D) Magaan ba? May mas modelo pa rito.
A) May pake naman ako sa results.
D) E sa ayaw na sa atin.
A) What if nauna tayong umayaw, tas pinaramdam natin yun?
D) Malay mo walang pananabotahe?
A) Ang galing nyan ha. Tripartite. Idol ko yung trabaho nya, lalo nung pandemya. Didn’t think that level of activity possible.
D) Inaabisuhan nga siya. Malabo ring makakausad doon. “Bhe, pahihirapan ka lang dyan.”
A) Gusto ko lang sure na hindi pinahirapan dito. Natin. Prior to. Ng side glances. Etc.
D) Sobra ka naman. Sino bang hindi? Lahat naman.
A) Hindi no. Yung pinaka-success in my book, kaso wala na. Early, at deserve, dasurv, so we said. In chorus. Pero never a Marites. Or sinubukan nyang pigilan. Yun ang hindi natin kaya sa ngayon. None of us.
D) Teka ha. Saan mo naman nakuhang pinahirapan siya?
A) Feeling nya mag-isa, kamo. O revise?
D) Ambot. May pamilya na nga e. May dalawa na siya agad!
A) At joyous activity, mind you. Mga ten percent lang ang nakaya kong i-emulate! Tas proud pa ako nun.
D) Siya naman, magaling talaga. Grabe mag-organisa. Sunod-sunod ang banat.
A) So? Bakit nangasim?
D) Bakit naman siya sisiraan? Di ba kung ayaw sa kanya, mas pabor kung hahayaan?
A) Sa ganun e, bastang uupo ang aso sa dayami. Enemies, closer.
D) . . .
A) Seguruhin lang sana na pinapantay yung trato no? May lalaki rin sa equation na walang punitive measures. Overt o subtle.
D) Lalo lang siyang lilimitahan doon, kahit bigyan pa ng sariling mandato. Patibong lang, o para may paglagyan.
A) Pake naman natin dun? Naging maayos ba tayo rito? Basta panatag ka na walang masamang hangin, walang talsik ng laway...
D) Susginoo, ay. Bakit naman iisiping tulog ang nakapikit?
A) Side glances.
D) Alangan namang manahimik.
A) Tayo, sa sariling mantika. Kaya lahat kung makaaalis, aalis.
D) Samantala, ang layo-layo na natin.
A) Kaya nga congrats. You, and yours.
D) Salamat. Hiyang ka rito.