magtsek ng output ng pormal nagbitiw o hindi na nagparamdam. O nagparamdam ngunit hindi maaaring ibahagi ang ibinahagi lalo’t maaaring ikalaki ng ulo o following. Bawal makaramdam ng inauthentic feelings. Kung nakatitiyak na totoo at masidhi ang nararamdaman, hindi ito dalisay.

Kung pinag-isipan ang antas ng sidhi at katotohanan ng damdamin, hindi ito dalisay. Dalisay at uso ang magbawal-bawal, parang face mask, face shield, 48 na kawal. Ihaharurot ito. Kakanselahin. Napakaraming magsasalita at malulungkot at maghahakot ng mga kontrabandong tagahanga.

Wala sa listahan ang maseselan, ang mga imahe (hindi imahen) ng apoy o himpapawid. Lalong-lalo kung tubig. Bawiin ang pahintulot sa pagtambay sa tarangkahan, sa pag-angkas sa panginoong may-subdivision, sa pagkukubli maging sa sariling panaginip ng malambot na pisil ng mag-anak.

Walang mamimigat. Magaan ang call-out sa ngiting selfie, sa lay-out ng masarap na padeliver. Iwasang mag-unbox. Lumayo sa kahon. Sa hugis na parihaba. Tuwing may lalabag, tutuka ang mga sisiw sa salamin ng budhi at—ngayong bawal manalinghaga—totoo sila at isa-isang tatanggapin.

Peb 27, 2015

Home with a list of names

Hindi ko alam kung kaya kong magklase mamaya. Miss ko na yun, kahit pa large class. Marami namang bibo kaya nakakagana talagang pumasok. Sama lang ng pakiramdam ko, boses, ulo, ganyan. Kinailangan ko pang magkansela ng isang mahalaga sanang (muling) pakikipagkita makatiyak lamang na may sapat pang lakas sa pagpasok. Saya naman kasi. Kagahapon, sa HUM 160, adrenaline na lang yata ang nagpatakbo sa akin. Naubusan na kasi ng luya sa bahay. Ewan ko rin kung bakit ako na-excite samantalang exam lang naman kami (hindi rin naman ako excited magtsek ng papel... ito yung tipo ng bagay na bihira kong hinahanap-hanap gawin pero pag nandun ka na—may oras at kape, at espasyo para sa mga papel—masaya na, tuloy-tuloy na, para kang may binubuong klase sa utak mo). Bitin yung usapan, lalo dun sa ikalawang seksyon. Sa una, sakto lang, pero bitin din. Ewan, adik. Hindi ko na muna tinanggap yung mga journal nila kasi hindi rin naman kakayaning tsekan. Dagdagan na muna nila ng laman, at sana sana sana naman ay kayanin ko na yun sa susunod na linggo. Masarap magpaawa sa blog, gawain ng hindi iisa sa aking mga kakilala. Kasalukuyan kong iniisip ang mga kaibigang hindi na kaibigan. Kasalanan ito ng pagbisita ng isang kaibigang kasalukuyan pa ring kaibigan (at sana hanggang kamatayan na, kahit ako na ang mauna, sige, tutal nakatatanda naman ako). Hirap kayang makahanap ng tipong magtitiyaga sa akin... at saka yung masarap ding tiyagain. Mahirap makahanap lalo kung hindi palahanap. At kung katulad kong salat sa tiyaga at pasensya (bagay na hindi dapat ipagmalaki). Pinakilala sa akin ng isang dating kaibigan si Colvin. Gusto ko pa rin si Colvin, pero yung nagpakilala, hindi na. Ayaw na. Kadiri lang. May isang dating kaibigan na kasalukuyang tumutulong sa isang kasalukuyang kaibigan. Kung mangyayaring pareho pala silang hindi panghabang-buhay sa akin, oks lang. Yung isa ay kawalan pag nagkataon. Pero kaya yun, sana huwag lang yung nasa isang espasyo kami tas isnaban. Ay, anak kong nanaginip ng osong nagmamaneho ng crane (at nahulog ang oso at kanyang iniligtas)! Alam mong ayaw mo na talaga sa isang tao kapag malayo na nga sila e hindi pa rin sila napapakinang ng mga taba sa utak mo. Napakadaling ipangharang ang matatalinong estudyante sa taimtim na pagpapatunay ng isang kaibigan. Hindi ka nag-iisa. Hindi lamang ikaw ang ipinanganak na may kakayahang manlahat, umastang makatotohanan. Panghabang-buhay ka pa man din sana.

