Tinadtad ang mga ideya at isinahog ang kambal-dila para sa salusalong ito. Sana may sustansya. Masimot man o hindi, tanggapin ang aking pasasalamat sa iyong pagtikim.
Set 11, 2025
WALANG KALMA SA BOKABULARYO NG HABAGAT
Set 8, 2025
PINE CENTO
WIKA CENTO
Ago 23, 2025
BAGO KA UMALIS MAG-ISA
Ago 19, 2025
VISION CENTO
NAPUTUNGAN NG MAPUTING ULAP
KABATAAN CENTO
CENTO NG ULAN
AT BUONG LAKAS NA PAGTANGGI
CENTO NILANG NANUNUMBALIK
Hul 6, 2025
KARATULA
Baka daw may mapunit nang wala sa oras
Wala ring titigil
walang oyayi, walang pangalan
E matapang ka lang naman dahil mayroon kang pangil
ng karayom sa braso
you can hear your blood flow
Scars whisper themselves shut
Saad ng karatula
Ingatan
__________________________
cento mula sa mga linya sa Mountain Beacon nina Nichael Lumakang Conje, Pinky Aguinaldo, Tofi Alonte, Ron Atilano, Steven Claude Tubo, Lorelyn Arevalo, Homer B. Novicio, April Bewell, Pauline Jean, at Francis Rey Arias Monteseña
Hun 20, 2025
PRIDE CENTO
Tuwing tumitilaok ang manok
Sabi ni Tatay, nagkulang daw ng yero
At habang naliligo ang mga talulot
garden pansies
Sumisigaw ang batang
Malamang sa malamang
under the blanket
What is wrong
Not all beginnings come with fireworks
__________________________
mula sa mga pambungad na linya sa Mountain Beacon nina Glenn Ford B. Tolentino, Marvin Marquez, Ron Atilano, Francis Rey Arias Monteseña, Pinky Aguinaldo, Jennylyn De Ocampo Asendido, Julius Cunanan, Lorelyn Arevalo, Maryo Domingo, and Maggie Fokno
Hun 16, 2025
TATAY CENTO
ng iyong mga nalalaman, sapagkat ano ang silbi
kasama ang mga sapot na sumabit
Then it's treasure
"naniniwala ako sa iyo anak"
a double rainbow
everytime you reached for the bread-of-salt
and manufactured cheese, a promise
sa pag-asang mahuli ang kumain
Na noo'y naputulan ng dila
Ang nakasupot nang kaputol ng bagis
ang karapatang magpasya
__________________________
mula sa mga linya sa Mountain Beacon nina Mark Vincent Dela Cruz, Ron Atilano, Marvin Marquez, Maggie Fokno, Francis Rey Arias Monteseña, Billy T. Antonio, Homer B. Novicio, CJ Peradilla, Nichael Lumakang Conje, Pinky Aguinaldo, Harold Fiesta, at Edelio De los Santos
Hun 3, 2025
CENTO NG KAIBIGAN
Ang hindi karugtong ng aking dugo
ng buwang sumusunod sa ating mga anino
Groovy as the ancients say
even when you forget the way
a clutch of rotting eggs
aming naunawaan
is a shiny red fine apple
Saksi sa ngayon. Ito ang mahalaga
na masarap ding iusad
sa matutupad niyang pagbabagong-anyo
__________________________
mula sa mga huing linya sa Mountain Beacon nina Pinky Aguinaldo, Steven Claude Tubo, CJ Peradilla, Homer B. Novicio, Harold Fiesta, Lorelyn Arevalo, Ron Atilano, April Pagaling, Redwin Dob, Francis Rey Arias Monteseña, at Edelio De los Santos
CENTO NG SALUSALO
nangingintab ang mga bibig na parang mansanas
wiggling breath by breath
until our tongues give
hanggang nahahalikan ko na ang pusod
bukang-liwayway na hindi nananatili
__________________________
mula sa mga linya nina Ron Atilano, Harold Fiesta, Lorelyn Arevalo, CJ Peradilla, Pinky Aguinaldo, at Francis Rey Arias Monteseña
May 13, 2025
BOTANTE CENTO
ng nanunukling cash register:
“Botante ka ba?”
