Ago 14, 2008

Oras para sa Kumot

TATAY : Tulog na, anak.
NENENG : Tay, wala ba kayong kwenta?
TATAY : Kwento ba kamo?
NENENG : Kwenta po.
TATAY : May isang bata, babae, pero nanaginip siya na umuulan ng yantok, tsinelas, at sinturon--
NENENG : Panaginip lang ba uli? Gudnayt na lang ho.
TATAY : Gudnayt mahal ko.

Ago 1, 2008

Kid Gloves

EKSENA: Tatay sa kusina, tuloy-tuloy na naghihiwa ng mga sangkap para sa kanyang Bicol Express. Maghihiwa siya sa buong eksena habang ang kanyang anak na si Neneng ay nasa salas, naglalaro, pinahahabol sa mga Bratz ang mas malaki, mas mabuhok, at mas malambot na laruang oso. Sapagkat may pader sa pagitan ng mga tauhan, pasigaw ang buong diyalogong ito:

TATAY - Neneng mahal ko! Ipitas mo ako ng labuyo sa labas.

NENENG - Kayo na lang ho.

TATAY - Mag-gloves ka please. Makati yun.

NENENG - Naglalaro pa ho kasi ako.

TATAY - A, laro bale. Nung bata kami, ang laro namin habulan. Yung taya maghuhugas ng minola. Sa palad. Tas kukuyumos ng labuyo. Pag nahuli ka, lalamukusin niya pisngi at labi mo. Minsan 'nak, maski ilong.

NENENG - (Tumayo) E nasan po ba ang gloves?

TATAY - Mata ang pinanghahanap, hindi bibig.

NENENG - Opo. Nakita ko na ho.

Sa katunayan, hindi pa nahahanap ni Neneng ang guwantes. Nakadungaw siya sa labas ng bintana kung saan naroon ang halamang labuyo at ang mga saluwal ng kanyang ama sa sampayan. Nakabaligtad ang mga shorts at alam ni Neneng na tuyo na ang mga iyon.

Hul 17, 2008

Mumbarya

[A Department Scene]

REAGAN & CALOY -  Hahaha haha

DUMLAO -  Yan na naman kayo.  Bat ba hindi nyo lubayan si Mumbarya?  Wala na ngang ginagawa yung tao e!

REAGAN & CALOY -  . . .

REAGAN & CALOY & DUMLAO - Hahahahahahahahahahaha hahaha!

[They die.  Mumbarya gets all their students, passes GO, collects 200.  End of scene.]  


Hun 25, 2008

Panayam ni Vlad

Alinsunod sa hindi mahihindiang mga hiling(hing) ni Vlad.

V - Sino ka (o, ilarawan ang iyong sarili sa loob ng 100-300 salita)?

A - Mabuhok ako kung sa mabuhok. Huwag mo nang itanong kung saan. Basta kahit saan mo ako hawakan, hindi ka mapapalagay kasi maghahanap ka ng balat at wala ka namang mararamdaman. Huwag mabahala, maging ako hindi ko kilala ang balat ko. Ngunit may alam ako sa sarili ko, isang bagay na hindi ko mapasisinungalingan: ako ay mangingibig. Matagal na akong umiibig at matagal pa akong iibig. May isa pa akong alam: marami akong nakilala at binuo sa aking mga panaginip upang makilala. Karamihan sa kanila, makinis. May ilan pa nga sa kanila na madulas. Ngunit anuman ang gawin kong pagpuwersa sa aking sarili, wala akong mahal sa kanila. Ni isa, wala. Maraming hindi nakaiintindi - sana hindi ka isa sa kanila - ngunit mangingibig ako, alam ko. Bagay ito na hindi ko mapasisinungalingan.


V - Saan o kanino ka nakaugnay o nakikiugnay (o, pagkukuwento ng mga relasyong napasukan sa loob ng 100-300 salita)?