Peb 24, 2014

Bulawan

Ayon sa iyong panaginip,
nilamon ng lupa kaming mga tatay
habang nagtatanim-tanim sa paligid.

Nang iluwa kami nito, kinagat kami. Ng kung ano.
Lumabas kaming mga pagkalaki-laking lalaki,

at pinaghahabol ang mga anak nang may makain.
May batang naiyak, at nais magpa-alo sa ama

(siyang bespren ng ating bunso) . . . pigilan!
Bagamat may lunas, takbo ka nang takbo sa

iyong panaginip. Kay raming hindi nakaligtas,
mga hindi makabalik-balik sa dati nilang anyo.

Kamukha ng bituka ng dalag ang lunas,

at nagising ka nang hindi ito nailalapat sa
iyong asawa. Na tipa nang tipa nang tipa.

Dis 30, 2012

Motto Stella

Kailangan ko ng mga mason,
ilang masusunuring batang tagabuhat,
isa o dalawang babaeng may tubig sa baso,
o lalaki, kahit Filipino.

Mainam kung may mga sulo, ngunit
kung bumubuntot sa itim ng apoy
ang mga kamera,
magkakasya na lamang sa karimlan

O sa iisang kandilang sapat kapwa
ang panganib at pag-aabang
sa mga pakpak ng lingid na insekto,
sa mga maigagatong na mata.

Bigyan mo ako ng estruktura.
Bigyan mo ako ng maliligaw sa estruktura.



Dis 14, 2012

Twelve Days Senior

Family day at the gym, onstage, middle of the night. 

What the suicide would've said had she known I reviewed her grades. 

For whose sake did they cut the strings of the red puppeteer. 

I smell her diapers from here. 

In a dream of Banquos, Macbeth squeezes a collarbone to wake me up. 

The picture that never gets thanked for smiling back.

Only one recommendation to go before the library opens a door for her.

Of the seven things that we are, more than three are our mothers. 

Who has yet to study for her exams. 

Only the little storms leave flowers on my stomach.

Whom the gods would destroy, they first flatter.

If we're talking happiness, I would've brought their bikes along.

May 1, 2012

The Burton Creative Process

STEP 1: Go to bed. Lock the door behind you, and leave the lights on. Lie on your back.

STEP 2: Look up at the ceiling, stare at that custom poster of Depp, head made naked of hair, even of facial hair, not one Depp eyebrow in sight. The background's black, by the way, but so is the rest of the ceiling, the walls and floor in sinister shades of cotton candy.

STEP 3: If a dream comes, proceed to the next step. If a dream does not come, repeat STEP 1.

STEP 4: Storyboard the dream.

STEP 5: Call Warner, Mandalay, call 20th Century, etc. See who puts up a fight.

(IMPT! Do not linger as he practices his lines; allow the stylists to do his hair in peace. Rather, retreat always and again to STEP 1.)

Mar 11, 2012

A Dream of Ethnography

The dream was fluent last week. A catalonan invited me up to the mountain (2). I was audience (3) to his art. Maybe I was the only one in front of him, for there were points in the dream when it felt this way. We sat cross-legged. It was a cave, I'm sure, but I remember the sun overhead.

His concept was to deliver the summary of his homeland through a whole experience. That is, he did not merely show things (8) or chant songs. He fed me (10) from two pockets carved from the soil before him: one contained a fluid, the other rice. These were tasteless, and I remember mulling on the tastelessness while he proceeded with the performance. He used his bare hands to feed me. Many other scenes came after that, but I must keep at least two of these paragraphs.

There, hidden.

The horror show was not over. The purging was painful. I gave birth to a flaming orb (26).

Notes:
2–A role played by someone I know. But C– was no catalonan in truth.
3–The word 'audience' does not fit. 'Participant', maybe, but the word has been worn thin by corporations and anthropologists the world over.
8–A moving tattoo, for one.
10–Was this the only dream where I don't wake up the moment before I eat?
26–Red, with a faded gold cross wrapped around it. Maybe my father still keeps that little Sto. Niño with a missing hand.

Set 8, 2011

Modest Stipend

All the modest stipends in the world gathered for a conference, but not one of them would speak. Blessed are the meek, and they would not even look each other in the eye much less exchange salary information. Vulgar Stipend then burst into the room. He wore many pockets but no underwear. He gave it his all.