the voice still announcing, calling for them
“But mother, I just want to buy a fanty”
pero paralisado pa rin ito. Sa kagustuhan niyang
father, forgive us
Each stroke both intimate and disobeyed
at tunay ngang kainaman din
__________________________
May 1, 2025
POETIKANG TAGNI-TAGNI
Ikaw, kailangan mong maghilom
sa ilalim ng baliw na buwan
madulas na lunggating tinataludtod, tinitilad-tilad
for the darkness and feel
the hollowed-out bodies lined up in the morgue like animals
In a Station Hidden From the Metro
nakahambalang na't naghihintay sa pintuan
ang mga braso ng sasamba
Sa kaliwa, humihiwa ang tila sibat na liwanag
mula sa sanga. Noon lamang lumiwanag sa
ilang taong pinupog ng pagpapala
__________________________
mula sa mga linya nina Steven Claude Tubo, Redwin Dob, Dimple Famajilan, Harold Fiesta, Maryo Domingo, CJ Peradilla, Birth Guzman, Jennylyn De Ocampo Asendido, Aris Remollino, Glen Sales, Ron Atilano, at Pinky Aguinaldo
Abr 25, 2025
13K
Lagnatan sa amin ilang araw bago itong Martes Santo. Kukuha sana ng yelo, kaso ubusan dahil sa init ng panahon. Nagtanong ako sa kahera sa mismong branch na ito. Wala raw. Nanigurado ako sa freezer at wala nga. “Teka muna, sir,” sabi ng isang ate na biglang lumapit sa mga freezer. Naka-jacket siya sa ibabaw ng unipormeng pula at mukhang pauwi na. “Heto, meron! Ilan po?” Nasa ilalim pala ng mga ice cream. Sabi ko, tatlo, pero sige ate, ako na, tenks! Siya na raw, at magbayad na lang ako para hindi agad matunaw. Pinagbukas pa ako ng pinto palabas, at ayun na nga, nag-aabang ang sundo niyang motor. Naku, salamat salamat! Ikinuwento ko agad kay misis. Awas na si ate pero inasikaso pa talaga ako hanggang mabuo ang transaksyon.
Siya agad ang naisip ko sa balitang ito.* Okay lang sana sila. Makabawi-bawi sana.
_____________________________________
*24-hour convenience store sa Bay, na-holdap.
Abr 19, 2025
Tenth Birthdays
Unable to cough up sixteen thousand pesos, his parents couldn’t buy him a death other than the prescribed bronchopneumonia. (For a lesser fee, maybe something like sepsis?) The boy would have celebrated his birthday in three days, the birthday money now going to his funeral.
With the help of new and well-meaning friends, a wound began to form, to sink into the boy, but it was a slow, painstaking process, a few millimeters a month of sinking to a puncture. After almost ten years of constant friendship and well-meaning, a fully fatal gunshot wound emerged.
At long last, a celebration is not a celebration but a death.
_________________________________________
SIPI: Sumilip si Damian habang nirerebisa ang draft na ito. Medyo iniiwas ko sana dahil nagkataong ginagamot din namin ang kanyang pneumonia (at nagkataong 9 years old din siya). Kaso mabilis siyang magbasa.
“Daddy.”
“O.”
“Bakit ang lungkot ng stories ninyo?”
“Kasi totoo.”
Pinakita ko sa kanya ang reference ko rito. (Naipakilala na rin si Macli-ing Dulag dahil nasipat din niya ang isa pang burador. Saka na ito ibabahagi ha? Baka sa 24th.)
_________________________________________
1. Daily Guardian: The death certificate of nine-year-old Lenin Baylon...
2. Reuters: Philippine family allowed to correct death certificate of son killed in drugs war
3. Reuters: A pathologist, a priest and a hunt for justice in the Philippines