A - Paborito ko sa lahat (bukod sa aking pag-ibig na naipaliwanag ko na) ang araw. Pluto ang ngalan ng kinatatayuan ko, at ipapaliwanag ko mamamaya itong lugar. Sa ngayon, kailangan mong malaman na ang relasyon ko sa araw ang paborito ko. Madalas kung sa madalas ideya lamang ang araw. Konsepto ito, at dahil sa haba ng panahon, hindi ko na mawarian kung saan nanggaling. Bakit may ideya ako ng araw? Bakit minsan, kinikilala ko ito bilang ama. O, mas eksakto, kinikilala ko bilang isang bagay na kumikilala sa akin bilang anak. Hindi ko ito makausap. Kahit sa panaginip, hindi ko ito makausap. Kahit sa ilang pambihirang panaginip na napakatotoo at tila nakikita ko na ang higanteng itlog ng liwanag (na siyang konsepto ko ng "araw"), masyado akong nasisilaw para magsalita. Minsan, lalong pambihira pa kaysa sa panaginip ng araw, ang mismong panahon na nakikita ko ang araw. Naaaninagan ko ito, pinakamabangis na tala. Ngunit saglit lamang. Bago ko pa mawarian kung araw na nga ba ang nakikita ko o isang repleksyon ng araw, wala na ito. Nangyari ito, halimbawa, kagabi (at mahaba ang gabi ng pluto, saglit lamang ang umaga at madaling malimutan). Darating ang panahon na hindi ko na naman alam kung saan ko nakuha ang ideya ng araw.



V - Sa anong mundo ka umiiral (o, paglalarawan ng mga kinalakha at ginagalawang lugar/kaligiran sa loob ng 100-300 salita)?

A - Mabuhok ako sa isang mundong mabuhok. Tawagin na nating "Pluto" ang mundong ito, gaya ng nakagawian ng ilang nakilala ko na napakahilig magpangalan at madaling magsawa sa mga panaginip. Tawagin na rin nating "mundo" ang lugar na ito, at baka ikasaya pa ng Pluto. May isa akong hubo't hubad na nakilala, malinaw ang kanyang mata at dahil sa nipis ng kanyang kilay ay madali siyang paniwalaan. Ayon sa kanya, hindi maituturing na mundo ang Pluto. Sa halip, isa lamang ito sa malalaking obheto sa tinatawag niyang "Sinturon ni Kuiber," isang napakalaking espasyo sa bingit ng solar system. Nais ko sanang ipaliwanag niya ang mga binitawan niyang salita lalo na ang isa na tila solido at tila rin hangin kung kumilos bilang tunog sa utak ko: Solar. Ngunit sinabi niyang hindi siya tutugon, sinabi niyang hindi niya ako ganoon kamahal, at nagawa niyang umalis sa kabila ng kanyang mga halik.

May 13, 2008

Para sa taong itago na lamang natin sa pangalang "Jovy"

Darating kaya sa punto - limang taon, sampo, o tatlumpo - na magkikita kayong muli at pagtatawanan lamang ang lahat nito?

Hindi ko alam kung mas mainam sabihin na sana o sana hindi.

Basta totoo na mahusay at nakagradweyt ka na.  Dito, at sa napakaraming ibang bagay.

May 8, 2008

Heard You Were Leaving

I remember dreams of Spain and the best of oars. I remember and old couch, worthless and diseased if not for our butts. Pages and pages and pages. And lips before daybreak. My dear, dear friend.

Is it sad or is it magic that I call you friend because you are leaving?

May your luck keep you warm.

May 6, 2008

Labor Day

Dennis, Manong Jerico's, at Pinky na may Neneng. Sa Jerico's Bakery. Mga alas 9, ganun.

Dennis: Manong, may pandesal ba?

Manong Jerico's: Oo, meron.

Pinky: O? Kahit gabi.

MJ: Oo, para bukas.

D: Magkano po?

MJ: 2.50 isa.

P: So magkano? Kwarenta? Ilan kaya yun.

MJ: Teka...

P: 20?

D: Hindi. Basta mga 16, 18 ganun. 2.50 e, hindi dos.

MJ: 16!

P: Kuya, padagdag naman! Para sa buntis, sige na.

MJ: Ha?

P: Dali na Kuya, para sa buntis na naglilihi sa pandesal!

D: Lupit a.


*

MJ: O ayan nagpasobra ako ng apat, para bente na!

P&D: Salamat po!

D: Ganun-ganun lang yun e. Pinagtrabaho na agad.

P: Sampung piso rin yun.

D: Neneng, chill ka lang dyan!

P: Nakasampung piso ka na, Neneng!