Okt 8, 2008

Okt 25, 2007

Enfant Terrible

It led a siege in my dreams. The bone giant. I had been training the folks of Quisao to protect their homes.(3) The giant rained stones on us so we had weave our way to the army. Our first wave was levelled.(8) I shifted stategies and instead of rallying a second wave, I decided to leave the villagers to man the defenses against the army. I had to prevent the giant from rejoining its horde. I ran, bouncing from one spike to the other.(14) The giant regained its stature and spat at me. "Just one? What is this an insult? Then I allow me to throw you a pebble. I evaded that but he showered me with stones. I withstood them somehow, gained his back, and severed the leash that held its body together. So it toppled. And the head seemed to me a nipa hut. The very first.(18) It was not much bigger than a dog house. I intended it as a gift to my toddler. I entered its mouth to inspect if it remained a threat. When I was sure it was safe, I motioned for my son to take it. Come, you can carry it, I told him. So my son did. We walked the grove of Los Banos, right along the red tapsilog place and the convenience store and the big chicken place. The people greeted us. But my ears belonged to my boy, with his happy nipa burden, bent and exclaiming all the way: I am a turtle. See? I am a turtle. Mga sipi: 3—A baranggay of Pililla, Rizal. The birthplace of my parents. The patron saint is San Diego de Alcala and, in fact, before Quisao was reduced to the biggest baranggay of Pililla, it was itself a town called Bayan ng San Diego. 8—Although my memory of this episode was choppy (or it was a choppy dream sequence to begin with and no lucidity would be able to retrieve what never existed in this subtle realm), the first wave was destroyed more or less in the following manner. We had successfully separated the leader from his horde. Yet the leader was only playing along, using our strategy against us to create a ruse. I had no way of knowing if my wave was driving the giant away or being lured by it. The giant rolled, shrinking into itself, until it was a rock. Then it stopped. When the wave had gathered to break it's shell open, bone spikes rose from the ground, impaling every villager groin to brain. It was a sky of white and red spikes. 14—This seemed the most clever way to get to the monster alive. I was confident of heroic success. 18—Yes. I was aware of the object sprouting from legend during the dream.

Hul 21, 2007

The Get Well Soon

I hope she has a mother, a kind one.

Nella Last
July 21, 1943
Diary entry


The night swimming down deep, still yesterday night's unforgettable dream of kidneys and white cats. I work the weekend away, I need to anyway. I try to stir up other thoughts. Nothing works. I refuse to write a word more. Countless nights ahead - or so we never fail to tell ourselves - maybe later another dream. Maybe tomorrow night. I shall forget. Famous last words: I shall forget.

Hun 24, 2007

Muli, ang Maitim na Dalaga(1)

Marami siyang kamay(2). May hawak siyang abaka na pantali sa kalabaw, kutsilyo(4), at hasag. Hindi nakasindi ang hasag. Nakatitiyak akong may lamat ito. Tinanong ko siya kung may maitutulong ako. May inabot siya sa akin(7).

Mga Sipi
(1) Dati ko pa itong panaginip. Mula pa noong isang palihan sa Hilaga.
(2) Kadalasan, iniisip kong anim. Sapagkat panaginip, maaaring apat lamang. Maaaring higit sa pito.
(4) Kutsilyong tipong tinatapon-tapon lamang. Tipong nadedekwat mula sa mga sizzling plate combo meal ng mga foodcourt.
(7) May mga ganito akong panaginip, may nakukuha ako na hanggang paggising ay hinahanap-hanap pa rin. Minsan, tulad sa pagkakataong ito, hindi ko na nga maalala kung ano ang bagay, kinakapa ko pa rin sa ilalim ng unan o sa gild-gilid ng kobre-kama.

Abr 21, 2007

Laptop

May laptop ako sa panaginip. Maroon ang kulay at kawangis ng katawan ng coleman ang materyal. May istrap ang laptop ko kaya maaaring dalhin na style backpack. Ito lang ang dala ko papuntang Santolan. Kailangang inspeksyunin ang laptop sa bungad ng MRT(7). Nakaaasar sapagkat kailangan kong magmadali. Tahimik lang ako. Pinsan ko ang guwardiya(10). Tinanong niya sa akin kung nais ko talagang sumakay. Sabi ko, oo. Kukuha raw kasi siya ng espesyalista. Pumasok siya sa opisina. Lumabas si Guingona at umupo sa turnstile. Gamit ang mga screwdriver at plais, binuksan niya ang laptop at ininspeksyon ang kada piyesa. Sa susunod na eksena, nagpupusoy kami ng pinsan ko sa hardin sa Odiongan(15). Nakasando siya, saudi gold sa leeg at daliri, at pantalon at bota ng militar. Magiliw kaming naglalaro(19), naghihiwa ng manggang hilaw, at nagmumurahan.

