Hindi gagana kung mga kurot lamang ng pandesal.
Bato, maliliit at kilalang bato, ang tutungo sa bundok
Na babasag sa hangin . . .
Tipirin natin ang isa't isa.
Dama ko ang pamumula ng aking mukha
Sa tuwing iginigiit ng iyong pisngi
Ang kaniyang biloy. Gitnang-gitna
Kung saan pinakatahimik ang mga bahagi.
Mula ngayon, tigkalahati na lang tayo sa kanin.
Babawiin natin ang ating mga anak
Mula sa kanilang sarili. Pagdating ng araw
Maghahawak-kamay ang ating mga anino
Na kapwa anino ng mga anino.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento