Ago 22, 2008

Sapagkat Hindi Kaning Basta-basta Iluluwa Kapag Halumanis

EKSENA: Nagluluto ang Tatay kaya si Neneng ang pinasagot sa telepono.

NENENG - Tay, siya ho uli, yung babae. Hinahanap kayo.

TATAY - Ano daw kailangan?

NENENG - Closure daw po.

TATAY - Ay si Mama mo yan. Sabihin mo umuwi na at malapit nang maghain. Lalamig.

NENENG - E paano na ho yung closure?

TATAY - Sige na kamo! Ako na rin ang maghuhugas.