Mga sipi:
7—Kinabahan ako sa bahaging ito, marami akong inisip na excuse sakaling may makita sila.
10—Patay na ang aking pinsan. Hindi siya kailanman naging sundalo o guwardiya. Hindi na umabot ng bente kuwatro, sa pagkakaalala ko.
15—Isang beses lang ako nakabisita sa hardin na ito. Hindi pa ako nagtagal noon, sinamahan lang ang aking ninang na magyosi. Ngayon ko lang natandaan ang isang panaginip sa Romblon.
19—Hindi ko alam kung sino ang nananalo. Okey lang kung siya. Panaginip ko naman e.

Abr 17, 2007

Static

Panaginip ng videoke. Malaki ang makina at walang tigil ang kanta at inom.(3) Hindi ko maalala ang imahe sa makina. May away na mula pa sa unang panaginip ko na hindi ko maaaring isulat. May dalang barena ang aking tiyo. Kaaway niya ang videoke na dinuduro niya ng barena. May lupa at ugat-ugat pa sa dulo ng barena ngunit kita pa rin ang tilos ng bakal. Nagstatic ang makina. Tuloy ang kantahan, medyo pabulong na nga lang. Todo ngiti(9) pa rin ang mga humahawak ng bote at mikropono. Galit na galit ang tiyo sa videoke.

Mga sipi:
3—Kadalasang mababa ang tingin ko sa mga kantahan at inuman. Kaya nga masaya ang mga gawaing ito dahil aminadong mababaw. Ngunit hindi ganito ang "saya" sa eksenang ito. Payapang uri ng saya. Malapit sa pakiramdam ng piknik sa maaaliwalas na umaga sa ilalim ng malayabong na puno.
9—Hindi ngiting aso. Tamang inumang ngiti. Hindi wholesome pero ngunit hindi kuntodo bangag. Natutuwa talaga sila sa kantahan. Kung natutuwa sila sa tiyo ko, hindi ko alam. Mula sa pagkakapanood ko, parang okey lang. Parang alam nilang naroon siya ngunit talagang ang kanta ang mahalaga sa kanila.

Mar 4, 2007

Trilobite

Panaginip ng swimming pool(1) na nilulumot ang mga tile. Alam kong malalim. May mga nakaumang na tile na hinawakan ko upang makaangkla sa kailaliman. May mga trilobite(4) sa sahig at tila mga gaplatong pagong ang mga ito. Marami ang mga ito. Kapag umuusad ang isa, nakakaskas ang lumot(6) at nakikitang dilaw ang kulay ng tiles. Iniisip(8) kong mukhang helmet ng sundalo(9) ang trilobite. Iniisip ko rin na kapag binaligtad ko ito, masisipsip ko ang laman. Nag-iisip ako ng tinataktak na bulalo(12) sa ilalim ng tubig na paglaon ay dagat na(13). Hindi ko ginagalaw ang mga trilobite at hindi nila ako inaano. May trio(15) na mukhang ipis, mas maliit, at mas mabilis kumilos. Nagdesisyon ako na hindi trilobite ang mga ito at pinag-aapakan ko upang mapuksa.(18)

Mga sipi:
1—Siguro mula sa aking masayang karanasan sa elementarya at hayskul na may nakalaang quarter sa PE para sa mga liksyon sa paglangoy. Sa umpisa, pakiramdam ko nga nasa mater ang lugar.
4—Mula sa maagang pag-ibig sa paksa ng mga dinosaur, napasadahan ko rin ang mga mas sinaunang uri ng buhay. Mula pa sa maagang elementarya ang imahe ng trilobite.
6—Naglalaro sa isip ko habang inaalala ang kilos ng trilobite sa lumot ang mga kampanya sa unibersidad at bansa. Napapangiwi ako dahil ayokong gumawa ng koneksyon na hindi ko naman naisip habang nasa mismong panaginip.
8—Palaisip ako sa panaginip.
9—Helmet ng sundalo lamang at wala kalakip na konsiderasyon sa anumang partikular na digma o kung buhay o patay ang mga may-ari ng helmet. O kung nasaan sila relatibo sa tubig na ginagalawan ko.
12—Quisao o Tagaytay ang naiisip ko habang isinusulat itong nakagawiang sarbey ng mga batis at asosasyon ng mga imahe.
13—Malakas ang pakiramdam sa panaginip na nasa Lian, Batangas ang koneksyon sa dagat.
15—Malamang na hindi lamang tatlo. Maaaring umabot ng walo. Hindi maaaring dalawa lamang at hindi rin naman yata lumagpas sa sampu. Mahina akong magbilang sa panaginip.
18—May tsinelas akong suot. Nagtataka pa ako kung paano nagkatsinelas nang unti-unting nagising. Pagkagising, ang mapaklang pakiramdam na may hindi ako natapos. Bagay pa na parang hindi na ako kailanman magkakaroon ng pagkakataong tapusin ang panaginip.

Peb 17, 2007

Confetti

Nanaginip ako ng sanlaksang bata. Takbo sila nang takbo kahit matindi ang buhos ng confetti(2). Delikado ang hangin at natakot ako na mapigtas at manghagupit ang mga banderitas(3). Tawa lang nang tawa ang mga bata. Sa ikalawang panaginip(5), may isang magulang na baboy(7) sa kural at may halong confetti(8) ang putik. Nasa loob ng kural ang ilang bata. Sinuotan nila ng sinturon(10) ang baboy. May isang batang babaeng nakaunipormeng St. Joseph’s(12). Dumapa siya sa lupa na madamo na at isa nang football field. Marumi ang field, maraming kalat na plastik na baso at paper plate (15).

Mga sipi:
2—Maaaring piyesta dahil sabay-sabay ang mga school fair pati ang alaala ng mga fair.
3—Wala akong maalala ni isang kulay ng banderitas.
5—O sumunod na eksena nitong tinatalakay na panaginip. Depende sa dami ng REM stage, maaaring may apat hanggang limang panaginip ang tao sa isang regular na tulog. May mga taong tumututok sa kanilang panaginip na kayang paghiwahiwalayin ang mga ito. Ang iba, napagsusunod-sunod pa.
7—Higit sa interpretasyon, mas mahalaga para sa akin ang mga pinagkuhanang eksena o teksto ng panaginip. Maraming maaaring pagkuhanan ng baboy. Maaaring ang matagal ko nang namalas na paggilit at pagkatay ng baboy. O ang trak ng mga baboy sa SLEX. O ang Valentine sisig. Puwedeng ang lektyur ko hinggil sa “Babycakes” ni Gaiman ang nakaimpluwensya. O ang tulang “El otro tigre” ni Borges. Puwede rin na noong pinaglaruan ni Nicolas Cage ang kanyang ilong sa pelikulang “Ghost Rider,” ang pumasok talaga sa isip ko ay ‘baboy’ sa halip na ‘bungo’. Pero ang una kong naisip pagkagising ay baka dahil Year of the Fire Pig ngayon. Ikalawa, baka dahil sa muling pagtalakay ng pork barrel. Maaaring wala ni isa sa mga ito. O lahat, pinagsama-sama. (Habang nagtitipa, tumugtog ang Radioactive Sago Project sa isip ko. Ngunit malamang naisip ko lamang iyon dahil sa ginagawa kong pagsasaayos ng tema. Malayo man, baka may naimpluwensya rin.)
8—Hindi ko matanggal sa isip ko ang bird flu habang kinokonsidera ang imahe ng confetti. Hindi ko naman naisip o naramdaman ang anumang pahiwatig ng sakit o ibon habang nananaginip.
10—Itim ang sinturon. Tiyak ako pagkagising ko. Nang isipin ko kung tiyak ako habang nananaginip, hindi ko maalala. Kaya ngayong nagtitipa na, hindi na ako sigurado. (Sa katunayan, nang maisip ko ang pork barrel, dumami ang bilang ng sinturon, naging tatlo. Hindi na rin ako sigurado kung ilang sinturon ang isinuot sa baboy. Ang alam ko lang, suot ito ng bata na hinila mula sa shorts bago isinuot sa baboy.)
12—Hindi ko maintindihan ang imaheng ito. Bagamat nakita ko noong elementarya ang unipormeng St. Joseph’s, hindi ko na maalala ang eksaktong hitsura.
15— Walang katiyakan kung may confetti pa sa hinihigaan ng bata. Wala akong maalala kahit isang kulay ng confetti. Hindi ko maalala ang hitsura ng isang partikular na confetti. Papel ba iyon o plastik o yero?